#BYA11

115 6 3
                                    


SHOCKS!


HOO! Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko kung sino humawak sa braso ko, muntikan na mawala kaluluwa ko dun ah! Si Al ang...... Wait si Alden! ano ginagawa niya dito?


Tinakot mo ko, hindi kaba marunong magsalita? Dapat tinawag mo muna ako bago ka manghawak ng braso nakakawala ka ng kaluluwa eh!


Bakit nandito kapa? Masungit na tanong niya. GRR Pwede kahit ngayon lang makutusan ko siya makapag sungit wagas. sinimangutan ko na lang siya bilang tugon, hindi ba obvious wala ako masakyan.


Maya-maya pa napansin ko na may kinukuha siya sa bag niya, tinignan ko lang siya saglit bago tinuon ulit ang paningin sa kalsada. grabe kailan pa nawalan ng masasakyan, nilalamig na ako medyo basa na din sapatos ko naanggihan kasi ang lakas ng hangin at ulan.


suotin mo to. abot niya sakin ng jacket at tsinelas. aba boys scout ang peg. ang payat mo kasi kaya madali kang lamigin. wow huh! anong connect siya na maganda katawan. naasar na kinuha ko na lang yung jacket at tsinelas tsaka umupo sa upuan ng waiting shed.


naiilang na tinanggal ko yung sapatos, pano ba naman nakatingin siya sakin, tsaka naiilang din ako baka kasi mabaho paa ko nabasa kasi hihi, baka maamoy niya nakakahiya. pasimple kong inamoy yung paa ko hihi. pagkahubad ko ng sapatos sinuot ko na yung tsinelas niya na malaki sakin tsaka sinunod yung jacket. napangiti nalang ako ng igil kinikilig kasi ako hihi, ang bango ng jacket niya. akalain mo yun kahit masungit may pagka gentleman din pala yung kumag. gosh sagad sagad kilig ko ngayon, feeling ko kayakap ko siya ihhhhhhhhh, gosh ang harot ko nahihiya tuloy ako.


dahil sa sobrang kilig ko hindi ko namalayan na wala na pala yung lalaking kanina pa ako tinitignan, base sa pangangatawan niya mukhang kasing edad ko lang siya, hindi ko kasi nakikita mukha niya naka cap kasi siya tapos balot na balot pa yung katawan, stalker ko kaya yun? gosh kaya mahirap maging maganda eh. chosss haha :D


Nakatalikod na sakin ngayon si Al habang nakapasok yung dalawang kamay niya sa pocket ng pants niya na animoy naghihintay ng masasakyan. tsk bakit naman siya maghihintay ng masasakyan,eh may sarili siyang sasakyan. tahimik ko na lang siyang pinagmasdan, tagal ko na siyang pinagmamasdan mula sa malayo pero hindi pa din ako nagsasawa, parang lagi siyang fresh sa paningin ko. akala ko dati hanggang tingin nalang ako pero ito ngayon kasama ko siya at kilala niya pa ako, pero nagkataon lang siguro na nandito siya ngayon kasama ko. haist! hanggang pangarap nalang ba talaga kita? naalala ko nanaman kanina ng magkasama sila ni patricia, ewan ko ba sobrang afeected ako dun. speaking of patricia asan nga pala siya? kasama niya kanina yun ah!


Nasan si patricia? nagtatakang tanong ko


sinundo na ni sam. tipid niyang sagot na ni hindi man lang tumingin sakin. tumungo-tungo nalang ako kahit hindi niya naman nakikita sino si sam? gusto ko sanang tanungin kaso nahihiya ako baka sungitan niya nanaman ako.


tumayo kana. nagtatakang sinunod ko yung sinabi niya. maya-maya pa may humintong jeep sa harap namin, magmamadaling sasakay na sana ako ng pigilan niya ako, binuksan niya yung payong tsaka naglakad kami pasakay ng jeep, akala ko hahatid niya lang ako, kaso laking pagtataka ko ng sumakay din siya. magkatabi kaming umupo sa upuan ng jeep. nagtatakang tinignan ko siya, tinignan niya lang naman ako na parang wala lang.

Baby You AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon