MBGiG 05- Day at the Beach

120 5 1
                                    

My Brother's Genie is Gay (M2M)

-05 Walang Hanggan

Day in the Beach

Jerson's PoV

*sigh*

Parang mga bata.

"Halika na dito Jerson! WhoooHoooo!!" ayon, si Jace iyon.

"WHHHAAAA!!! Ang lamig Jace! Patay ka sa akin!!" at si Jarred naman iyon.

Nagbabasaan lang sila sa tubig. Nasa isang beach kami dahil dito gagawin ang shoot sa kasunod na comercial project ni Jace. Nandito rin ang team niya na hindi na magkamayaw sa paghahagilap ng mga dapat gamitin habang ang magkapatid ayon, nais pa akong idamay sa katamaran nila kahit na nakikita nilang nag-aayos ako ng mga gamit para sa set.

"Tumulong kaya kayo ano?" bulyaw ko at napabuga nanaman ng hangin.

Hindi ko pa rin ubos-maisip na makakaramdam ako ng sakit sa mga salita ni Jarred sa akin ng makita kong ginamit siya ni Jace. Hindi ko rin naman alam na matagal na nilang gingawa iyon at higit sa lahat hindi ko naisip na mayroong ganoong klase ng pag-ibig.

Baguhan pa rin ako sa ganitong larangan kahit pa may nararamdaman ako kay Jace.

Kung iisiping mabuti dapat si Jarred ang magustuhan ko dahil matagal na niya akong gusto pero heto ako, umiibig sa King of Cassanovas.

Ang taong dati kong kinamumuhian ay nagparamdam sa akin kung paano ang umibig.

F*ck. Wala pa nga sa aking isipan na mag-asawa tapos ang umibig sa isang lalaki? D*mn! Ibang klase talaga si Tadhana.

"Huwag mo na kasi munang gawin 'yan. Magenjoy na lang tayo." Si Jace ulit iyon. Naiinis na ako sa katamaran niya kaya bubulyawan ko na talaga ng matidi pero nakita ko si Jarred na nakatingin ng masama kay Jace habang si Jace naman ay todo ang pagngiti sa dereksyon ko.

May nararamdaman nga talaga si Jarred para kay Jace. Sino ba naman ako para humadlang pa?

"HEH!" sigaw ko lang at binuhat ko ang isang box papunta sa isang tent ng mga props.

Nakasalubong ako ng isang babae na may magandang hubog ang katawan at ang nakakapagtaka pa ay parang namumukhaan ko siya pati na ang buhok niyang nakalugay na may highlights na orange.

"Nathaliah?" nagbaba ng sunglasses ang babae at nawalan ako ng gana. "Ikaw nga. Anong ginagawa mo dito?" walang kalatoy-latoy kong tanong.

Bakit pa ba ako nag-aaksaya ng panahon sa kaniya ngayong hindi naman niya ako matulungan para hanapin ang taong.. I mean, ang genie na iyon. Paano na lang kung kunin nga niya si Jace o mas malala pa, kunin niya ako?!

Tangahan naman kasi pre. Ako? Ako talaga iyong taong inibig nilang pareho? Lokohan 'to.

Alam kong gwapong-gwapo ang lahat sa akin pero ang magkaroon ng isang babaeng minamahal tapos isang lalaking genie pa daw ay maiinlove sa akin to the point na hindi makauwi ang bruhildang ito dahil nakatali pa rin daw siya sa akin sa hindi niya malamang dahilan!

P.I. na dahilan iyan!

"Oh, Miss Nathalia. Mabuti't nakarating ka." Masiglang sabi ni Jarred habang kumakaway palapit sa amin. "Kilala nyo ang isa't-isa?" tanong pa niya ng makalapit siya sa amin.

"Sort of." Sabi lang ni Nathalia.

"Ikaw Jerson ha. Hindi mo naman sinabing nagkaroon ka ng fvkmate na kasing ganda ni Miss Nathalia." Natatawang biro nito na hindi ko naman talaga pinansin. Bakit? Dahil nakita ko si Jace na masama ang tingin sa akin. Hindi niya ata mamukhaan si Nathalia.

My Brother's Genie is Gay (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon