#BYA 7

119 9 0
                                    


Hola :) Pa vote, Comment, Share, and Be my Friend. Pretty pretty Please. Hope ma appreciate niyo ang pagiging trying hard ko haha :D

-------------

Bebe san ka galing? Tanong agad saakin ni Cynthia pagkapasok ko sa room. Galing ako ng cr, medyo natagalan lang kasi medyo nag emote pa ako, ang sakit kaya sa dibdib. "Haist sino na ipapakilala ko kila mama na boyfriend ko" Tanong ko sa sarili ko, pero syempre sa isip lang. kaloka nagawa ko pang lokohin yung sarili ko.

Sa puso ni Alden Nakasimangot na sagot ko sa kanila. Napailing nalang sila sakin, hindi na nila nagawang barahin ako subukan lang nila, BH pa naman ako ngayon baka ma jombag ko sila ngayon haha :D

Bebe Maganda ba ako? Nakatingin  na tanong sa kanila. Natahimik muna sila saglit at kunwaring nag isip.

Mabait ka bebe Sagot ni Trix Tinignan ko naman siya ng masama.

Maganda ba ako? Tanong ko ulit ng mahinahon.

Napakabait mo be! Sagot naman ni Cynthia. Aba mga loko to ah! Huminga na muna ako ng malalim

Tanong ko kung maganda ba ako? Pektusan ko kaya sila. Na i-stress kagandahan ko sa kanila e.

Sobranggg bait mo bebe sagot naman ni Rea. Naku Pigilan nawa ako ng mga anghel baka maihulog ko sila sa building para mabasag mga bungo nila. Tinignan ko nalang ulit sila ng masama. Mga abnormal sila hindi man lang sakyan yung kalokohan ko. Ang sama nila sakin. Aba maganda naman ako ah! sabi ng mga magulang ko.

Ewan ko sainyo, ang bubulag niyo. basta alam ko MAGANDA AKO Pagmamalaki ko sa kanila. at aba ang mga loko tinawanan lang ako.

Bebe kilala niyo ba yung Patricia ? Na cucurious tuloy ako sa kanya. Siguro maganda siya.

May kilala ako na Patricia pero hindi ko sure kung siya yung tinutukoy ni Al. sagot ni Trix. Napalapit naman agad ako sa kanya.

dito ba siya nag-aaral?

Yup! Business add yung course niya. Medyo kilala siya kasi Maganda, Sexy, Matalino atsaka tawag sa kanya Dalagang Pilipina. Pino kasi siya kumilos, hindi galawgaw kung baga sophisticated atsaka mabait. Wow huh parang kilalang kilala niya talaga yung Patricia

Ahhh Mahinang sagot ko. Kaya pala! Para akong pinag bagsakan ng langit at lupa sa narinig ko. Mukha talagang wala ako laban dun. Napaupo nalang ulit ako tsaka sinalampak ang mukha ko sa desk ng upuan.

Bebe okay lang yan! Kung ayaw sayo ni Al, andyan naman si Tristan eh! Pang aamo sakin ni Cynthia habang hinahagod hagod ang likod ko. Ouch minsan imbis na gumaan loob ko sa kanila bumibigat lalo eh! AYAW talaga ginamit na word.

Oo na bebe, wag mo na ipag dukdukan sakin na AYAW sakin ni Alden ko huhu Pag iinarte ko.

Bebe tara puntahan natin si Patricia sa building nila Pagyayaya ni Rea samin, Napatingin naman agad ako sa kanya. Anong gagawin namin dun? Gusto ko si Al pero hindi naman ako warfreak para sugurin siya noh!

Buang titignan lang natin siya. Na cucurious kasi ako sa kanya. Sabi niya na parang nabasa yung nasa isip ko. Nagsitanguan naman yung dalawa at excited na sumunod kay rea at dahil curious din ako sumunod nalang ako sa kanila.

*****

Wow! Mahinang sabi ni Rea. Napatulala nalang kaming tatlo ng makita namin siya, hindi na natulala si Trix dahil hindi niya na first time nakita si Patricia pero kita mo pa din sa kanya ang paghanga kay Patricia. Tama nga siya Maganda at Sexy si Patricia at Napaka feminine pa kung kumilos at ang gaganda pa ng mga ngiti nito. Hindi na nakapagtataka kung bakit nagustuhan siya ni Alden.

Baby You AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon