Masigabong palakpakan ang aking narinig nang matapos ng maayos ang presentasyon na inihanda ni Ace. Napahanga niya ang mga investors at board members.
Nitong mga araw ay napagpasyahan kong tawagin na lamang siya sa kanyang pangalan. He insisted it in the first place.
Isang buwan na rin mula nung nakita namin si Jay sa supermarket. Mas maganda sa pakiramdam na hindi ko makita ang pagmumukha niya. Bitter! Napaismid na lamang ako sa aking iniisip.
Napatingin ako kay Ace , as usual nakangiti na naman siya. Minsan nakakahawa ang pagngiti niya ngunit ayaw kong gayahin. Sa kadahilanang hindi naman ako totoong masaya. Sayang lang ang effort ng muscles ko pagnagkataon.
"It went fine," masigla niyang sabi. Tumango ako at tinitigan siya. "Dahil nga sa masaya ako at maayos ang presentation ay ililibre kita." dagdag pa nito.
Ngumiwi ako, "Dapat lang namang ilibre mo ako. Kung hindi dahil sa akin ay palpak ang presentation mo." biro ko. Maganda ang konsepto at ideya ni Ace tungkol sa bagong proyekto. Konting ayos lang naman ang aking ginawa roon.
"That's why I'm treating you! Saan mo gusto?" tanong nito. Kadalasan kapag siya ang kasama ko ay sa mga restaurant kami pumupunta. Nakakasawa na.
"Kahit saan na." sabi ko at tumalikod.
"Sandali lang, kukunin ko muna ang bag ko sa office. Sa parking lot na lang tayo magkita." paalam ko sa kanya. Tumango naman siya at nauna na sa elevator.
Minsan naisip ko kung boss ko nga ba talaga si Ace. Para kasing ka officemate ko lang ito o kaibigan.
Bumalik ako sa kanyang opisina, sa labas noon ay naroon ang aking cubicle. Kinuha ko ang bag ko at sumunod na sa kanya sa baba.
Nang marakating ako sa parking lot ay namataan ko siyang nakasandal sa kanyang Chevy. Medyo may kalakasan ang hangin kaya nama'y inaalon nito ang kanyang puting long sleeves, na ngayon ay nakatupi na hanggang sa kanyang siko. Medyo magulo na rin ang buhok nito.
Diretso ang titig niya sa aking mga mata.Nakakailang. Sa totoo lang ay parati kaming lumalabas, ngunit kahit anong tutol ko ay ganoon din naman ang pagpupumilit niya. Hindi ko maipaliwanag ngunit parati akong napapasuko sa kanya.
Malayo pa lang ako, ay kumakaway na siya. Parati kaming usap-usapan sa office dahil daw sa pagiging close namin at idagdag mo pa ang first name basis na aming tawagan .
Tsini-tsismis nila na may namamagitan daw sa amin ni Ace. Wala akong sinabi ngunit pinipilit ni Ace na kami na raw. Alam kong biro lang dapat niya iyon sa mga empleyado, ngunit sineryoso ata nila ito.
Nailing na lang ako sa kanya. Okay lang sa
akin kahit anong sabihin niya, as long as klaro sa akin kung ano talaga kami. Magkaibigan.Pinagbuksan niya ako ng kotse na siyang ayaw kong ginagawa niya. Tiningnan ko siya ng masama. Ngumisi ito na parang aso. Kung ibang tao siguro ang ngumisi ng ganoon, ay mapagkakamalan mo ng adik. Ngunit iba ito kay Ace, mas nadedepina ang kanyang panga at perpektong ngipin. Lumalabas din ang kanyang dimple sa kanang pisngi.
Pumasok ako sa kanyang kotseng nakasanayan ko na. Matagal ang byahe dahil sa traffic. Hindi ko tuloy naiwasang magtanong.
"Bakit mo ginagawa ito?"
Nagkibit balikat siya at tumingin sa akin. "Magkaibigan tayo, hindi ba?" tanong ang kanyang naging tugon sa aking katanungan.
"Pero hindi ibig sabihin noon ay ganito tayo ka-close." napakunot ang kanyang noo.
"Get over it! E ano naman ngayon kung close tayo? Bawal ba iyon?" nagkibit balikat na lamang ako sa kanyang sinabi. Drop the topic, Ly! Drop it!
"What?" pasigaw na tanong ko kay Ace. Aniya ay sa bahay daw siya ngayon matutulog. Ano na lang ang iisipin ng ibang tao kung papatuluyin ko siya sa bahay ko?
"E? May magagalit ba? Wala naman 'diba? Tsaka nakatulog na ako ron ng dalawang beses." aniya. Pinagtaasan ko siya ng kilay. How dare he?
Fine! Fine! Dalawang beses na nga siyang natulog sa bahay ko. Pero hindi ibig sabihin nun ay uulit na naman siya.
"H'wag kang nasasanay, Ace. Walang permanente sa mundo." sabi ko at matalim siyang tinitigan.
