Chapter 6

5 1 0
                                    

"Ano ba naman iyan Ly? Pag g-grocery ba tawag mo rito?" singhal ni Mr. Reynolds.

Matapos siyang magdrama kagabi ay natulog nga siya roon  sa guestroom ko.

Paggising ko kaninang umaga ay nakita ko siya sa may kusina , kinakain lahat ng chocolates ko. Kaya naman ay naghabulan pa kami nang walis, ang rason niya, wala raw kasi siyang mahanap na ibang pagkain at nagugutom na siya, kaya iyong mga chocolates ko 'yung napagtripan  niya. Kaya eto, nag gro-grocery kami.

He insisted na hindi na raw muna kami pumasok sa trabaho. Umangal ako, syempre. Kaya lang ay wala rin naman akong magagawa dahil siya ang mas superior.

"Ano bang masama sa pagpili ng chocolates?" maang tanong ko naman sa kanya. Napatingin ako sa basket na halos mapuno na ng chocolates. Wala namang masama rito, pagkain naman ito.

" Balak mo bang punuin ito?" medyo pasigaw na tanong niya sabay tingin sa basket. Pinandilatan ko siya ng mga mata.

"Oo!" simpleng sagot ko at dinagdagan pa ng toblerone ang laman ng basket. Napaisip tuloy ako sa ginagawa ko. Baka kasi tumaba ako. Parati pa naman akong softdrinks at chocolates.

"Ako na nga lang ang mag g-grocery ng matino!" padabog na sabi nito at umalis. Napairap na lamang ako. Anong trip niya?

Nang mapuno ko na ang isang basket ng chocolates ay kumuha naman ako ulit ng isa, dito ko ilalagay ang mga chips na bibilhin ko. Iniwan ko muna 'yung basket ko sa gilid, wala naman sigurong kukuha niyan.

Pumunta ako sa section ng chips, kumuha ako ng piattos na roadhouse. Mas masarap kasi kapag maanghang. Kumuha rin ako ng cheese flavor. Syempre 'di mawawala ang lays at chippy. Habang pabalik ako sa pwesto kung saan ko iniwan ang chocolates ko ay nakita ko si Ace na may dalang cart.

Bakit cart ang dala niya? Marami ba siyang kukunin? Patay na! Mamumulubi ako! Dali-dali akong lumapit sa kanya sa meat section , kumukuha siya ng mga karne ng manok at baboy pati na rin hotdogs. Bago pa siya makakuha ng vegies ay pinigilan ko na ang kamay niya.

"What?" nagtatakang tanong nito.

" H'wag ka ngang bumili ng mga iyan." pagpipigil ko sa kanya. Matalim niya akong tinitigan. "Hindi ko makakain ang mga iyan dahil hindi ako marunong magluto. Sayang lamang ang mga iyan pag 'di napakinabangan." paliwanag ko.

"Okay lang, akong bahala. " kibit balikat niyang tugon. Pinagkunotan ko siya ng noo at tiningnan ng masama. Ngunit, ipinagpatuloy niya ang kanyang ginawa na waring hindi ako napansin.

Hinayaan ko siya at lumapit muna sa biscuit section. Kumuha ako ng stick o at nilagay sa basket.


Matapos i-punch ng cashier ang mga pinamili namin ay kinuha ko ang card ko. Akmang ibibigay ko na sana ito nang iabot niya ang card niya. Lumipat ang tingin sa akin ng cashier, pinagtaasan ko siya ng kilay.

Dahil doon ay kinuha niya ang card ko. Ngumiti ako, ngunit naroon parin ang panghihinayang. Mukhang marami akong kelangang bayaran. Tsk.

Bago niya pa iyon ma swipe ay pinigil ni Ace ang kanyang kamay at kinuha ang card ko. Ibinigay niya ang kanyang card at iyon ang ginamit ng cashier.

"Pwede ba? " sita ko. Umigting ang panga niya ngunit hindi ako pinansin. Wala rin naman akong nagawa kaya tumahimik na lang ako.

Matapos bayaran lahat ay pinahatid namin yung mga groceries sa sasakyan niya. Tahimik kaming naglalakad kasunod nung lalaki.

"Lyra?" sandali akong napatigil ngunit hindi ako lumingon at nakiramdam lamang sa paligid. "Ly!" tawag ulit ng isang pamilyar na boses.

Napatingin ako kay Ace na nakakunot noo sa 'kin ngayon. 'Di ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Pilit na hindi pinansin ang tawag.

Naramdaman kong sumunod si Ace sa akin at pinigilan ang braso ko. Hinarap niya ako sa kanya. Pinatigas ko ang ekspresyon ko at diretsong tumitig sa mga mata nito. Puno ng katanungan ang nakikita ko sa kanyang mukha, ngunit hindi siya nagsalita.

"Tinatawag ka." aniya nang marinig kong muli ang pagtawag.

Umiling ako. Mukhang nakuha niya ang ibig sabihin noon kaya nama'y sumunod siya sa mabilis kong paglalakad.

Nang makasakay sa kotse at nakahinga ako ng maluwag. Naramdaman ko ang pagpasok ni Ace at pinaandar ang sasakyan.

Dahil madaldal siya at sabihin na nating bibo, ay nagtanong ito kubg sino ang tumawag sa akin. Pero sadyang naiinis ako sa pagiging pakealamero niya kaya nama'y napunta lamang kami sa paglalaitan.

"Deny pa! Obvious namang trip mo 'yung tao." panunuya nito. Wala siyang alam liban sa sinabi kong ex ko iyon. Ngunit naroon pa rin ang pagiging FC niya. Tsk. 

"Infairness ah, may hitsura rin naman yung ex mo. Pero syempre, mas gwapo nga lang ako." pagmamayabang pa niya.

"Sabihin mo lang kung nababakla ka na sa kanya. Para naman ireto kita." biro ko sa kanya, pero dahil sa matabil ang dila niya, natamaan pa ako sa sinabi niya.

"Ni hindi ka nga maka move on tapos irereto mo pa ako, baka mas lalo kang masaktan nyan!" walang prenong sabi niya, na para bang wala lang sa kanya iyon. Sinundan pa ng hagalpak niyang tawa. 'Di ba niya alam na nakaka-insulto ang tawa na siya? Natahimik na lang ako. Nakikita ko sa gilid ng mata ko ang pagbilog ng mata niya.

Biro lamang iyon. Wala siyang alam. Wala. Kaya h'wag kang magpaapekto!

"Pero, h'wag kang mag alala, 'di ko papatulan 'yun, lalakeng tunay kaya ako. Hahaha!" pambabawi niya ngunit nanatili akong tahimik at di na muling nagsalita pa.

Pagdating namin ay wala pa rin kaming kibuan, kinuha ko yung mga plastics samantalang siya naman sa mga de karton.

Nilagay ko muna ang lahat ng iyon sa sala at dumiretso sa kwarto ko. Aayusin ko na lang siguro mamaya iyon. Nawalan ako bigla ng gana. 

Nang makahiga ako sa kama ko ay bumalik lahat ng alaala. Kung paano kami nagsimula at nagtapos. Those memories keep coming back to me. They say that love is something that returns but why do I feel like it's not?

Certain SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon