MBGiG 12- First time

67 3 1
                                    

My Brother's Genie is Gay (M2M)

-12

First time

Jarred's PoV

"So.. ang tahimik natin."

Napakurap ako sa mga salitang iyon ni Tyron.

"Ah.. ano... ano kasi.."

"Pfft. Di naman natin kailangang magkailangan 'di ba?" Humakbang siya palapit sa akin saka niya hinawakan ang kamay ko.

Napatingin ako sa mga kamay naming magkahawak ngayon pati na rin ng unti-unti niyang halikan ang likod ng aking palad. Bahagya pa akong napalunok ng mga sandaling iyon at ramdam ko ang init ng aking mukha pati ang panlalambot ng aking tuhod at ang bestfriend kong si 'hiya'.

Napalunok akong muli ng tingnan ako ng mga mata ni Tyron. Purong itim at katamtaman ang laki. Ang ilong niyang hindi kasingtangos ng sa amin ngunit pulido ang pagkakagawa. Hindi naman sa nagparetoke siya and I don't care if he does pero nakaka-akit talaga ang lahat sa kaniya. Noon wala akong paki-alam kay Tey-Tey Villanueva pero ngayon, dahil sa lalaking nakaitim na bussiness suit na may pulang neck tie nakita kong pupwede pala.

Pupwede palang makita ko ang isang kaibigan na nagmamahal sa akin.

Yeah, he's amazing just the way he is.

Para akong nahipnotismo sa sumunod na nangyari.

Ngumiti lang siya habang nakatayo sa harapan ko, hindi ko kasing taas dahil mas mataas ako sa kaniya pero sa mga ngiting iyon pakiramdam ko'y mas tumangkad siya sa akin maging ang mga titig na iyon ay siyang nagpapalambot ng aking tuhod at nagpapakabog ng aking dibdib.

Alam kong mali dahil hindi tama.

Alam kong hindi pwede dahil hindi maari.

Alam kong dapat akong lumayo pero hindi ako makahakbang.

Alam kong kailangan kong magbigay distansya pero nahihikit ako palapit sa kaniya.

Alam kong pupwede akong magmahal ng iba pero hindi dapat.

Patuloy ko pa ring inilalayo ang kalooban ko sa taong hindi naman nararapat sa akin. Wala nga lang akong magawa para pigilan pa ang nararamdaman ko. Alam ko ang katotohanan, sinabi ng isang taong importante sa akin ang aming nakaraan, ang lahat ng kanilang pinagdaanan pero hindi ko magawang tumalima sa katotohanang may nararamdaman na ako sa taong ito.

Mahal ko na si Tyron kahit hindi naman dapat.

Kahit alam kong may posibilidad na pagmamanipula lang ang lahat at laro lang ito para umibig ako sa kaniya.

Dahil sa huli, si Jerson ang iniibig ko na iniibig din pala ng kapatid ko.

All this time kaming tatlo ang destiny pero mayroong nagbago.

Mayroong gumulo sa nakatadhana at kung ipagpapatuloy ko ito, mas masasaktan lang ako.

"Jarred. M-May nagawa ba ako?" hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan iyon. "Shh.. tahan na. Hindi mangyayari ang naiisip mo. Please kung ano man iyan, maniwala ka lang sa akin. Gagawin ko ang lahat para ipakitang kahit si Tadhana ang gugulo sa atin, poprotektahan kita. Hindi ko hahayaang mas masaktan ka pa."

Salubong na ang mga kilay niya't kita kong nasasaktan siya sa itsura ko ngayon.

Umiiyak na pala ako pero hindi ko nagawang pigilan pa ang lahat ng ito dahil niyakap niya ako. Mas mataas kami ni Jace sa kaniya pero heto siya't yakap na ang ulo ko kaya naman lumuhod ako't inalalayan niya ako. Patuloy lang niya akong niyakap ng ganoon hanggang sa ipikit ko ang mga mata ko't inabot ang mukha niya.

My Brother's Genie is Gay (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon