My Brother's Genie is Gay (M2M)
-Akin ka na lang
Ang aking Hiling
Jarred's PoV
Halos perpekto na ang lahat. Perfect because I have my brother, my cousin and Tyron with me. Sapat na sa akin iyon pero bakit bigla-bigla na lang? Sa isang iglap lang nagkaganinto ang lahat.
Oo mali ang mga ginawa ni Jace kay Jerson pero kung ano mang namamagitan sa kanila para namang wala ng mali at maayos na ang lagay nilang dalawa. Mahal ni Jace si Jerson at ganoon din ako, walang makakapag-alis ng ganoon sa aming dalawa dahil kambal kami pero kaya kong isuko iyon kung magiging tapat si Jace sa nararamdaman niya para kay Jerson. Alam kong papunta na siya doon pero bakit bigla na lang?
Bakit biglaang nagkaganito? Bakit sa kapatid ko pa nangyari ang ganitong bagay? Kung kelan malapit na siya sa pagpapakatotoo niya saka pa nagkaroon ng ganitong problema sa aming pamilya?
"Ikaw ba ang kapatid ng pasyente?" agad nanlambot ang tuhod ko pero umalalay sa akin si Tyron. Kalapit ko lang si Jerson at napatayo din ng dumating ang doktor. Kanina pa siya umiiyak at parang may inililihim siya sa akin. Nakatingin lang siya sa harapan niya all the time na parang may nakikita doon pero wala naman.
Tumango ako sa sinabi ng doktor at alam kong nangingilid na rin ang aking luha. Makita lang ang ganitong kalagayan ni Jerson ay naiiyak na rin ako. Doble ang sakit na nararamdaman ko dahil mahal ko si Jerson at mahal ko rin ang kapatid ko at ang makita silang ganito ang lalo pang nakakadagdag sa sakit na nararamdaman ko.
"Sa mga eksami namin sa kapatid mo, nalaman naming may matagal na siyang punit sa atay niya." Doon na tuluyang humagulhol si Jerson na nakahawak ang kaliwa niyang kamay sa kaniyang bibig para mapigilan ang paggawa ng tunog sa iyak na ginagawa niya saka lang siya napaupo sa upuan sa likod niya samantalang ako ay napahawak lang kay Tyron, nagawa pang maninikip ang utak ko sa nalalaman ko ngayon. Para itong bina-vacumm at nahihilo ako. Ayaw kong malaman ang katotohanan. Ayaw kong malamang may ganitong iniindang karamdaman ang kapatid ko.
"Impossible Doc. Wala siyang ano mang iniinda tungkol sa sinasabi ninyo." Hindi ko na napigilan at tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Ang sakit. Hindi ko mapaniwalaan ang sinasabi ng doktor.
Kailangan kong magpakatatag dahil lalaki ako pero hindi ko kayang ganito si Jerson tapos kung malalaman ito nina mama at dad baka lalo lang akong maiyak.
"Hindi niya iindahin ang maliit na punit sa atay niya Mr. Montecarlo pero sa kung anong dahilan ay lumaki ang punit na iyon. By any chance ba gumagawa si Mr. Montecarlo ng higit sa dati niyang ginagawa? Mabilis ba siyang napapagod at marami siyang isipin sa trabaho?" nagkatinginan kami ni Tyron at parehas kaming umiling. Tumingin din ako kay Jerson at doon ko nakita ang nangingilabot niyang mukha.
Hindi ko masyadong maipaliwanag pero tingin ko may alam siya na naging dahilan ng pagiging ganito ni Jace.
"Excuse me, kailangan kong lumabas." Hindi nakatingin si Jerson sa amin ng sabihin niya iyon at dali-dali siyang tumakbo palabas ng ospital.
"Mabuti pang puntahan 'nyo na muna siya. Walang nagbabantay sa kaniya ngayon." Wika ng doktor na siya namang ginawa namin.
Nakita ko lang ang aking kapatid na natutulog lang pero may kung ano sa mukha niya ngayon na ikinagagambala ko. Gusto kong magtanong pero wala namang makakasagot sa akin sa ngayon.
"Jarred, mabuti pang ipagdasal natin si Jace. Hindi naman siya patay o nasa kritikal na kalagayan. Wala lang siyang malay." Pagpapakalma ni Tyron sa akin. Nagawa pa niya akong yakapin at naramdaman kong tama siya. Walang mangyayari ng masama kay Jace.
Mabubuhay ang kapatid ko dahil wala siya sa kritikal na kalagayan.
"Do you think that he will remember me?" wala sa isip kong tanong.
"Bakit mo naman naitanong 'yan?"
"Ha? Hindi ko alam. Pakiramdam ko kasi sa itsura niya ngayon may makakalimutan siya." Nakatitig lang ako sa kamay ni Jace hanang sinsabi iyon.
Naramdaman ko na lang din na inihilig ni Tyron ang ulo ko sa balikat niya.
"Magpahinga ka na, ako na muna ang magbabantay kay Best Bossing. Gigisingin na lang din kita kapag bumalik si Jesron." Ngumiti siya pero hindi ko nagantihan iyon.
Humiga ako sa soffa at ilang minuto ko pang tiningnan si Jace hanggang sa makatulog ako. Kung nasaan man si Jerson sana ayos lang siya. Hindi ko na yata kakayanin kapag pati siya nagkaroon ng ganitong karamdaman.
Noong gabing iyon nanaginip ako. Nasa isang mall ako na maraming tao. Nagtatawanan at nagu-usap ang lahat ng tao. May mga kumakain, namimili ng damit at nagde-date. Ordinaryong pangyayari lang sa isang mall.
Naglakad na lang ako hanggang sa dalahin ako ng aking paa sa isang videoke room. Nakita ko doon ang isang lalaki. Purong lila ang kulay ng buhok niya na may kahabaan hanggang sa kaniyang siko lang ang kita ko. Nakatirintas ang unahan ng kaniyang buhok papunta sa likod para hindi na ito tumakip sa mukha niya at may nakakatuwang pang laboratory ang suot niya.
May logo kasi ito sa likod ng isang bunny na may sumbrerong violet din. Nasa likod niya iyon at ng mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay saka ko lang napansing kamukha niya ang isang babaeng nakita ko bago mawalan ng malay ang kapatid ko.
Kung sino man ang babaeng iyon, sandali lang naman akong namalik-mata. Wala naman siguro siyang kinalaman sa nangyari kay Jace.
Ngumiti ang lalaki sa akin at sa isang iglap lang ay nawala siya sa loob ng videoke room at napunta sa harap ko. Nakita kung paano siya tumagos sa concrit wall na iyon na may malaking salamin at nakangiti siya sa akin. Nakasuot din siya ng red na v-neck shirt sa loob ng puting labcoat at may maikli siyang shorts na kulay black. At sa maniwala kayo o hindi, naka bunny shoes din siya.
"uhmmm, how did.."
"How did I do that? Simple lang. Iisipin mo lang na kaya mo. Panaginip mo ito Jarred kaya pwede mong gawin ang lahat, pwede mong limitahan ang lahat. Pwede mo ngang makuha ang puso niya kung gugustuhin mo." Nakangiti niyang itinuro ang gawing kaliwa ko at doon ko nakita si Jerson na nangangamba habang parang may hinahanap siya. "Sa kasamaang palad nga lang, kakukuha lang niyang muli ang puso niya." Parang nakakaloko ang sinabi nitong lalaking ito.
Parang may hinahanap nga si Jerson pero kung ano man iyon, lalo lang itong nagpapalala sa itsura niya. Namumula ang mga mata niya, malalaki ang eyebags at parang hindi kumain ng ilang araw. Tatawagin ko na sana si Jerson pero pinaalalahanan ako ng lalaki.
"Tandaan mong panaginip lang ito Jarred." Hinarap ko ito at tinanong.
"Sino ka ba at bakit ang dami mong alam? May gusto kang sabihin sa akin, pero hindi mo naman sinasabi." Napipilitan na akong maging mabait sa kaniya, gusto ko na nga siyang pagtaasan ng boses kung sino man siya.
"Ako si Norion. Pwedeng makita sa Orion at mahilig sa Onion. Pero joke lang. Nori na lang ang itawag mo sa akin at sa maniwala ka man o hindi, mananatili na ako sa tabi mo sa pamamagitan ng bracelet na ito." Napatingin ako sa bracelet na sinasabi niya na nakakapagtaka naman talagang nasa kaliwang braso ko na. "Manatili ka lang kalmado at magtiwala ka sa akin." hindi ko nanaman naitindihan ang sinasabi niya pero bago ko pa siya matanong ay nagiba na ang lahat.
"Tandaan mo, magiging akin ka. Akin ka na lang Jarred."
Nagising na ako dala ang huling sinabi niya, nakita ko na lang si si Jace na nakaupo sa kama at nakatingin sa akin.
"Hi baby Red, uuwi na ba tayo?" hindi napigilan ng mga mata ko ng tuluyang pakawalan ang mga luhang hinidi ko alam kung saan nanggaling. "Oh, anong nangyari? Bakit bigla ka na lang umiiyak dyan?" umiling ako.
Pinunasan ko ang aking mga mata. "Wala lang. Itatanong ko sa doktor kung pwede ka ng lumabas." Tumango siya kasabay na pagpasok ni Jerson sa silid na may hawak na cup noodles.
Agad niyang pinuntahan si Jace at nakangiti pa rin ito ng tanggapin niya ang cup noodles. Hinayaan ko na lang muna sila saka ako lumabas papunta sa doktor.
Walang mangyayaring masama. Babalik kami sa dati, iyong masaya lang iyong walang ibang ginagawa si Jace kundi ang pasayahin ako bilang kapatid niya at ang dahan-dahan nitong pagpaparamdam kay Jerson ng nilalaman ng puso niya.
BINABASA MO ANG
My Brother's Genie is Gay (TO BE PUBLISHED)
FantasyWala syang alam, wala syang ibang alam kundi ang pagmamaltrato ng kanyang kapatid sa kanilang pinsan at ang totoong nararamdaman ng kakambal nya para dito. Wala dapat syang malalaman hanggang sa matapos ang lahat at makabalik si Nathaliah sa kanyang...