May kasabihan tayong past is past. Ngunit hindi ako naniniwala roon. Bakit? Paano mo masasabing past is past kung may hinanakit ka pa ring nadarama? Paano mo masasabing past is past kung hindi mo nga magawang kalimutan ang nakaraan?
It's absurd to say that past is past when it is not. We all have different perspective in life and I'm sure I have my own.
Natatandaan ko pa noon ang sinabi ng aming Theo teacher . Hindi natin kinakalimutan ang mga bagay sa nakaraan. Nananatili lamang ito sa ating sub-consious. Kapag nagpapakita tayo ng emosyon, lalo na ang saya at lungkot ay babalik ang mga memoryang pansamantala mong itinago.
Hindi naman kasi madaling makalimutan ang lahat. Marami kaming pinagsamahan ni Jay. Magmula pa nung bata hindi na kami mapaghiwalay. Parati siyang nakabuntot sa akin. Parati ring tambay sa bahay, uuwi lang 'yan sa kanila kapag maliligo o 'di kaya'y kakain. Pero kadalasan sa bahay rin siya kumakain.
We were best of friends way back then. Pero nag iba iyon noong nag high school kami, 'di na ako lumalapit sa kanya. Ilang beses niya ring tinanong kung ano ang problema, ngunit miski ako ay hindi malaman kung mayroon nga ba.
Hanggang sa nag college kami, doon niya ako niligawan. Ilang taon din ang hinintay niya bago bumalik ang maayos na trato ko sa kanya. Noong mga panahong 'di kami nag uusap, na-umiiwas ako, doon ko napagtantong may nararamdaman na pala ako sa kanya. I said yes to his proposal, bakit ko pa papatagalin kung parehas lang naman kami ng nararamdaman.
Nangarap kami nang sabay. Nagplano para sa kinabukasan. Pati na rin ang kasal, lahat detalyo. Hanggang sa mga magiging anak namin. Ibang-iba ang pananaw ko noon sa buhay. Ikaw ba naman ang magkaroon ng masaya't mapagmahal na pamilya.
Gwapo, matalino at maalagang nobyo.
Ano pa ba ang mahihiling ko nung mga panahong iyon? Wala na, kasi lahat perfect, lahat masaya. Ngunit naglaho ang mga iyon ng masawi sa aksidente ang aking pamilya. Gumuho lahat. Nawala ahat. Pamilya. Kaibigan. Nobyo.
Wala ni isang natira.
It's been two years since that incident. Pero bakit? Jay. Bakit...?
