My Brother's Genie is Gay (M2M)
-02
Jerson and the Cat
Jerson's PoV
"Nathaliah, ano bang nangyayari? Bakit ganito? Anong nangyari kay Jace?"
"Jace! Jace no!! Not now!!" hindi ko mapigilang gawin ang mga ginagawa sa pilikula. Ang marahas na ugain ang taong mahalaga at importante sa'yo magising lang ito.
Ganito pala ang pakiramdam kapag narito ka na sa ganitong sitwasyon. Ang sitwasyon kung saan natatakot ka, bumibilis ang tibok ng puso mo dahil alam mong may masamang nangyari sa taong pinahahalagahan mo. Hindi ka makapagisip ng maayos. Gusto mong makita siyang nakamulat ang mga mata at nakatingin sa'yo. Ano mang sakit ang ibinigay niya, nais mo pa rin siyang makita. Mahal mo kasi siya kaya hindi mo maiwasang mag-alala, magmahal at masaktan.
"Jerson, sinasaktan mo na siya." Babala sa akin nitong taong nito ko lamang nakilala. Ang kaibigan ni Jace na si Tyron. "Naririnig mo ba ako?" tanong pa nito pero hindi ako nagsalita.
Naririnig ko siya pero hindi umaakto ang katawan ko para sundin ang nais niya. Hanggang sa maramdaman ko na lang na hinikit ako ni Jarred palayo kay Jace. Doon ako natauhan.
"Kunin mo ang sasakyan!" sigaw niya sa akin at sa ganoong tono ng boses niya. Ang boses na hindi ko narinig kahit kailan na nagdulot sa akin ng takot ay napaluha ako. Instict na ata na tumakbo ako.
Tumakbo palayo sa kanila. Papunta sa kotse at patakbuhin iyon papunta sa tree house. Hindi ko na rin namalayang katabi ko na pala si Nataliah.
"Jerson. Kumalma ka lang." Ani niya.
"Kumalma? Paano ako kakalma kung si Jace ay nagkaganoon? Hindi siya pwedeng mamatay Nathaliah. Ngayon pa. Ngayon pang tao na muli ako at pwede ko ng ipakita sa kaniya ang mga kaya kong gawin bilang isang tao. Kung paano ko dapat siya mahalin!" sa halip na makisimpatya siya sa akin, agad niya akong binatukan. "Fck Sh!t." naihinto ko ang sasakyan at kamuntikan ng matamaan ang tree house ni Jace mabuti na lang at naihinto ko iyon kaagad.
"Ano bang katangahan 'yang sinasabi mo Jerson! Huwag kang baka! Tanga, Bobo, idiot. Hindi pa patay si Jace pero kung sino man ang may kagagawan nito sa kaniya, sinisigurado kong isa ito sa mga katulad ko." Napatingon ako kay Nathaliah ng sabihin niya iyon pero bago ko pa man siya matanong ay nabuksan na ni Tyron ang likuran ng kotse at naipasok na nila si Jace.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Pare? Papakamatay ka ba?" angal nito.
"Huwag mo akong umpisahan Mister. Ang taong 'yan ay mahalaga sa akin kaya huwag na wag mong.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa sigaw ni Jarred.
"Paandarin mo na!" nalingon ako sandali kay Jarred at doon ko nakita ang kakaibang galit sa mga mata niya.
Nang makarating kami sa ospital wala akong nagawa kundi ang umiyak. Ngayon ko lang nakia ang mga ganoong mata. Ang mga mata ni Jarred na hindi ko alam kung mala demonyo ba o katulad ng sa santo. Hindi koa alam kung dapat akong matakot o hindi pero nagawa kong umiyak dahil sa nangyayari ngayon. Dahil kay Jace at dahil sa taong sinasabi ni Nathaliah.
Kung tao nga ba siya.
Anong ibig mong sabihin tungkol sa taong taga sa inyo? Itinanong ko yan sa kaniya gamit ang isipan ko. Hindi ko alam kung paano pero naririnig niya ako. Ito siguro ang koneksyon namin ni Nathaliah matapos maging isang Genie.
Ito ang isang pangyayaring bihira lang kung mangyayari. Naalala ko noong nasa lampara pa ako na sinabi niya ang tungkol dito.
Naglilinis ako sa loob ng lampara ng bigla akong may makita. Isang litrato ni Nathaliah kasama ang dalawang lalaki. Isa ay may violet na buhok tulad niya subalit walang orange na highlights at isang lalaking maikli ang buhok na kulay itim. Nakaakbay sa kaniya ang lalaki habang ang isa ay nakatingin lamang sa camera.
BINABASA MO ANG
My Brother's Genie is Gay (TO BE PUBLISHED)
FantasyWala syang alam, wala syang ibang alam kundi ang pagmamaltrato ng kanyang kapatid sa kanilang pinsan at ang totoong nararamdaman ng kakambal nya para dito. Wala dapat syang malalaman hanggang sa matapos ang lahat at makabalik si Nathaliah sa kanyang...