Chapter 1

26 1 1
                                    

"Here are the files Ma'am." sabay lapag ko ng mga paperworks na dapat pirmahan ni Mrs. Reynolds.

"Thanks, Lyra." pagpapasalamat nito. Tatalikod na sana ako nang magsalita itong muli. Napalingon ako sa kanya, " 'Nga pala mag re retire na ako at 'yung anak ko na ang mamamahala ng company. Sa kanya ka na rin magtratrabaho." medyo malungkot niyang sabi.

Tumango lang ako kay Mrs. Reynolds at nag paalam na. Pumunta ako sa desk ko at nagsimula ng magtrabaho.

Sinagot ko ang ilang mga calls. Chineck ang mga paperworks na dapat pirmahan ni Mrs. Reynolds. Inayos ko na rin yung mga schedule niya for her upcoming meetings. Hindi ko pa pala natatanong sa kanya kung kailan siya aalis.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga folders nang tumunog ang telepono. I immediately answered it.

"Goodmorning! This is Reynolds Incorporated. How may I help you?" tanong ko sa kabilang linya.

"I'm Mr. Choi from the CM Inc. Can I talk to the CEO?" tanong nito.

"Yes, sir. Just wait for a while and I'll pass this call to the CEO. " I press the button na nag-uugnay sa telepono ni Mrs. Reynolds. I told her na tumatawag si Mr. Choi. Supposedly , may meeting silang dalawa.

8pm na nang matapos ang last meeting ni Mrs. Reynolds at iyon din ang signal ko para umuwi na. Napaalam ako sa kanya at umuwi. Nag stop over ako sa Mcdonalds drive thru at nag order ng food ko for dinner.

Pagdating ko ng bahay ay agad akong pumasok. Ini-on ko ang switch ng ilaw. Inilapag ko ang dala ko sa table at umakyat patungo sa kwarto ko. Nagbihis ako ng damit bago bumaba at kumain.

Nakakalungkot kumain mag-isa. Kahit sabihin kong sanay na ako, hindi ko pa rin ito maiiwasan. Nang matapos na akong kumain ay tinapon ko na ang mga basura. Kumuha ako ng chocolate sa ref para sa panghimagas. Natunaw kasi yung binili kong hotfudge.

Mga ilang minuto pa ang nilagi ko sa baba bago umakyat. Nag half bath lang ako at humiga na sa kama at pumikit.

Natapos ang araw ko na gaya ng dati. Wala man lang pinagbago.

Certain SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon