MBGiG 03- Puso at bituwin

144 4 0
                                    

 My Brother's Genie is Gay.

-03 Di mapaliwanag

Puso at Bituwin

Jarred's PoV

Noong umaga ring iyon tinawagan ko si Tyron. Hindi ko kasi siya makita kahit saan ako magpunta kaya naisip kong tawagan na siya at dahil nga may nararamdaman daw siya para sa akin- na aksedente ko lang narinig dahil sa pinipilit siyang makipagdate noong isang kaopisina niyang babae- ay naging kampante ako sa tabi niya sa loob ng mahigit apat na taon.

Wala pa naman akong nararamdaman sa kaniya pero kung magkakaroon man, sana huwag na. Tama ng si Jerson na ang huling lalaki sa buhay ko. Tama ng kay Jerson lang ako nasaktan at hindi na sa ibang tao.

"Jarred." Agad akong napalingon sa nagsalita. Si papa pala.

Ang stepfather namin ni Jace na tito ni Jerson.

Si Richard.

"Bakit po nandito kayo? Sino po ang nagsabi sa inyo na nasa ospital si Jace?" kumunot ang noo ni papa at hindi ko napigilang pagtakhan iyon hanggang sa ibulgar na niya ang sagot sa tanong ko.

"Ikaw anak." Sabi lang niya at nagcross arms pa. Napalunok ako doon.

Kahit na kasi mga matured na kami ay hindi ko pa rin alam kung ano ang dapat kong iakto kapag isang lalaki ang kaharap ko. Lalo pa't si papa ito. Kahit noong bata pa kami may pag-aalangan pa rin ako sa puso ko na ituring siyang papa at takot na rin dahil sa karanasan sa dati naming papa. Pero kahit na kambal kami ni Jace, nagawa niyang mahalin at tanggapin si papa. Siguro dahil sa simula ay babae rin naman ang gusto ni Jace.

Nito lang naman niya nagustuhan si Jerson hindi ba?

"Papa.. ano kasi.. sorry." Inilayo ko ang tingin ko sa mga mata niya dahil baka lalo lang akong mapako sa kinatatayuan ko.

Natatakot ako sa kaniya. Hindi ko mapigilan at hindi ko rin mapigilang manginig.

"Bakit ka nagsosorry anak? Nasaan si Jace? Bakit hindi natin siya puntahan?" hinawakan ni papa ang balikat ko at noon lamang tumigil ang panginginig ko at takot kay papa.

Tiningnan ko siya sa kaniyang mukha at doon nakapinta ang isang ngiti na nagsasabing masaya siya na makita ako at the same time nagaalala siya sa kapatid ko.

"Papa, hindi ko po alam ang nangyari pero nagkaroon ng butas sa atay si Jace. Siguro sa trabaho daw o hindi naman kaya sa mga bagay na gumugulo sa kaniya nitong nakaraan. Alam 'nyo rin naman pong halos lahat ng day offs niya ay nagugugol noon sa paghahanap niya kay Jerson." Tiningnan ko muli si papa habang nakatingala at naglalakad kami papunta sa room ni Jace. May katangkaran din si papa kaya nga kaunti lang ang taas namin kay Jerson.

Ang biro ni mama sa akin dati, pro wrestler daw si papa sa America pero hindi ko naman pinapaniwalaan iyon. Maliban na lang sa katotohanang maganda ang pagkakabalbas-sarado niya.

Nakalimutan ko na rin na tinatawagan ko si Tyron. Hindi rin naman niya sinasagot kaya bahala na siya. Ang mahalaga may kasama na ako. At si papa iyon.

"Ay teka papa, kung ako ang nagsabi sa'yo tungkol kay Jace bakit nandito ka ngayon?" tanong ko pa sa kaniya.

Ngumiti siya ng pagkalapad-lapad at kinurot pa ang pisngi ko na para akong isang batang cute na cute at siya ang matandang naku-kyutan sa akin.

Halos mapangiti na rin ako pero naalala ko ang kalagayan ni Jace.

"Magkakaroon ka na ng kapatid. Haha." Natatawa pang sabi nito at nagpose na parang manununtok at nagawa nga niyang sumuntok sa pader. "Hindi kami makauwi dahil doon pero ginusto niyang dito manganak kaya nagrent kami ng bahay malapit sa inyo. Limang bwan na kami doon at eight months na rin ang tyan ng mama mo. Kaya heto. Pinapacheck-up namin." Bakas pa rin sa mukha niya ang kasiyahan.

My Brother's Genie is Gay (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon