#BYA 3

130 7 0
                                    

#DUB

Oy bebe gusto mo dalhin na kita sa mental? Bungad sa kanya ni Trix. Nadatnan niya kasi si Dub na ngiti ng ngiti habang titig na titig sa hawak nitong Notebook

Pick up lines ba yan bebe? Tuwang tuwa na tanong nito kay Trix. Sige sige ! Bakit?

Buang hindi! kanina kapa kasi ngiti ng ngiti diyan para kang baliw.

Haha Pwede kay Al muna lang ako dalhin. Kilig na sabi niya kay trix. Napailing nalang si trix sa sinabi niya ang aga-aga kasi si Al agad iniisip. Nasa bench sila ngayon ng campus nila dito kasi lagi sila naghihintayan ng mga kaibigan niya

Ano ba ang nakakatuwa diyan sa Notebook?

Gumawa ako ng Slamnote kilig na kilig na sagot ulit nito kay trix

Ngek! bebe anong feeling mo, highschool ka? Sarcastic na sabi ni trix sa kanya. Sasagot na sana siya ng biglang may sumingit sa kanya

Ano yan bebe? Bungad na tanong sa kanya ni Rea sabay kuha ng notebook sa kanya, kadadating lang nila kasama si Cynthia. Sows ano to photo album mo? Puro picture niya kasi yung nakalagay sa unang page ng notebook niya.

Slamnote yan bebe ginawa ko kagabi hihi

Anong trip nanaman ba yan Dub at nag fee-feeling HighSchool ka Tanong ni Rea na ngayon ay nakaupo na katabi niya, sila cynthia and trix ay kaharap nila

Bebe Hindi yan Trip, Ipapa sign ko yan kay Al. Oh diba brilliant ng Naisip ko haha. Nauna na ako sumagot diyan hihi Tuwang tuwa na sabi niya sa mga kaibigan niya

Bebe kulang nalang Palitan mo yung pangalan mo ni Al Sarcastic na sabi sa kanya ni Cynthia Pano ba naman puro Al yung mga sagot niya

bebe ito pa ang malupit sabi ni trix habang nakatingin din sa slamnote ni Dub

Naloka naman ang mga kaibigan niya sa nabasa nila. Hahaha Lupet mo talaga Dub. Sure kang Gagawin mo to? Pang aasar ni Rea sa kanya

Oo naman! pinag-isipan ko na yan kagabi.

Hala seryoso nga ang buang! kailan kapa naging lalaki ?Sabi ulit ni Rea sa kanya!

Sabi sa libro na nabasa ko ok lang naman daw kung babae ang gagawa niyan! Pagtatanggol niya sa sarili niya.

ok lang sayo na ikaw yung pupunta sa bahay nila na may dalang flowers and chocolates, ikaw maghahatid sundo, tapos ikaw magpapaalam sa parents ng guy kung pwede mo siya idate at mas malala pa ikaw pa ang sasagot ng gagastusin niyo. Amaze na amaze na sabi ni cynthia sa kanya hindi na kasi siya makapaniwala sa pinagsasabi ng buang niyang kaibigan

Trust me magagawa ko yan kay Al Whahah. Napailing nalang ang mga kaibigan niya sa mga kalokohan nito.

Oo na! Ayun na si Al Nakangusong turo ni trix kay Al. Na ngayon ay naglalakad patungo sa bench na malapit lapit sa kanila. Seryoso ang mukha lang ang mukha ng binata pero kahit ganun gwapong gwapo pa din siya dito. Hindi naman talaga laging seryoso lang ang mukha nito, Katulad ng sinasabi ng iba na hindi man lang daw nilang nakikitang ngumingiti ang binata. Sa tagal tagal niya ng tinitignan ang binata nakita niya na ito ngumiti at tumawa tao lang naman din ang binata nagkakaroon ng ibat-ibang emosyon, snobero nga lang talaga ito.

Baby You AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon