Chapter 3

13 0 0
                                    

Sinama ko si Mr. Reynolds sa first floor. Ipinakita ko sa kanya ang kabuuan ng lobby, facility room at ipinakilala ko na rin siya sa mga lower deck employees. Nilibot namin ang buong buiding buong maghapon. Sa lahat ng boss, siya ang walang galang. Tumatango-tango lang siya sa mga tao.

"Sa lahat ng boss ikaw ang pinaka walang galang." hindi ko napigilang punahin siya. Tiningnan niya ako at umangat ang gilid ng kanyang labi.

"Ayaw ko lang makipagplastikan." sagot niya. Kaya napairap na lamang ako.

"Magpahinga muna tayo. Kanina pa tayo libot ng libot. Ni hindi ko na nga matandaan iyong mga pinakilala mo sa 'kin na director ng bawat department." naiinis na sabi niya.

"Ganyan ka ba talaga? Parang wala kang pakealam tungkol sa kompanya niyo. Naturingan ka pa namang CEO" pag -iinsulto ko sa kanya. I know it's beyond my limit as his secretary. Pero nakakainis ang pagiging madaldal niya.

" Ganyan ka ba talaga? Walang galang sa boss mo? Ako ang boss dito kaya ako ang masusunod at saka pakealam mo ba sa pamamaraan ko?" asik din niya. Napapikit ako sa inis at pilit kinalma ang sarili.

Tiningnan ko siya ng masama ngunit tinawanan niya lang ako.

"Halika na nga!" saka niya ako hinila papuntang parking lot.

"Mr. Reynolds, bitawan niyo po ako. Marami pa akong kailangang tapusin. Ikaw rin, marami ka pang kailangang pirmahan." pilit na pormal na sabi ko sa kanya sabay pagpupumiglas. Pero sadyang malakas talaga siya kaya naman 'di ko mahila hila yung kamay ko.

"Mamaya na iyon. Pwede rin namang bukas na 'yun. Kain muna tayo, nagugutom na ako eh. Grabe kang secretary burger lang ang binigay mong lunch sa 'kin. It hurts 'ya know." angal pa niya. Parang bata talaga 'to. Ang ingay niya pa , sobra!

Oo, kaninang lunch, burger lang ang pinakain ko sa kanya. Nagmamadali kasi akong matapos ang pag t-tour ko sa kanya para naman magawa ko na 'yung trabaho ko. Angal nga siya ng angal, kulang daw 'yun para sa mga bulate niya sa tyan. 'Di na ako umangal nung ipasok niya ako sa kotse niya. Gutom rin naman kasi ako.

Sa totoo lang, kahit ako ay naninibago sa inaasta ko. Marahil dahil sa ugali ni Mr. Reynolds. Hindi pwedeng pakainin na lang basta ng burger ang CEO. Hindi iyon nararapat kasi nga siya ang boss. Pero anong ginawa ko? Napakawalang kwenta ko naman secretary para 'yun ang ipakain sa kanya.

Ngunit, mabuti na lamang at hindi siya iyong tipong suplado at boss talaga kung umasta. He has the power in his aura, pero bakit?

Hindi ako umiimik habang nag d-drive siya. Wala naman kaming dapat pag usapan.

"Ahem!" pag-uubo niya kunwari. Kulang ata ito sa pansin. Nakakairita ang ugali niya.

"Well, dahil secretary kita, kailangan kong malaman ang tungkol sa buhay mo. Care to share?" tanong niya. Usisero!

"Sir, nakasulat po ang mga 'yon sa biodata ko." sagot ko naman sa kanya nang 'di siya tinitingnan. Naasiwa kasi ako sa itsura niya. Sabihin na nating gwapo nga siya, mahahaba nga ang mga pilik mata niya, matangos ang ilong at mapula-pulang labi pero hindi ako natatablan ng presensya niya. Tanging nab-bwisit lang ako sa ugali niya.

"Tinatamad akong magbasa. Ikaw na lang ang magkwento. Para naman 'di boring. Nakakapanis ng laway kapag 'di ka nagsasalita." saad naman niya.

"Ang pangalan ko ay Lyra Alcantara. 22 years of age. Ulilang lubos. 'yun lang."

"Grabe ka mag kwento, nakakalibang! Grabe!" sarkastikong sambit niya. Napangiwi na lamang ako sa tono niya.

"Wala naman kasing ako kailangan sabihin. Saka sir, secretary niyo po ako, 'di kaibigan. Private iyong buhay ko, kaya h'wag mo nang pakealaman." singhal ko sa kanya. Hindi ko na maitago ang pagkairita.

"Ito naman! Grabe ka talaga. Kanina ko pa napapansin na hindi ka naaapektuhan ng charms ko. Samantalang 'yung ibang babaeng empleyado nga kanina nagpapa- cute pa sa 'kin." pagmamayabang pa niya.

Totoo ang mga sinasabi niya, kaya nga kami medyo natatagalan sa bawat department kasi maraming lumalapit at kumakausap sa kanya. Pero, tinatanguan niya lang. Kalimitan ay nginingitian niya.

"Bakit naman po ako magpapa-cute sa inyo, sir?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

" Drop the 'po' and 'sir' kapag tayong dalawa na lang. Bakit, di ka na gw-gwapuhan sa 'kin?" tanong pa niya. Napataas ako ng kilay.

"Hindi ko po pwedeng tanggalin ang 'po' at 'sir' kasi nga po sekretarya niyo po ako at oras pa po nang trabaho, alas dos pa lang po ng hapon at hindi pa oras para umuwi. Saka po, may itsura nga po kayo. Pero pansensya na po, hindi ko po ugaling mag pa cute." paliwanag ko sa kanya.


Marami na akong nakitang gwapo at kasing kisig niya pero sadyang wala talaga akong interes sa kanila.

"Ouch!" napahawak siya sa dibdib niya at nag kunwaring nasasaktan. Abnormal!

"Nakakasakit ka na ah!" dagdag pa niya sabay tingin sa 'kin na parang nasasaktan talaga siya.

" 'Di ko naman po kayo inaano." inosenteng sagot ko. Hanggang saan ba ang kaya niya?

"Tsk. Tsk. " naiilang na utas niya. "Pero mas okay nga kung hindi ka magka gusto sa 'kin, kasi baka mag selos ka lang kung parati mo akong makikita na may babaeng kasama." tumingin siya at kumindat. Malandi!

"Okay lang po sa 'kin iyon." sabi ko sa kanya sabay tingin ng napaka-inosente. Tumahimik na siya. Mabuti naman kung ganun.

Certain SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon