#BYA 1

308 8 4
                                    

#AL

Al ! Look si Dub oh nagpapacute nanaman sayo. hahahaha epic talaga magpacute sayo si Dub mukhang ewan. Tukso ng kaibigan ni alden na si mark sa kanya, nagsitawanan naman ang iba nitong mga kaibigan. Hindi naman ito pinansin ni alden, alam niya kasing inaasar lang ito nila.

Pansinin mo naman kasi si Dub, nagmumukhang tanga na kakapacute sayo e! dagdag pang asar naman ni chris.

Grabee Al ! ikaw na talaga! ang Gwapo mo pre pa kiss nga haha. Ayaw ka pa din tigilan ni Dub patay na patay talaga siya sayo. si kenneth naman ang nagsalita. tinitigan naman sila ni alden ng napakatalim at senyales na iyon para tumigil sila, konti nalang kasi mapipikon na siya . Hindi naman sa ayaw ni alden si Dub as person ang ayaw niya lang dito ay halos maging stalker niya na si Dub kung nasan sila pupunta din dun si Dub atsaka naasar na siya sa pagpapansin nito sa kanya. Halos buong campus na ata nakakaalam na patay na patay si Dub sa kanya obvious na obvious kasi ito
. at dahil dun nakilala niya si Dub

Nasa Campus sila ngayon kung saan sila nag-aaral ng kolehiyo. Naka upo sila sa bench na may table at nasa kabilang bench naman sila Dub medyo malayo layo ito kaya hindi sila nagkakarinigan.

#DUB

hoy Dub tigilan mo na nga kakapabebe mo diyan kay Alden mo. Hindi kanaman pinapansin e. Saway ni cynthia kay Dub na ngayon ay nakalugmok ang mukha na para bang nasapak ng sampung kabayo.

Ang sakit bebe! ang sakit dito o! turo nito sa puso niya. hanggang ngayon hindi niya parin ako napapansin ginawa ko nanaman ang lahat para mapansin niya ko. Pero wa epek pa din. Naiisip ko tuloy napaka panget ko kaya hindi niya ako pinapansin. pag iinarte nito sa mga kaibigan niya

hoy teh ang ganda mo kaya hindi lang nila napapansin kasi kengkoy mo e! sabi naman ni Trix, pero hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa sinabi nito

e anong gusto mo na gawin ko maging mahinhin ako? bebe hindi ko kaya yun ang hirap maging mala maria osawa noh.

Binatukan naman siya ni Rea Tungek maria osawa ka dyan, baka maria clara! Nood pa more

Oy hindi a! naririnig ko lang yun sa mga classmate natin na mga lalaki. pagtatanggol niya sasarili. Palagi kasi nababanggit ng mga classmate niya si maria osawa kaya ayun agad ang pumasok sa utak niya

bebe hindi kaya its about time na para igive-up muna si papa Al. Ang tagal muna kasing mukhang tanga hindi ka parin napapansin niya. Maarteng sabi ng kaibigan ni Dub na bakla na si renzo pero dahil nga bakla siya rea ang tawag nila dito sa kagustuhan na din ni renzo.

Ouch! mukha naba talaga akong tanga? paawa effect nito.

Ayy Hindi! Sarcastic na sagot ng mga kaibigan niya. Hindi na din kasi nila matiis ang kaibigan nila na si Dub. Gusto na nila ipamukha kay Dub na malabo na siya mapansin ni Al naawa na din kasi sila kay Dub ang tagal-tagal na nagpapansin si Dub kay Al, pero ang wa epek pa din sa snaberong Al na yun. Noong una, Go pa sila sa pag chee-cheer kay Dub sa pagpapansin nito kay Al dahil noon lang nila nakita si Dub na magkagusto or parang obsess sa gusto nito. pero habang tumatagal naisip nila na papahirapan lang nila sila Dub kung ipu-push pa nila ito sa snaberong Al na yun.

Ayoko hindi ako susuko kay Al. Bebe Mahal ko na siya alam niyo ba yun Desididong sabi nito sa mga kaibigan niya.

Mahal mo your face! Hindi ka nga pinapansin e! Hindi mo rin nalalapitan, baka nga hindi niya alam na may nag e-exist na Dub sa Mundo. pang titimpi na sabi ni cynthia dito.

Baby You AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon