"Persy... Naiintindihan mo ba ako?"
"Yes. Oo naman."
"Nararamdaman mo?"
"Oo."
"Sinungaling."
"What? Elis, may problema ba? Tell me. I'll listen."
"Bakit ganyan ka, Persy? Bakit pakiramdam ko lahat ng ginagawa mo at lumalabas sa bibig mo ay galing sa utak mo pero di kita maramdaman. Di ko naramdamang galing lahat ng yun diyan sa puso mo?"
"Sobrang bait mo. To the point na parang hindi ka na totoo. Lahat ng kilos mo kalkulado. Nung una di ko pa pansin, pero habang tumatagal, unti-unti kong napapatagpi-tagpi."
"Bakit di ka makaimik? Dahil totoo? Ano ba talaga? Mahal mo ba talaga ako?"
"Oo... Mahal na mahal. Sobrang mahal."
"Pero... Bakit ganito nararamdaman ko? Bakit ka ganyan? Parang nagmamahal ako ng robot na tao. Alam pero di nakakaramdam."
"Nahihirapan akong i-express. I'm knowledgeable about how it works but I'm having a hard time feeling it and expressing it. I know you'll think na I manipulated you because I know how to do those things and I'm incapable of using my feelings for doing it. But believe me, I really, really really love you. I didn't even cheated on you. You are the only one."
"I will not ask you if you know but I will ask you if "Did you really feel how to love? Did you really feel what love is?"
"Elis... I'm not feeling it but I know how it works. The process, the phases---the stages. Please stay."
"I'm not a specimen under the microscope and I'm not even a school paper. Damn you, Persy."
****
Present"Napakaselfish..." bulong ko sa hangin habang matalim ang titig sa taong ngiting ngiti sa mame ko.
Eh pano kasi nasa kanya na naman lahat ng pritong itlog! Binigay ni mame tatlo tas samin ni kuya tig isa lang.
Sabay pa kaming nagkatinginan ni kuya at tumango sa isa't isa.
Himala. Nagkasundo kami ngayon.
Sa ulam lang pala kami magkakasundo.
"Kain ka lang nang kain iha ha? Pasensya na kung palaging itlog at tocino nakikita mo sa hapagkainan. Favorite kasi ni Eli yung itlog tas si James naman ay tocino." Wika ni mame at malumanay na inayos ang mahabang blonde na buhok nung isa.
Buhat sa narinig ay napatigil ako sa pagnguya at natahimik.
Sumulyap ako kay kuya at ganon din siya sa akin.
Binabawi ko na pala ang sinasabi ko noon na parang ang grabe ni mame sakin. Iniisip niya pala talaga kami sa araw-araw.
Kung iisipin, oo nga. Madalas yun ang kainin namin. Tas yung paborito ni mame na ampalaya? Isang beses lang yata sa isang linggo kung magluto non.
Tingin ko, ganito narin ang realization ni kuya ngayon. Nakayuko na siya habang kumakain. Wari'y nahihiya siya kay mame.
Nung matapos nang kumain ay dali-daling tumayo si kuya na siyang kinapitlag ko sa gulat. Maging si mame ay ganon din.
Ano ba 'to si kuya? Nakakagulat!
"Ako na po magligpit, mame. Ako narin maghuhugas. Ako narin po magpupunas ng mga bintana, furniture at sahig. Pahinga na muna kayo."

BINABASA MO ANG
Walker Series 4: Persephone
Mystery / ThrillerThe kind of love you grew up with is the kind of love you are subconsciously attracted to. It can be happiness, sadness, or, unfortunately, pain.