a Day with Baozi.
nakapaglinis na ako at 9:00 AM pa lang naman. maliit lang naman tong dorm at di masyadong makalat. nagpalit lang ako ng mga dapat palitan.
at ang nnatatanging kalat na lang eh yang mga walanjong kandila na yan. DI KO TALAGA MATAPON! nacucurious din ako at the same time natatakot. mamaya pag sinindihan ko biglang pumutok! =__=
PERO NACUCURIOUS TALAGA AKOOO... iba talaga pag curious.
kumuha ako ng isa at kinuha yung posporo. sabi dun sa papel may lalabas na lalaki diba? pumasok ako sa loob ng cr para sakaling sumabog, may tubig.. pero kahit na pala.. dedz pa din pala ako... ha-ha-ha... curiosity kills dre.
sinindihan ko na yung posporo at nilapit sa mitsa nung kandila.
tapos.......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
biglang nawala yung apoy =____=
K! walang kwenta!....tss.......
ARAY!
biglang uminit yung kandila, nahulog ko tuloy. tinignan ko yung kandila sa may sahig, lumalaki ata? lumiliwanag? oo lumalaki at lumiliwanag nga... iniwas ko yung mata ko kase masyado nang maliwanag, nung nawala na yung ilaw saka lang ako humarap ulit.
O_O holy mother cow
KACUTE NAMANG NILALANG NA ITOOOOO!!!!
nagningning ang mga mata ko at hinawakan siya sa mukha. anggaling! totoo yung sinabi ni lola. kaso bakit lalaki? kailangan lalaki talaga yung mag appear? bigla siiyang nagsalita.
"hello! ako si Xiumin. mahilig ako sa steamed buns! Ikaw ba girlfriend ko?"
OMO! ang cute niya! pero t-teka. anong sinasabi niyang grilfriend? ako?
"ako? sorry hindi kita boyfriend.. wala ako nun.." bakit ba ko nagsosorry? saka wala naman talaga ako nun...
"Ikaw ba yung nagsindi ng kandila?" tanong niya sa akin..
"ah..o-oo."
bigla niya akong niyakap. "ikaw girlfriend ko." O////O
---
"ansarap naman nito girlfriend!" sabi niya habang punong puno yung bibig niya ng siopao. ang cuute niya kumain... nakakagana... nandito kami ngayon sa HenLin. nag-aya kumain si Xiumin kase nagugutom daw siya.
"ah ano Xiumin--"
"Boyfriend itawag mo sa akin." sabi niya sabay pout.
"ah eh hindi naman kita boyfriend." sabi ko naman pero deep inside 'tara pakasal na tayo' he looked down after i said that. tumuloy lang siya sa pagkain pero parang nawalan na siya ng gana... nagtatampo? eh sa hindi ko naman talaga siya boyfriend..'asawa lang' +3+