Chapter 26: It's not the same. Anymore.

619 2 0
                                    

Chapter 26: It’s not the same. ANYMORE.

Graduation na bukas.

Happy?

Ako?

Langya.

Sobra.

Sobrang saya ko.

Tss.

Plano ko pa naman na pakasalan na si Allison right after ng grad.

Pero…

Wala.

Nasira lahat ng plano ko.

Nasira ng lintik na Ryan na yan.

Kung sino man sya at nagkaharp kami, sisiguraduhin kong manghihiram sya ng mukha sa aso.

Damn. Heto na naman ako. Tss.

Kelan ba sya maalis sa isip ko.

Lintek!

“Kyle, here, oh. Ginawa ko para sa’yo.” Sabi ng isang sophomore na babae.

Isang letter.

“Thanks.” Sabi ko ta’s nginitian ko.

Well.

Halos araw-araw na nandito ko sa canteen, may lalapit na babae at magbibigay ng kung anu-ano sa’kin na hindi ko naman ginagalaw at kadalasang sina Spencer pa ang nakikinabang.

Tulad n lang ng cake na nilalamutak na nila ngayon na galing sa batchmate namin.

Kalat na sa buong campus ang hiwalayan namin pati ang pagbubuntis nya.

Syempre, dineny ko yun.

Wala kasi sya.

Ilang araw na din syang hindi pumapasok.

Kaya ako na lang.

Ako na lang magtatanggol sa kanya.

Sa parang kaya ko.

Mabuti nga napaniwala ko sila. Tss.

“Pare, ang sarap nung cake. Ayaw mo?” Sabi ni Jhake tsaka uminom ng tubig.

“Sige lang.”

“Mahiya nga kayo. Sa kanya Ibinigay pero tayo ang kumakain.” Sabi ni Spencer tsaka lumunok.

“Ulol. Kumakain ka din, noh? Kaya h’wag kang magreklamo tsaka ayos lang naman, di ba, Kyle?” Tanong ni Wind na panay pa rin ang nguya.

“Oo. Pakabusog lang kayo.”

“Alam mo, inuman na lang tayo mamaya.” Sabi ni Spencer.

“Oo nga. Para makalimutan nya na rin si Allison. *pak* Aray, pare. Batukan ba ko?” –Wind

“H’wag na ngang banggitin, di ba?” –Spencer

“Ay, Oo nga pala. Sorry, Kyle.” –Wind.

“Grad. Na bukas. Di pwedeng mamayang gabi.”

“Mild lang. *pak* Spencer! Nakakadalawa ka na, ah.” –Wind.

“Sabi nga kasing di pwede, eh.” –Spencer.

“After graduation na lang kaya, Kyle?” –Jhake.

“Oo nga, noh? Ba’t di ko naisip yun.” –Wind.

“Wala ka kasing isip, gago.” –Spencer.

“Asa ka namang meron ka.” –Wind.

“Oh sige. Treat ko.”

"My Destiny."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon