Awake Prologue

241 13 2
                                    

This is a continuation of 12 Wishes. As I have said in the epilogue, nananaginip lang si Tem noong mga panahong nakasama niya yung 12. Now, let's see kung magiging reality o mananatili na lang sa utak niya yung mga napaniginipan niya.

Warning: I may not be able to update this regularly so be patient. Also, I don't have a solid plot for this so anything and everything can happen.

----

"Artemis, tapusin mo muna yang homework mo bago ka maginternet dyan." Sabi sa akin ng bestfriend kong si Kei.

"Saglit lang naman. Saka di pa naman ipapasa yan bukas so no need na gawin ko ngayon." Pangangatwiran ko.

"Bahala ka dyan." Sabi niya tapos tumuloy na sa paggawa ng homework.

Napabuntong hininga na lang ako at nagtuloy nang manuod ng yt videos ng EXO. Hindi pa din ako makapaniwala na artista talaga sila. Napakaweird na napanaginipan ko sila pero wala akong clue kung sino sila nung mga panahong yon. At napakaweird din na isang panaginip lang lahat ng mga yun.

Nagkasya yun sa isang tulugan lang? Astig diba? Keke. Oo weirdo din ako, guys.

Nagtingin tingin ako ng mga comments sa baba nung video. Naaaliw ako lagi sa mga ganito dahil natutuwa ako kapag may nagaaway. Minsan nakikicomment ako pero hindi ako yung sumasali talaga sa ganun.

Kahit lagi akong nanunuod ng mga video nila, masasabi kong hindi pa din nila ako fan. Hindi ko alam, pero sadyang hindi ako nahoohook sa kanila. Kaya ako laging nanunuod dahil naaamaze talaga ako na nageexist sila sa totoong buhay.

Napatigil ako bigla ng mabasa ko itong comment na ito.

'EXO is too mainstream and boring. I do not get why people are so into them.'

Nacurious ako at medyo naexcite dahil alam kong kapag vinew ko yung replies, may fanwar nanaman. Agad ko na ngang tinignan ang comments at nagbasa.

Maraming fans ng EXO ang open minded na sumasagot at dinedepensahan ang mga opinyon nila pero karamihan ay hayok na hayok na magmura at magsabi kung gaano katanga yung taong nagsabi nun.

Napailing na lang ako.

Pinindot ko ang reply sa isa sa mga replies at sinimulang magtype...

'+asdfgh Yes I understand your point but still,......

To be continued

12 Wishes (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon