Chapter 5

2 2 0
                                    

Pagharap sa PC at pag review sa presentation ni Mr. Reynolds ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Tatlong araw na mula nung dumating siya at idineklarang CEO. Tatlong araw na rin mula nung nagbago ang sched ko dahil sa mga biglaan niyang pakulo.

Napakaraming files pa ang kailangan kong  reviewhin para sa araw na ito.  Nag-inat ako at inubos ang natitirang coke float na pina deliver ko atsaka tiningnan ang wall clock na nakasabit sa pader.10 pm na pala! Hindi ko tuloy maiwasan ang paghikab. Kanina pa ako nabibigatan sa talukap ng mga mata ko, ngunit hindi ako maaaring matulog kung hindi ko pa iyon natatapos.

Ngunit wala rin akong choice, hanggang 10 pm lang ang maximum overtime namin.Kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas na sa opisina. May mga empleyado rin na nag o-ot sa ibang department. Mas marami pa nga ata silang trabaho kesa sa 'kin. Talagang mas gustong kong perfect ang lahat kaya nire-review ko pa ang mga files na iyon.

Pagdating ko sa bahay ay binuksan ko ang ilaw sa salas. Pinatong ko ang mga gamit ko sa  sofa at hinubad ang aking sapatos. Pumanhik na rin ako sa taas , di na ako nag abala pang patayin ang ilaw.  Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong  humiga  sa kama at pumikit.

"Hmm." ungol ko nang may naririnig
akong katok sa pinto.

Nakapikit pa rin ako, ngunit alam kong nakakunot na ang aking noo. Lalo pa't hindi matigil ang pagkatok mula sa labas.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga at napakamot ng ulo. Bumaba ako para tingnan kung sino ang walang hiyang tao na nambubulog sa aking pagtulog.

Hindi ko maiwasan ang pagkairita ng makita ko si Mr. Reynolds na naroon at nakayuko. Naririnig ko pa ang pagsinghot nito. Seriously?

"Anong ginagawa mo rito? Ang aga-aga nambubulabog ka!?" mahina pero may diin kong sabi. Pero nakayuko pa rin siya at sumisinghot.

Nagkakatol ba siya?

Hinayaan ko na lang ang pagsinghot niya sa imaginary sipon niya. Tumahimik na lang ako nang mapagtantong umiiyak nga siya.

May kung ano sa'king dibdib na kumikirot ngunit 'di ko mawari kung ano. Na g-guilty rin ako dahil sa ugaling ipinapikita ko sa kanya.

"Pumasok ka nga muna." anyaya ko sa kanya at pinagtulakan pa siyang pumasok. Ayaw pa sana niyang umalis sa kinatatayuan niya. Ano ba ang nangyari?  Nawala tuloy ang antok ko dahil sa kanya. Tsss. Magkakaroon talaga ako ng sako-sakong itim na guhit sa ilalim ng mata ko, panigurado.

Pumunta ako ng kusina, para sana pagtimplahan siya ng kape, pero hindi pala ako nakapag grocery. Bukas na lang siguro pagtapos ng trabaho.

Kumuha na lang ako ng limang pirasong chocolate sa ref at dinala sa kanya. I know it's absurd, pero sana makatulong.

"Ayan, kainin mo muna. Wala akong kape kaya pagtiisan mo na 'yan. Kapag okay ka na, magkwento ka, pakikinggan kita." sabi ko sa kanya. Nakaka wala kasi ng stress ang chocolate para sa 'kin, sana ganun din sa kanya, para naman mabawasan ang lungkot niya.

Kinuha niya ang isang piraso at binalatan.  Habang nginunguya niya 'yun ay tiningnan ko siya. Tss. Ang pula ng mga mata niya, parang naka high. Ang kanyang ilong ay mapula-pula rin. Ano siya , si Rudolph?

Nakakatatlong kain na siya pero hindi pa rin nagsasalita. Akmang kukunin niya na yung dalawa ng inagaw ko ang mga 'to. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Tatlo na ang nakain mo, 'wag kang glutton." biro ko ngunit nakataas ang kilay.  Tumango naman siyang parang tuta. Nakakapanibago at hindi siya ngumingiti. Sa tuwing makikita ko kasi siya ay palagi siyang nakangiti na parang endorser ng mamahaling toothpaste.

"Natatandaan mo 'yung sinasabi kong girlfriend ko? Iyong magpro-propose na sana ako?" biglang tanong niya. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Wala ka namang sinabi na girlfriend mo. Nagtanong lang naman ako kung magpro-propose ka at um-oo ka naman." simpleng saad ko ay nagkibit balikat.

"Tsk." asik niya. Tiningnan ko lang ito ng maigi. Mag s-share ba siya?

"Pero iyon nga. Nag propose ako. Pero nireject niya ako. " mahinang sabi niya habang nakayuko.  Nanatili akong nakatayo at nakatitig sa kanya. Hindi makapaniwala na nag-o open up siya sa akin.

"Mahal na mahal ko siya pero hindi iyon sapat para sa kanya. I can give everything  she wants to! Pero ayaw na niya." dagdag pa nito na para bang ako ang kaaway niya.

"She told me that her career is more important than me." malungkot na aniya at yumuko ulit. Nababatid ko 'yung sakit habang sinasabi niya iyon. Dinadamdam niya ang bawat salita na kanyang sinasabi. Tumutulo na rin ang mga luha nito.

Ang totoo'y hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at sasabihin ko. Para bang nararamdaman ko ang sakit niya pero hindi ko alam kung paano i-express.

" Move on. H'wag mo iyakan ang mga hindi deserving ng luha mo." sabi ko sa kanya at tumalikod. "Pwede kang matulog sa kwartong iyon." sabay turo ko sa katapat ng room ko. "Guest room ko iyan. Just feel at home." dagdag ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa hagdan. Tsaka tumigil uli at lumingon.

" Huwag kang magpakatanga. Itulog mo na lang 'yan at tanggapin mo sa sarili mo na kahit kailan di na siya babalik." pagtatapps ko at tuluyan ng umakyat.

Certain SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon