CHAPTER 9

830 11 0
                                        

CHARL POV'S
      Nagulantang ako sa lakas ng katok mula sa pintuan ng dorm, Saturday ngayon kaya wala akong kasama ngayon sa dorm at wala akong ineexpect na kasama ko ngayong saturday.

Naisip ko ang kinenwento sa akin ni Antoinette, kaya dahan dahan akong lumapit sa pintuan.

Pagkasilip ko sa malaking butas, nakita ko ang isang guard kaya dali dali kong binuksan ang pinto.

“ Bakit ho sir? ” tanong ko kay Manong Guard.
“ Hinahanap ka sa baba, dalawang lalaki, mag aaway pa ata sila ” sambit ng Guard sa akin, kaya napadungaw ako sa baba.

Nakita ko sina Asher at Yno na halatang magsusuntukan, kaya dali dali akong bumababa nang dorm.

OH MY GOD KAPAGOD sabay tapik ko sa dibdib ko nang naka baba na ako mula sa third floor, lumapit ako sa dalawa.

“ Kailan ba kayo titigil ” napatingin silang sabay sa akin, tsaka ngumiti.

“ Are you ok, I have some water here, do you want ” offer sa akin ni Asher.
“ It's better kung ang tubig ko ang kukunin mo ” sambit naman ni Yno, na halatang pag aawayan nanaman tong dalawa na to.

“ Tumigilll, akin na ” sabay ko silang kinuhang dalawa ang tubig na naka bottle, agad naman sila tumigil.

“ Let's go, sa akin kana sumakay! ” yaya sa akin ni Yno, pero di parin nag padaig ang super at hot na si Asher.

“ No, sa akin siya sasakay ” sabay hila niya sa kabila kong kamay at si Yno naman sa kabila.

“ His mine ”
“ His mine, and all of them is mine ” sambit ni Asher kay Yno.

Huh, anong lahat bulong ko sa sarili ko.

“ Aray! nasasaktan ako, pwede ba bitawan niyo na ako ” saad ko sa dalawa pero kahit ni isa walang bumitaw sa kanila, patuloy parin ang pahihila nila sa akin

“ Isa bitawan niyo or hindi ” saad ko sa dalawa, napahinto naman sila sa paghila sa akin pero walang bumitaw sa kanila na nakahawak sa kamay ko.

“ Bitaw! sabi ” tsaka ko hinila ang kamay ko ng pwersahan.

“ Mag cocomute nalang tayo ” sambit ko sa dalawa, agad naman sila sumunod sa akin, palabas ng campus.

ilang minuto nang nakarating kami sa paradaan ng jeep.

“ What the he— ” nang pinigilan ko ang bunganga ni Yno.
“ Charl, do you think makakasakay tayo diyan, madami nang karga ” sambit ni Asher.

“ Mga iho sakay na kayo! ” sambit ng driver sa amin.

“ Kuya, are you sure na safe diyan, hindi ba yan matutungba ” tanong ni Yno at Asher sa driver, napakamot nalang ng ulo ang driver dahil sa dalawa kong kasama na rich kid na di marunong sumakay ng jeep.

“ Iho, first time ata sumakay ng jeep tong mga kasama mo ” tanong ni Manong driver sa akin at tumango nalang ako bilang sagot.

“ Sa harap nalang kayong tatlo total kasiya naman kayo dun ” tumango naman ako, tsaka kami pumunta sa harap.

Ilang oras nang nakarating na kami sa destination namin, pagbaba namin halos mamatay sila sa kaba at hilo, akalain mo sa jeep pa sila mahihilo tong mga mukong na to.

“ I feel dizzy, this is the worst na nagawa ko ngayong araw! ” anya ni Yno habang patuloy sa pagduwal sa gilid ng kalsada.

“ I think I can't do this anymore ” sambit naman ni Asher, sabay upo sa gilid ng kalsada.

“ I can't do this! eh pag uwi natin diba sa jeep din tayo sasakay ” wika ko sa dalawa.

“ No I grab a taxi ” sambit ni Yno.

HELLO MR. PRESIDENT | TAGALOGStories to obsess over. Discover now