MBGiG 15- The Wedding Ceremony

109 5 0
                                    

My Brother's Genie is Gay

-15 He Has Chosen You For Me

The Wedding Ceremony

Jerson's PoV

Pinagmasdan ko mula sa bintana ang pagbalik muli ni Jace. Mukha siyang tinakasan ng lakas dahil nakababa ang mga balikay niya't parang may malalim na iniisip. Kahit ako nang mga sandaling iyon ay napa-isip din. Ang mga tanong ko kanina'y paulit-ulit na bumabalik. Ang pag-aalinlangan ko'y lalong tumitindi lalo pa't ang kasalang ito'y hindi naman pinagplanuhan ni Jace.

Hindi pa kami ganoon kasigurado para sa isa't-isa kahit pa nakikita ko ang hinaharap naming magkasama. Nararamdaman ko pa rin ang takot na mawala s'ya at sumama sa iba.

Ngunit sino ba naman ako para itigil ang kasal na ito gayong alam kong mahal ko si Jace kahit pa hindi ako ang mahal niya.

Jarred's PoV

"Jace, sandali." Agad kong hinikit ang kakambal ko palayo sa back entrance at dinala siya sa may gate kung saan nandoon ang sasakyan ko.

"Anong problema Jarred?" kita sa mukha niyang parang natu-trauma na siya sa mga ganitong pagmamadali. Sigurado akong iniisip niyang napahamak si Jerson o kung ano mang related doon. "May nangyari ba kay Jerson? May kumidnap ba sa kanya?"

Kitams.

Naparoll eyes na lang ako saka ko bahagyang sinuntok ang balikat ni Jace kaya napahakban s'ya palayo.

"Tungek! Kapag hinihikit ka, may ganoong pangyayari na agad? Hindi ba pupwedeng may sasabihin lang sa'yo ang beautiful mong kakambal?" Ngumiti ako sa kanya pero parang hindi pa siya masyadong kumbinsido sa sinabi ko kaya ipinagpatuloy ko na lang ang plano ko. "Ngayong adik ka na nga talaga, eto ang cellphone ko. Mimoryahin mo 'yang nasa video kung hindi ipakukulo ko talaga 'yang utak mo."

Binibiro ko lang si Jace at alam kong alam niya 'yon. Basta, masaya pa rin ako para sa kanila kahit pa... hindi sobra.

"Kailangan ko ba talagang—"

"Shut the F*ck up and do it!" pinalo ko s'yang muli at saka ako pumunta sa kinaroroonan ni Tyron.

Ang kusina. At tulad ng madalas kong nakikita, naroon siya sa dakong hindi madaling makikita at iniisip kung alin ang mas kakainin n'ya, mansanas o orange.

"Akin na 'yang mansanas, ipagbabalat kita." Agad kong kinuha 'yon.

"Ha? Teka, hindi ko gusto ang binalatang mansanas."

"Kaya nga ako na ang kakain eh." Saka ko s'ya kinindatan.

Bahagyang napangiti si Tyron pero hindi na tungkol sa mansanas ang pinag-usapan namin. Tungkol na sa mga ikakasal mamayang gabi.

"Ayos lang ba sila?"

"Mukhang hindi." Sagot ko habang binabalatan ang mansanas. "Pareho pa rin silang nag-aalangan sa sitwasyon."

"Masyado kasi natin silang minadali."

Tumango lang ako pero nakaramdam ako ng kaunting lungkot. "Gusto kong agawin si Jerson sa kanya, Tyron. Pero bakit may pumipigil sa akin? Bakit nasasaktan pa rin ako at hindi ko malaman kung saan mas masakit?"

At sa wakas, natamaan na nga ng kutsilyo ang daliri ko't ikinabahala iyon ni Tyron kaya dinala niya ang daliri ko sa gripo at pinatuluan ng tubig ang sugat.

"Ano ba Jarred? Hindi mo iniingatan ang sarili mo eh!"

Pinag-alala ko na naman s'ya.

Napatungo ako pero napatunghay din ng itaas ni Tyron ang kamay kong may sugat ng mas mataas sa ulo ko. Napalapit ako sa kanya dahil doon at iilang pulgada na ang layo namin sa isa't-isa, parehas tinititigan ang mga mata.

My Brother's Genie is Gay (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon