BYA 9

113 7 0
                                    


Bebe mukha ka ng tanga diyan kanina kapa ngiti ng ngiti . naasar na sabi sakin ni trix, kanina pa kasi siya tanong ng tanong sakin nginingitian ko lang naman siya bilang tugon. Sariwa pa kasi sakin yung mga nangyari kagabi.


Ayy oo! salamat may kausap ako. sarcastic na sabi niya


bebe maniniwala ka ba na hinatid ako kagabi pauwi ni Alden. kilig na kwento ko sa kanya


Hindi. walang kabuhay buhay niyang sagot, napakunot naman ako ng no. Hindi ba kapakipaniwala na hinatid ako ni papa Alden ko. Wag kang ilusyonada bebe


Totoo nga! hinatid ako pauwi ni papa Alden. Dapat si Tristan maghahatid sakin gamit yung motor niya, kaso biglang dumating si papa Alden. Siya nalang daw maghahatid sakin isa lang daw kasi helmet ni Tristan.


Huwat? Talaga? Totoo?


Tumungo-tungo nalang ako na kilig na kilig. Sakto naman dumating sila Rea and Cynthia na naabutan na naghahampasan. kinikilig kasi talaga ako kaya nahahampas ko si Trix, siya naman gumaganti lang haha. Nagtanong sila kung anong eksena yung nadatnan nila, kilig na kilig na kwinento ko na naman ulit ang nangyari kagabi. At ang mga kumag hindi pa naniwala, sarap nga nila jombagin eh promise! Aba wala ba sila tiwala sa Ganda ko hihi.


Andito kami ngayon sa canteen, Lunch break na kasi namin. Habang kumakain na kami todo tanong sila kung ano pa ang mga nagyari kagabi, paulit-ulit lang din naman ang sagot ko, wala namn kasi ibang nangyari kagabi maliban sa nahuli niya ako na pangiti-ngiti at sinabihan niya ko na mukhang ewan syempre hindi ko na sinabi yun. Aasarin lang ako nila kung sinabi ko pa yun


Maya-maya pa napatingin kaming apat sa pinto ng canteen, ewan ko ba pagdating sakanya ang lakas ng radar ko hehe. Speaking of papa Alden, Gosh nakakatulala talaga siya yung parang wala akong ibang nakikita kung di siya lang. Na miss ko siya, pano ba naman ngayon ko lang siya nakita simula kaninang umaga. Ang Gwapo talaga ng papa Alden ko ang lakas maka MR.POGI hihi. sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makahanap sila ng table.


Uyy bebe mabubusog ka niyan


Kung di lang talaga kasalanan pumatay, napatay ko na si Rea panira ng moment eh! Sinimangutan ko nalang siya tsaka tinuon ang pagkain.


Dub! Look oh! naka ngusong turo ni Trix sa pinto, napatingin naman ako kaagad, si Patricia pala. sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa namalayan ko na lang na naka upo na siya sa tabi ni papa Alden ko.


Ouch! Kailangan talaga magkatabi sila. Gusto ko na mag react kaso naisip ko nakakahiya. Pinagalitan naman ako nila Cynthia , hindi ko na kasi daw masyado nagagalaw yung pagkain ko, pano ba naman pasaway si mata kanina pa sulyap ng sulyap kila Alden and Patricia na kung mag ngitian wagas . Arghh ang landi nila, hindi ba sila marunong makaramdam na may nagseselos sa pinaggagawa nila. Natapos kaming kumain na naglalandian pa din sila at pinapakita niya pa talaga yung dimple niya arggh kainis.


Naglakad ako ng padabog ang paa palabas ng canteen. Ngunit hindi pa kami nakakalapit ng pinto may tumawag na sakin. Hoo! Sumakit paa ko dun ah! akala ko lalabas ako ng canteen ng hindi man lang nila ako mapapansin.

Baby You AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon