Nagising ako bandang alas siete. Alas
otso pa ang pasok ko kaya agad na akong naligo at nag-ayos ng sarili. Hindi ako pwedeng ma-late ngayon.
Sa pagkakaalam ko ay ngayon kasi ang pasok ni ng anak ni Mrs. Reynolds. Hindi ko alam kung ano ang ugali nun kaya naman magpapakatino muna ako. Noong si Mrs. Reynolds kasi ang namamahala, okay lang na malate ako. Mabait 'yun eh. Though, minsan lang naman ako ma-late.
Sa mga fortuitous events lang naman iyon nangyayari.
Kinuha ko yung susi ko sa gilid ng tv at lumabas na. Nakabili ako ng kotse maka -isang taon na ang nakalipas. Malaki rin kasi ang sinasahod ko sa kompanya, saka wala naman akong pamilya para buhayin.
"As usual" sagot ko crew ng Mcdo. Nag drive thru lang ako ng pagkain. Suki na ako rito at alam na nila ang parati kong order.
Pancakes lang naman at chicken sandwich. Then, cokefloat for drinks. Sanay na akong mag softdrinks tuwing umaga. Ang di ko lang masanayan ay yung magkape.
Kinuha at binayaran ko na ang order ko at umalis. Kumakain ako habang nag da-drive. So, that means isang kamay ko lang ang may hawak ng manibela. Ganito ang routine ko tuwing umaga. So far so good naman at hindi pa ako nababangga.
Pinark ko yung kotse ko sa garahe ng building. Inubos ko muna yung pagkain ko before bumaba. Tiningnan ko yung relo ko at, shoot! 7:45 na! Minadali ko na yung pag-inom ng coke at lumabas. Dali dali akong pumasok ng building. Muntikan pa akong matapilok, pero binalewala ko ito.
I immediately press the button to the 5th floor. Tsk. 5 minutes na lang at 8 na, hindi ako pwedeng ma-late! Argh!
Tsk. Ang tagal naman! Kailan pa naging matagal ang elevator? Mas tumatagal dahil maraming pumapasok at pupunta rin siguro sa 4th floor. Kaya naman siksikan dito.
Sa 4th floor kasi ay mayroong hall para sa mga program. Doon ngayon gaganapin ang pag i-introduce sa bagong CEO. Mabuti sana kung ordinaryong empleyado lang ako dito, pero hindi eh, secretary ako kaya naman napakalaking kahihiiyan kung late ako.
Nagtumunog ang elevator ay naginhawaan ako. Nagsilabasan na ang lahat ng tao sa elevator pati ako. Then, dumiretso na ako sa hall. Naabutan ko ang mga empleyado roon. Nakatayo silang lahat at may hawak na isang glass ng wine.
Lumilinga-linga ako sa paligid para hanapin ang magiging CEO. Nang biglang lumapit sa'kin si Mae.
"Hala ka, late ka!" pananakot pa niya. Pake ko sa kanya? Inisnaban ko na lang siya.
"Nasaan ang bagong CEO?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng nakakaloko.
"Ewan? Naku! Lagot ka talaga ron late ka. Dapat ikaw ang umaasikaso--" di na niya natapos ang sinasabi niya dahil sumabat na ako.
"Pwede ba? Nasan siya?" iritadong tanong ko
"Ito naman! 'Di mabiro. Actually wala pa siya. Late! 8:10 na nga eh!"
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Tinalikuran ko na siya at dumiretso sa likod ng kurtina. Narinig ko pa siyang sumigaw ng your welcome. Eh? 'Di pala ako nag thank you . Napairap na lamang ako sa ere.
Kinuha ko 'yung folder na naglalaman ng mga info tungkol sa bagong CEO. Bubuklatin ko na sana ito , nang may narinig akong nagsisipalakpakan.
Dumating na siguro ito. Bitbit ang folder ay lumabas para salubungin ito. Sa gitna ay may nakita akong lalakeng may katangkaran. Naka corporate attire ito, ngunit mababakas ang hulma ng katawan niya sa kanyang suot. Lalo na ang kanyang tindig, parang sumisigaw ito at ipinapakita na mas superior siya sa lahat.
Lalake pala ang bagong CEO? Akala ko babae, 'di rin naman binanggit ni Mrs. Reynolds kung babae ba ito o lalake kahapon.
"Good morning everyone." bati niya.
Bumati rin pabalik ang mga empleyado.
"I am Ace Vincent Reynolds, the son of Mrs. Francine Reynolds. I think you're already aware that I'm the new CEO of the company." sa pagpapakilala niya pa lang ay nararamdaman ko na ang pagiging arogante nito.
"I hope we can work together as one. Thank you. " pagpatuloy niya sa kanyang sinabi at agad na umalis. Nag cheers naman ang mga tao. Sinundan ko siya para turuan ng kailangan niyang malaman tungkol sa kompanya.
Lumabas siya ng hall at sumunod ako.
"Mr. Reynolds!" tawag ko sa kanya at napalingon siya sa 'kin.
"I'm your secretary, Lyra Alcantara." pagpapakilala ko sa kanya.
"Oh!" aniya na para bang may naalala. "Ikaw pala ang sinasabi ni Mama. Sabi niya ito-tour mo raw ako sa buong buliding at tuturuan?" dagdag pa niya at nag smirk. Napakunot ang noo ko.
" Malaki na ako para sa ganyan. Kung nandito ka para gawin ang mga inuutos niya, wag na lang! I don't need your help." antipatikong sabi niya. Unbelievable!
"It's my job sir. Isa pa secretary niyo po ako. Ako po ang nag ha-handle ng lahat ng s--"
"Oo alam ko, lahat ng schedules ko. Secretary ka eh. At syempre dahil secretary ka ipag titimpla mo ako ng kape. Mamaya na tayo mag-usap tungkol sa kompanya Ipagtimpla mo muna ako ng kape dun sa office ko." pagpuputol niya sa sinasabi ko at agad siyang pumasok sa elevator.
Kung may sakit lang ako sa puso ay paniguradong kanina pa ako inatake. Sumunod ako ng tahimik sa elevator. Kailangan ko ng mahabang pasensya para sa taong ito. Maya-maya pa'y tumunog ang telepono nito.
"Yes, babe?" narinig kong sagot niya sa kausap. Kailan pa natutong magsalita ang baboy?
"Yeah. First day ko ngayon sa trabaho and it sucks here." sabi niya. So, hindi niya gustong magtrabaho sa kompanya nila?
I think it's not appropriate na makinig ako sa usapan kaya ipinokus ko na lang sa iba ang aking pansin. Hanggang sa marating namin ang 5th floor.
Tumutuloy lang ako sa loob ng office niya at sinunod ang utos niyang magtimpla ng kape. Dati ay nasa labas itong coffee maker. But Mrs. Reynolds insist na dapat ay mayroon sa loob ng kanyang opisina.
Nakakapaghinayang ang early retirement ng dati kong amo. Mabuti sana kung mabait itong anak niya, ang kaso ay ayaw nito sa kompanya nila. Habang nilalagyan ko mainit na tubig ang tasa ay nagsalita siya.
"Black coffee ah. Grabe! Hindi mo man lang hinintay na ang boss mo na maunang pumasok. Ganyan ba ang mga secretary? I noticed na hindi ka rin nag s-smile. As far as I know, kapag secretary dapat friendly." aniya.
Napakadaldal niya para isang lalaki. Hindi bagay sa manly niyang katawan at mukha. Nakaka-disappoint.
"Hindi lahat ng tao plastic, sir. Here's your black coffee." pinatong ko iyon sa table niya at tiningnan siya na nakakunot noo.
