MBGiG 11- Mga tinig

62 2 1
                                    

My Brother's Genie is Gay (M2M)

-11

Mga tinig

Jarred's PoV

"Nakikita ko ang katotohanan sa lahat ng pagkakataon, aking mahal."

Nakatulala lang kaming tatlo kay mama ng sandaling iyon. Pinagtatakahan ang mga salitang sinabi ni nito. Ilang sandali pa'y nagtaka rin ang mukha ni mama.

"May nasabi ba akong mali?"

Sandali pa kaming natigilan.

Nagtatanong sa sarili kung sino ang mangunguna sa pagtatanong kay mama dahil malamang sa malamang ay ang magtatanong lamang ang may sapat na lakas ng loob at hindi makakapagsabi ng mga salitang hindi mamasamain ni mama. Lalo pa ngayong maselan ang pagbubuntis niya.

Sino?

Sino sa aming tatlo ang magtatanong kay mama? Sino ang may lakas ng loob, linaw ng isipan at tibay ng sikmura para maitanong ng malinaw ang ibigsabihin ni mama sa mga salitang binitawan niya kanina.

Kung si Jerson ang magtatanong, baka taasan siya ng kilay ni mama at pangaralan ito sa pagiging walang galang at baka sakali pang hindi matuloy ang kasal nila ni Jace.

Pabor sa akin oo, pero hindi iyon makakabuti sa relasyon naming magpipinsan maging sa relasyon ng mga ama namin.

Tulad ko si tito, Manly Gay kung tawagin ng grupo namin. Hindi mahahalatang bakla kapag nasa labas na ng bahay o kapag hindi komportable sa kausap. Ganito din sina Jerson at Jace. Mas mukha nga silang mga lalaking naghaharutan lamang sa kama at nagmamahalan kaysa sa pakiramdam namin ni tito na gusto ang mga pink, fitted at cute na mga bagay.

Kung magkakaroon ng away sa pagitan ni papa at ni tito siguradong kawawa si papa. Hindi dahil sa laki ng katawan kundi dahil sa mahaba ang kuko ni tito, matalas ang dila at higit sa lahat, si tita ang mauunang sumuntok kung sakaling magipit na nga si tito.

Parang si tita kasi ang Lady in the shinning armor, ang princess charming at ang Pulis pangkalawakan ni tito sa lahat ng aspeto maliban na lang sa pagpapatakbo ng wine company ng pamilya Montecarlo.

Kung ako naman ang magtatanong kay mama, siguradong iiyak ito, magwawala, mamalo at sasabihan akong naging bobo na ako matapos kong sumama kay Jerson na may pagkamahina naman talagang umintidi at baka pati si Tyron palayuin sa akin dahil naisip ni mama na bad influence sa akin si Tyron. Na minsan ay bad influence nga kasi nagpapatawa siya ng Waley at nakakalurki kaya nahahawa ako at nagiging corny rin ako sa pakikipag-usap ko sa mga kaibigan ko sa FB at Twitter.

Pero paano naman kaya kung si Tey-Tey ang magtanong kay mama?

Mukha namang close sila mula pa sa ospital pero paano kung hindi?

Baka kumuha si mama ng upuan at hambalusin niya si Tey at sabihing, "Tang na mong G**o ka! Hindi ko kailangan ng balahurang son-in-law. Lumayas ka't huwag ng magpapakita pa!!"

Paano na?

Lalo na akong nalungkot dahil mawawalan ako ng kapareha.

Magwawala ako't aasa na hindi na magkatuluyan pa sina Jace at Jerson na pabor pa rin sa akin.

Pero kung ganoon naman ang mangyayari, masisirang muli ang pamilya, magbubugbugan sina tito, tita at papa, baka biglaan pang mapa-anak si mama.

Hayyy... anong gagawin ko? Kailangan bang ako ang magtanong o huwag ko na lang itanong?

Tsk. Bahala na!

"Nagtataka lang kami sa ibig mong sabihin, tita. Para kasing may kakaibang meaning?" si Tyron iyon na parang itinanong kay mama iyong huli niyang sinabi.

My Brother's Genie is Gay (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon