a day with Suho
hindi pa din talaga ako makagetover sa pagtalon ni Lay jusko.
nakahiga ako ngayon sa kama at walang ginagawa. Nga pala dalawang weeks ang sembreak namin dahil college na ako :D haha
kaninang umaga mga 5. Nagising ako. Ewan ko kung anong pumasok sa utak ko at nagsindi ako ng isang kandila. Natauhan na lang ako nung nakita ko na yung lalaki sa harapan ko.
"D-dave?" sabi ko na nanlalaki yung mata.
"dave? Sinong dave? Suho pangalan ko." sabi naman niya.
Si Dave po mga kaibigan ay ang walanghiya kong Ex.
Oo Ex ko yung Dave. Siya din yung first love ko. Gwapo. Hearthrob. Ganung tipo.
Kaso niloko niya lang ako. Cliche ba? Haha eh wala eh common lovestory namin. Yung tipong commoner and prince. Pero hindi sila nagkatuluyan. Hay yaan na nga.
"bakit lumungkot ka?" tanong sa akin ni Suho. Nakadapa siya sa tabi ko habang nagtitingin ng magazines ko.
"ha? Wala naman. May itatanong ka pa ba?" pagbabago ko ng Topic. Kanina kase tanong siya ng tanong ng kung ano anong bagay na nasa magazine.
Per di niya pinansin yun. Nakatingin lang siya sa isang filler.
*ang filler ay notebook na manipis na gamit ng mga college*
SHOOT!
"WAG MONG TIGANAN YAN!!" sabi ko. That was OUR notebook. May mga pictures kami dun eh. Ako lang naman ang nagkusang gumawa diyan tagatingin lang si Dave.
Kinuha ko kay Suho yung notebook.
"kaya pala." napatingin ako sa kanya nun.
"kamukha ko siya. Sinaktan ka niya?" napatungo ako. Tumayo siya sa pagkakadapa niya. Nakatungo ulit ako.
Nakita ko yung kamay niya. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin.
"let me make my own memories with you. Let's make Suho's Notebook" sabi niya. Bakit Suho's Notebook? Nakalagay kase sa filler Dave's Notebook. Obssessed talaga ako dun dati. Ang corny nga eh. Ganun pala yun mapagtatanto mong sobrang corny mo pag matagal mo nang nagawa. Nginitian ko siya at kinuha yung kamay niya.
Nandito kami ngayon sa Divisoria.
Anong gagawin namin dito? Hinila niya ako sa isang stall dun na may mga nakasabit na makukulay.. WIGS?
"ate.. Pwede isukat?" sabi niya sa bakla. Eto namang si juding nagsparkle ang mata psh.
"onaman papa. Basta ikaw eh" with matching hawak sa braso ni Suho. Ngumiti naman siya at kumuha ng isa. Tapos sinukat niya. PINK yun pre. PINK na wig na apple cut.
"bagay ba? Haha :)" sabi niya. Tapos nagpose. Hindi ko na napigilang tumawa.
"ay papa hindi yan keribels sayo! Eto dapat! *sabay sukat ng isang wig kay suho at hawak sa mukha*" sabi ni juding. Peste. Kumuha ulit si Suho ng isa pang wig at sinuot sakin.
"ayan! Bagay sayo babe!" sabi niya. B-babe?! Nabitawan ni juding yung mga hawak niyang wigs na isusukat niya ata yung mga yun kay Suho eh.
"tara babe. Picture tayo?" sabi niya tapos sabay labas ng phone. KO. Pano napunta sa kanya yan?
"pano.."
"mamaya picture muna tayo." at nagpicture na nga kami ng nakawig. Pagkatapos ng pagpipicture binalik na niya yung wig kay juding na mukhang binagsakan ng langit at lupa. XD.
"Suho. Pano napunta sayo yung phone ko?" tanong ko habang naglalakad kami.
"ah yung phone mo? Nakita ko kanina sa may mesa bago tayo umalis. Nalimutan mo. Dinala ko na lang."