My Brother's Genie is Gay (M2M)
-06
Our Father, his Uncle
Jarred's PoV
Ilang linggo na rin ang nakaraan noong nagpunta kami sa beach. Gusto ko silang tanungin kung anong ginawa nila sa tent pero inalis ako kaagad doon ni Tyron. Naiinis ako sa kaniya ngayon, oo alam kong mahal niya ako at may nararamdaman rin ako sa kaniya. Ang kaibahan lang, kapatid ko si Jace at pinsan ko si Jerson.
At sila ang mga taong minahal ko at hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa nararamdaman ko kung sino sa kanila ang pagbibigyan ko ng puso ko. Kung si Jace ang labis kong mamahalin, masasaktan lang ako dahil mahal niya rin si Jerson. Kung si Jerson naman ang mamahalin ko, wala ring mangyayari dahil si Jace ang lihim niyang minamahal. Hindi ko nga alam kung alam na ng kapatid ko ang nararamdaman ni Jerson pero sa malaman niya o hindi wala na talaga akong pag-asa kay Jerson.
Alam kong si Tyron na lang ang huling option pero nangangamba pa rin ako. Pakiramdam ko may lihim siya na tungkol sa akin at wala siyang balak sabihin iyon kaya naman mahirap ng magtiwala.
Anu't-ano pa man, nahihirapan talaga ako.
"Buko juice oh." napakurap ako ng may isang baso ng transparent na juice sa harapan ko.
"Ano bang pinagsasa-sabi mo riyan? Parang ipinagtatabuyan mo na ako ah." pagbabaliktad ko ng pangyayari.
"Hindi sa ganoon pero alam kong tulad ka rin ni Jace. Kambal kayo eh. Twincest. Mahal na mahal ka noon at ilang beses ko lang kayong nakitang magkasama pero alam kong mahal na mahal mo rin siya. Kaya hindi ako magtataka kung kukunin mo ang susi ng kotse ko at babaybayin ang daan pauwi sa inyo." ngumiti si Tyron at itinulak ang inilapag na susi ng kotse niya sa lamesa papunta sa akin.
"P-Pero.."
"Huwag ka ng pumero. Wala tayong preno. Sige na. Alam ko naman ang sinusuong kong problema kaya kung anong magpapasaya sa'yo, sa taong mahal ko... ayos lang. Ang mahalaga sa akin ay ang tunay na kaligayahan mo Jarred." hinawakan niya ang balikat ko at tumayo na naman ako matapos niyang sabihin iyon.
"Salamat." tanging sabi ko at tumakbo sa kotse niya.
"Nandito lang ako para sa'yo, Jarred!!" sigaw niya ng makababa ako sa cafe na pagmamay-ari ng kapatid niya.
Tumango lang ako't binaybay ko ang daan papunta sa bahay namin. Makalipas ng isang oras ay nakauwi na rin ako at ikinagulat ko ang nakita ko.
"Papa?"tumalikod siya at humarap sa akin.
"Red. Ipaliwanag mo ito!" nanlaki ang mata ko ng itaas ni papa ang cellphone ko na hindi ko na ginagamit dahil naroon ang mga sex videos namin ni Jace.
Tiningnan ko ang mukha ng kapatid kong nasa sofa at katabi si Jerson na hindi rin alam kung ano ang gagawain.
"Ikaw. Anong dahilan mo para dito ha bata ka!!" sigaw niya na ikinalungkot ko. "Alam kong bakla ka! Pero ang gawin ang ganito sa SARILI mong kapatid! Aba'y sumusobra ka na Jarred!" sigaw ni papa nanagpanginig ng tuhod ko. Puno ng diin iyon at may panlalaki pa ang kaniyang mga mata.
"Pa! Ako ang dapat mong pagalitan. Ako talaga ang may kasalanan!" Pakiusap ni Jace na nagmula sa kung saan pero pinagalitan rin siya ni papa.
"Huwag mo akong ginagag0 Jace! Hindi ka pinakalaki ng mama mo na sinungaling! Anong dahilan ninyo ha?! Nagmamahalan ba kayong talaga?!" sigaw muli ni papa at ayoko ng ganito kaya sinagot ko na siya.
"Hindi papa! That was all rape. At pinagbigyan lang ako ni Jace. Si Jerson ang tunay na mahal niya at nagmamahalan sila. Pagalitan mo na ako papa pero hindi ko hahayaang paglayuin mo sila!" matapos kong sabihin iyon ay nagngitngit ang mga ngipin ko para pigilan ang aking pagluha dahil sa sakit ng pagsagot sa sarili kong ama.
BINABASA MO ANG
My Brother's Genie is Gay (TO BE PUBLISHED)
FantasyWala syang alam, wala syang ibang alam kundi ang pagmamaltrato ng kanyang kapatid sa kanilang pinsan at ang totoong nararamdaman ng kakambal nya para dito. Wala dapat syang malalaman hanggang sa matapos ang lahat at makabalik si Nathaliah sa kanyang...