a DAY with THEHUN.
"tae!!! Teka teka! Awts!! Uh! Uh! Yan! Sige pa! Yeah!!!"
.
.
.
.
Sigaw ni Hunnie habang naglalaro kame ng video game dito sa bahay. Tekken.
"waaaa! Madaya ka Hunnie!! :3" sabi ko. Kase natalo nanaman ako.
"haha sadyang magaling lang thalaga ako MWAAHAHA" sabi niya.
"aish. Gutom nako. Samahan moko bibili tayo ng ulam sa labas." sabi ko.
"thige." sabi niya tas binaba na niya yung controller.
Bumaba na kami. Paglabas ng gate nung boarding house eh biglang hinawakan ni Sehun este Hunnie yung kamay ko O////O
"a-ano. Sehu--*bigla siyang tumingin sa akin na nakapokerpeys* este Hunnie.. A-ano.. Yung kamay ko..." sabi ko. Naiilang ako kase pinagtitinginan na kami nung mga tao.
"bakit Them-Them? Ayaw mo hawakan kamay ko?" sabi niya sabay pout. F..
"a-ano.. Di naman sa ganun.. K-kase.. N-naiilang ako.." sabi ko na hindi makatingin sa kanya.
"*chuckles* sige hindi na. Sabi mo eh." binitiwan naman niya yung kamay ko. Nakahinga ako ng maluwag.
"ganto na lang" sabi niya sabay akbay sa akin. F.
Nagulat ako sa ginawa niya kaya di ako agad nakareact. Ambango pakshet.
Naglakad na kami. Buti na lang di masyadong mataas ang sikat ng araw. Tama lang kaya di masakit sa balat. Maaliwalas ang paligid.
Pinagtitinginan pa din kami habang naglalakad. May mga babaeng halatang halata ang pagkainggit sa akin dahil sa lalakeng nakaakbay sa akin ngayon. Yung mga tinginan nilang nakakamatay.
'sino ba yan??'
'gwapoooo sila ba?'
'inggit much'
'he'll be mine'
'asawa ko!'
'destiny!!'
mga echosera. Makaangkin sa kanila? Sa kanila? Medyo mataas ang pangarap. Ha-ha-ha
"wag ka nang sumimangot dyan. IYO lang ako *wink*" sabi ni Se-- Hunnie. Alam ko namula ako. Halata naman eh. Kase mas lumawak yung ngiti niya. He's enjoying this. :3
psh. Umalis ako sa pagkakaabay niya kahit AYAW ko. :P at naglakad ng medyo mabilis. Liningon ko siya at nakita kong nakapout siya. Binelatan ko siya at nagpatuloy maglakad pero naramdaman kong humabol siya sa akin at pinulupot yung braso niya sa likod ko. Shemay. O//////O
"u-uy! Se-- Hunnie--"
"Honey?! Sino yan?!" sabi ni Lester. Tambay sa may kanto na lagi kong dinadaanan papuntang school.
"Lester tumigil ka na nga." saway ko sa kanya.
"Honey?! Pinagpalit mo na ako? Sino ba yan? Wala pa sa kalingkingan ng kagwapuhan ko." sabi niya. Weh? Parang baliktad ata?
"hah. Pare. Baka naman namamalikmata ka?" sabi ni Hunnie na nakatingin ng matalim kay Lester. Si Lester kase yung taong napakakulit. Matagal nakong kinukulit niyan manliligaw daw. Matagal ko na din siyang binabasted.