MBGiG 14- Jace and Norion

60 3 0
                                    

My Brother's Genie is Gay

-14

Jace and Norion

Jerson's PoV

What a lovely night.

Hindi man lang pumasok sa isipan kong pupwedeng magkaroon ng relasyon sina papa at tito. Lalo pa't magkapatid din sila. Teka, ginawa rin naman iyon nina Jace at Jarred pero iba pa rin sa pakiramdam na it runs to the family kahit pa sabihing hindi talaga namin kadugo sina Jace at Jarred ganoon din ang nangyari sa kanila.

I was hurt. Ayaw kong tanggaping may nangyari sa kanila sa loob ng tatlong taong nasa loob ako ng lampara. Pero hindi ko naman sila masisisi dahil ako'y alipin lamang ni Jace at mananatili iyong ganoon. Ako ang kanyang Genie at kahit saang angulo ko tingnan mukhang isa pa rin sa front act ni Jace ang kasal na ito.

Kahit pa gusto kong maniwalang mayroong 'kami' hindi pa rin mawala sa isipan ko ang posibilidad—hindi, ang katotohanang may relasyon silang dalwa.

Sila ang nauna at ako'y palamuti lamang. Pangalwang putahe para kay Jace at kahit pa lunurin ko sa kagalakan ang aking sarili dahil sa kasal na ito, iba pa rin kung sino ang totoo n'yang mahal.

At alam kong hanggang salita lamang iyon ni Jace para ako'y saktan.

Mga salitang paulit-ulit nilang sinasabi pero hindi ko maramdaman mula kay Jace. Hindi ko maramdamang mahal talaga niya ako at sa palagay ko'y totoong palamuti at second choice lamang ako.

Tulad ngayong umaga, mas unan niyang pinuntahan ang silid ni Jarred kaysa sa akin gayong ikakasal na rin kami mamayang gabi. Maayos na ang lahat. Ang reception, ang mga bisita, ang magkakasal sa amin pati na rin ang mga taong hindi ko kilala na naririto ngayon para maging witness sa kasal na hindi ko inaakalang posible sa aming pamilya.

"May problema ba anak?" napalingon ako kay Daddy nang tawagin niya ako. "Mukhang balisa ka. Hindi mo ba gustong magpakasal sa kanya?"

Nabigla ako sa sumunod niyang tanong kaya tiningnan ko s'ya. Umaasang naroon ang sagot na normal kong makikita sa amang nag-aalala subalit iba ang nakita ko. Nakita kong parang masaya pa siya at naaalala ang kanyang nakaraan.

"Alam mo, noong ikakasal kami ng mama mo ganyang-ganyan din ang nararamdaman ko. Hindi ko sigurado kung tama ba ang desisyon ko o kung nasaktan ko ang kapatid ko dahil sa desisyon ko."

Matiim kong sinasala ang mga sinasabi ni Daddy hanggang sa mapunta ako sa isang konklusyong posibleng sumagot sa tanong sa isipan ko para kay Jace.

"Nabuntis mo lang ba si mama sa akin kaya mo s'ya pinakasalan Daddy?" natawa lang s'ya sa tanong ko saka umakbay sa akin.

"Maloko kang bata ka. Bakit nabuntis ka na ba ni Jace para sabihin 'yan?" agad akong namula sa paratang ni papa. Hindi ba't sila rin ng kapatid n'ya ay nag-a-ano-han kagabi kaya bakit kung makaasta s'ya parang wala siyang kasalanan? "Oh, oh, oh, alam ko 'yang iniisip mo. Kaya naman pala parang may naaaninag ako sa kakahuyan kagabi. Hahaha." Tumawa pa ng malakas si Daddy kaya lalo akong nahiya at namula.

Naupo na lang ako sa soffa at hindi siya pinansin. Nang matapos s'yang tumawa ay umupo at umakbay siyang muli sa akin.

"Hindi ko nabuntis ang mama mo noon. Mahal ko talaga s'ya at hindi rin inaasahan ni Rick na magmamahal ako ng tomboy. Inisip ko noon, magkakaroon ba kami ng kapayapaan? Paano kami kikilalanin ng anak namin gayong bakla ako at tomboy ang mama mo. Pero alam mo anak?"

Tiningnan ko si papa sa kanyang mga mata.

"Ano po 'yon."

"Puso ko ang nagdikta kung saan ako mas masaya at kung ano ang dapat naming gawing dalawa kapag nagka-anak na kami. Isa pa, kung nagawa naming maging mabuting mga magulang sa iyo dahil nakita namin na ang isa't-isa ang makakasama namin habang buhay, ganoon ang totoong pagmamahal.

My Brother's Genie is Gay (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon