#Maine POVHoy bakla anong eksena mo dun kanina? May pa snob snob kapa nalalaman, naawa tuloy ako kay Papa Al. Naka ngusong sabi sakin ni Rea. Nasa Bench kami ngayon, dito kami agad dumiretso pag kagaling namin sa building nung patricia. E kasi naman hindi ko naman gustong snobin si Papa Alden ko, kaso kinain lang talaga ako masyado ng selos ko kanina. Buti pa si Patricia close niya samantalang ako hindi.
Buang ka bebe! Pinansin ka na nga ni Al nag inarte kapa. Dagdag na sabi naman ni Cynthia sakin. Hindi ko naman nalang sila pinansin. Wala kasi ako sa mood. Naasar ako sa kanila ni patricia. Alam niya naman na gusto ko siya tapos papakita niya pa saakin na naglalandian sila nung patricia.
Natapos ang araw ko na nakabusangot pa din ang mukha, pinilit naman ako nila Rea na patawanin pero wa epek pa din, sinabi din nila na kalimutan ko na lang daw si Papa Alden ko. Loko ba sila ayoko nga hihi. Syempre tampururot ko lang to noh, kahit inisnob ko siya kanina gusto ko pa din siya.
Papunta kami ng Gym ng school namin ngayon, nagyaya kasi muna sila pumunta dun bago daw kami umuwi, may pagnanasahan lang daw si bakla, syempre ako naman pumayag kunwari pinagbigyan ko lang siya pero ang totoo gusto ko makita si Papa Alden pero tampo pa din ako sa kanya, ang landi niya kasi. e kung ako nalang nilalandi niya, edi masaya pa ko.
Pagdating namin sa Gym medyo nagulat ako medyo madami dami kasi yung studyante, May practice game pala ng basketball malapit na kasi ang laban nila.
Napatingin naman ako sa may hawak ng bola, si tristan. Napatingin ito sakin tsaka shoot niya ng bola.
Wooooh ang galing mo tristan Rinig ko na sigaw ng babae, Naka 3 points kasi siya. Ang galing talaga ni tristan, pumalakpak naman ako ng malakas tsaka sigaw ng "Go tristan" tumingin naman siya sakin tsaka ngumiti, yung iba naman na studyante napatingin sakin. Wew agaw atensyon ako kaya napatago nalang ako sa likod ng mga kaibigan ko. Nakakahiya baka isipin may gusto ako kay tristan, e wala naman. Gusto ko lang naman siya i cheer kasi feeling close ako, choos! close naman talaga kami ni tristan mabait naman kasi siya hindi siya mahirap maging close hindi tulad ni papa Alden ko. Haist!
DUB! Rinig ko na tawag sakin ng lalaki. Nagpalinga linga naman ako para hanapin kung sino man ang tumawag sa maganda kong pangalan.
Ng mapatingin ako sa likod, Shocks si papa Alden ko, si mark pala ang tumawag sakin sinenyasan niya naman na umupo kami sa tabi nila. Bakante pa kasi yung upuan na tabi nila, pano ba naman hindi mababakante maka upo sila parang kanila yung upuan, Si papa Alden ko nakatagilid ito tsaka naka sandal habang yung isang paa naka unat sa upuan yung isa naman nakatiklop mala model ba, seryoso lang ito habang hawak hawak ang cellphone naglalaro nanaman siguro. Shocks! gwapo niya talaga.
Tinulak naman ako nila Rea ng mahina para maunang maglakad. Yayy nahihiya ako, pero syempre dahil gusto lumapit sa kanya naglakad na din ako pero kunwari nahihiya pa ko. Syempre gusto ko maging dalagang pilipina ako sa paningin niya.
Dito nalang kayo umupo para masaya. Nakakalokong bungad na sabi samin ni mark ng todo ngiti. Magkakatabi sila Chris, kenneth and mark si Alden naman nasa likod nila.
Parang kilig na kilig naman na umupo si Rea sa tabi ni mark, sumunod naman umupo sila trix and cynthia. Mauupo na sana ako sa tabi ni cynthia kaso pinigilan ako ni mark pinapaupo niya ko sa tabi niya. Ang pwesto namin si Chris, kenneth, ako, mark, rea, trix, and cynthia si Papa Alden sa likod.
Suporter ka din pala ni tristan birong sabi sakin ni Mark.
Haha oo naman ang galing niya kaya.
BINABASA MO ANG
Baby You Are
FanfictionBaby you are my dreams, you are my hope, you are my love and Baby you are my heart. Serious Guy + Kengkoy Girl Meet Alden & Dub Loveteam