Nakarating kami sa isang restaurant.
Sa totoo lang 'di talaga ako mahilig sa mga restau. Mas masarap kasing kumain sa mga fast food chain o 'di kaya'y street foods. Liban sa mura ang mga ito.
But, ilang beses ko na rin pinagalitan ang sarili ko dahil sa pagkain sa fast foods. It's not healthy and cancerous ang mag iyon. Kaya naman, kahit unti-unti ay pinipilit kong h'wag kumain doon.
"Libre po ba 'to?" tanong ko sa kanya. Baka naman kasi mamaya ay ako pa ang pagbayarin niya.
"Yeah." tipid na sagot niya at tumawag ng waiter.
"Anong order mo?" tanong niya.
"Beef steak with oyster sauce will do." sahot sabay alis ng tingin sa menu.
"Ayaw mo ng seafoods?" kumunot ang noo niya.
Iling lang ang naging sagot ko.
"Pasensya ka na ha. Nagugutom na talaga ako, kaya mamaya na ulit ako magsasalita." paliwanag niya.Okay lang naman sa 'kin kahit 'di na siya magsalita. Maya-maya pa'y dumating na yung inorder niya. Nag order siya ng seafoods. More on crabs and lobsters, amd some sort of vegies.
" 'Di ka mahilig sa meat?" tanong ko sa kanya.
Iling lang ang tinugon niya at nagpatuloy ulit sa pagkain. Gutom na talaga. Sinimulan ko na ring kainin 'yung pagkain ko. I've noticed na hindi siya umorder ng appetizer. Diretso agad sa main course. I suddenly felt the pang of guilt.
Ang bilis niyang kumain. Kanina ay tatlong plato ang naka serve na food para lang sa kanya , pero ngayon ay isa na lang ang natira. Maya-maya pa'y dumating ulit ang waiter at nag serve nag dessert. Binigay niya sa 'kin ang chocolate mousse. 'Di na ako nag dalawang isip at agad na kinain 'yun. Chocolate is the love of my life!
Napatigil ako ng marinig siyang nag burp. "Busog na 'ko." sabi niya. Napangiwi ako.
"Wala ka ba talagang manners? Bakit ka nag burp? Nasa public place tayo." singhal ko sa kanya. Sa pagkaka-alam ko mayaman at respetado ang pamilya ng mga Reynolds, pero bakit parang walang class 'tong isang 'to?
"Pake ba nila sa trip ko? Alam mo kahit mahirap o mayaman ka man , tao ka pa rin, may kanya-kanyang trip ang bawat tao. 'Wag kang mahiyang ipakita sa kanila kung sino ka at ano ka." seryosong sabi niya na nagpatigil sa'kin.
Parang mas gusto ko na lang ata na madaldal siya kesa sa magseryoso. Napalunok ako ng magsalita siya ulit.
" Wait lang, ano ka ba?" naguguluhang tanong niya. Sa gantong sitwasyon , na nagiging madaldal na ulit siya, isa lang ang ibig sabihin nun. Busog na siya!
"Tao." simpleng sagot ko kahit nahihiwagaan ako sa sudden na pagshift niya ng mood.
"Sigurado ka?" naghihinalang tanong pa niya.
Sa halip na sagutin siya ay tiningnan ko lang siya ng masama at gaya ng inaasahan ay tinawanan niya lang ako. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaharap ng taong tulad niya. Nakakapanibago.
"Sabi ko nga, tao ka, 'to naman 'di mabiro. Pero alam mo 'di talaga ako naniniwalang tao ka eh." dagdag pa niya. Ang sarap niyang bigwasan. Kung 'di ko lang ito boss marahil ay kanina ko pa siya sinapak.
"Para ka kasing diyosa." pagpatuloy pa niya sabay kindat. Mas na bwisit ako sa sinabi niya. Sa lahat ng ayaw ko ay binobola ako. Akmang itaas na sana ang kamao ko, nang takpan niya ang mukha niya.
"Uy! 'Wag kang ganyan. Boss mo kaya ako at saka sayang 'tong mukha ko pag sinuntok mo." Kinagat ko na lang ang pang ibabang labi ko at kinuyom ang mga palad ko. Naiinis ako sa taong 'to! Binu-bwisit niya ang araw ko.
