A DAY WITH A MANLY MAN.
*alam kong may batang excited para dito XD
haaaaay! good morning! kamusta? kakagising ko lang at tinatamad akong bumangon.bakit ganun no? nakakatamad bumangon! anak ng pitong kama!
*gulong dito*
*gulong there*
*gulong everywhere*
*gulong he--ouch may nagulungan*
"aaiiiiisssh naman" sabi ko. nakakairita. ansarap gumulong eh XP tss. kinuha ko yung nagulungan ko. kandila? bakit andito to sa kama? aish. tinitignan ko nga pala to kagaba. hinahanapan ko ng clues. kasi naman sa panahon ngayon malabo na yung mga ganitong bagay.
Tintigan ko yung kandila. Inikot ikot. Kinalog kalog. May bigla akong nahawakan. Parang nakaukit dun sa kandila. Ano to? Tinignan ko. May nakasulat pala.
Luhan
luhan? Anong luhan? Ano to? Eh? Bumangon na ako at kinuha yung lighter sa may vanity table ko. Sinidihan ko na.
May lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko. May halos puti nang buhok. Mahabang pilik mata. At higit sa lahat. Mukha siyang bata.
Kung cute si Baozi siya mukha siyang bata. Ewan. Basta mukha siyang bata XD. Di agad ako nakareact nung bigla siyang ngumiti.
Hutaena. Di ko alam kung pano ako magrereact >____<
pano ba ha? Kaharap ko ngayon tong gwapong nilalang na to. Nakaupo ako sa kama ko. At siya naman nakatayo sa harap ko.
"Hello :) Luhan ang pangalan ko." sabi niya bigla. Nakatulala kase ako sa kanya. No. Hindi lang tulala. I'm GAPING at him.
"a-ah Tem. Tem ang pangalan ko." tae. Ngayon lang ako tinamaan ng ganito ah. Pano kase. Namaaaaan. Dream boy ko siya. Ganyang ganyan yung iniimagine ko na makakatuluyan ko. Yung mukhang inosente. XD haha
"anong gusto mong gawin ngayon Tem?" tanong niya habang nililibot yung kwarto ko.
"H-ha? Ano. Gusto mo kumain?" himala. Wala siyang nickname para sakin. Nakaupo na din siya sa kama ko pero sa kabilang size. Yakap yakap niya yung My Melody kong stuff toy na malaki. Seriously?
"tara!" sabi niya tas tumayo na siya habang yakap yakap pa din yung stuff toy.
Nandito na kami sa kitchen at iniupo niya si My Melody sa katabi niyang upuan samantalang ako nagsimula na akong maghanda ng makakakain.
Nakatalikod ako sa kanya at nararamdaman kong sinusundan niya ng tingin yung bawat galaw ko. Enebe! Nakakaconcious kaya! >/////>
sumilip ako sa balikat ko para matignan siya. Tama nga ako nakatingin nga siya sa akin. Nakaakbay pa siya dun kay My Melody. Anggwapo niyang tignan! Sheeeeeeet na malagkeeeeet!
"angganda ng likod mo Tem :)" eh? napatingin ako sa kanya. tapos nakita kong nakangiti siya sa akin. anong meron sa likod ko? anong ikinaganda nun? hoy! mas maganda yung mukha ko no! imbyerna to. nakangiti pa din siya sa akin habang nakaakbay siya kay My Melody.
sinimangutan ko lang siya at tinuloy yung ginagawa ko. naggagawa kase ako ng sandwich. sosyal ako eh XD dejoke lang. may pampalaman na kase ako para sa egg sandwich. ayun nilalagyan ko na lang. gumawa ako ng apat. tag dalawa kami. nilagay ko sa plato at ihinain ko sa mesa.
kumuha naman siya ng isa. kung kanina kaakbay lang niya si My Melo. ngayon kayakap na niya. bakit ganun? parang gusto ko ako yung kayakap niya? anla ka! TEM! achuchuchuchu.