#DUB
Huli ka balbon ! andyan ka lang pala hindi ka nagsasalita pinahirapan mo pa ako, balak mo pa ako paglakarin kausap nito sa wallet niya. Kanina pa kasi siya ikot ng ikot sa classroom nila nasa pinakasuluksulukan lang pala ito ng room nila. Hindi nito alam kung paano napunta ang wallet niya doon pero sa tingin nito nahulog niya ito nung naghaharutan sila ng mga kaibigan niya bago mag start ang huling subject nila, kilala sila sa room na pinaka makukulit at palaging kung makatawa wagas pag nagsasama sama sila, asahan mo saan saan lumilipad yung mga utak nila pagdating sa mga kalokohan. kakatapos lang ng klase nila pababa na sana siya kasama ang kaibigan niya ng maisip niyang hanapin yung wallet nito ng hindi niya makita pinauna na nito ang mga kaibigan niya at sinabing hintayin nalang siya sa bench na lagi nilang inuupuan.
Hi ! Bati ng binata sa kanya mula sa pinto ng classroom nila. Napalingon naman agad siya sa lalaking bumati sakanya.
Oh hi Mark Masiglang bati nito sa binata tsaka niya nilapitan. Ahm ikaw lang ? sabay galaw ng ulo niya pakaliwa patungo sa kanan. Nakatayo lang naman si mark na pangiti ngiti.
Haha si Al ba! ahm nauna na umuwi e. Pauwi na din naman sana siya ng makita niya si Dub. pinauna niya ng umuwi sila Al kaya siya nalang mag isa naiwan, may ginawa pa kasi itong kalokohan.
Ah ! Malungkot na sagot niya kay Mark. Medyo Busy kasi sila kanina kaya hindi niya nakita si Al. Nakita niya naman ito pero kaninang umaga pa iyon ng ibigay niya yung slamnote kay Al. Yung slamnote pala tapos na kayo ? Nabuhayan niyang tanong, excited na kasi siya mabasa yung slamnote na pinasagutan niya sa kanila lalo na yung magiging sagot ni Al sa sa dedication niya.
Inuwi ni Al, bukas nalang daw niya ibibigay.
Kinilig naman siya dahil sa sinabi ng binata. Gusto niya magtitili sa sobrang kilig kaso hindi niya magawa dahil kaharap niya ngayon ang kaibigan ni Al. Talaga masiglang sagot niya sa binata.
Haha gustong-gusto mo talaga si Al noh ! Amaze na amaze na sabi nito sa dalaga dahil sa labis pagkagusto nito sa kaibigan niya. oo nga at maraming nagkakagusto kay Al pero dahil sa may pagka snabero ang kaibigan niya naiilang na lumapit ang mga nagkakagusto sa kanya , pero iba si Dub matagal na nilang alam na gusto ng dalaga ang kaibigan nito dahil sa sobrang pagka obvious ng dalaga pero kahit palaging dinidedma ni Al si Dub hindi pa din ito sumusuko sa binata.
Hehe masyado na ba akong obvious Para tuloy siyang nahiya bigla, nahihirapan kasi talaga siya itago yung emosyon niya.
Natawa nalang ang binata sa kanya pero hindi niya maiwasan malungkot para sa dalaga ang pagkakaalam kasi nila may ibang nagugustuhan si Al at ang mga tipo nito sa babae ay dalagang dalaga kumilos at opposite nun si Dub. Oo maganda si Dub kaso masyado itong kengkoy. Bakit kasi si Al pa andito naman ako. Sabay wink niya sa dalaga.
Para naman nag init bigla yung pisngi niya. Gwapo din naman ang binata , yun nga lang napaka flirt nito at ayun yung ayaw niya sa lalaki. Haha sige pag na busted ako ni Al, ikaw nalang. Pangsasakay niya sa biro ng binata.
Hahaha sige na nga kahit pang second option mo lang ako. Natawa nalang siya sa binata, mabilis naman naman niya nakagaanan ng loob ang binata dahil sa ugali nitong palabiro.
Wala e! nahuli ka e! haha Biro ulit niya.
Napahawak naman ang binata sa batok niya Oo nga e! Sabi ng binata na parang sobrang nanghihinayang. Pauwi kanaba? hatid na kita
BINABASA MO ANG
Baby You Are
FanfictionBaby you are my dreams, you are my hope, you are my love and Baby you are my heart. Serious Guy + Kengkoy Girl Meet Alden & Dub Loveteam