Chapter 4

27 0 0
                                    

Chapter 4

[ Leonelle's POV ]

"Leo wake up now! You're gonna be late for school!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

Am I dreaming?

"Leo! Don't make me go there and get you! Dalaga ka na, you should know how to be responsible. Or atleast set an alarm to wake yourself up!"

"Dafuq?" I cussed silently. I thought I just heard mom's voice. Bumalik nalang ako sa pagkakahiga.

"LEO, ISA!"

Dang! Hindi ko lang guni-guni yun. It was mommy! They're back!

Agad akong napabalikwas sa kama at inayos muna ng bahagya ang sarili ko sa tapat ng salamin. Dalidali kong sinuot ag bra ko at bumaba para makita sila.

"Maaaaaaa!"

I rushed down the stairs and hugged her.

"I missed you! What brings you here?! Where's daddy?" Walang preno kong tanong habang kumukuha ng hotdog sa lamesa.

Ang aga nila mag hain. Maaga rin siguro nagising si yaya.

Mom answered, "Im sorry but Im only gonna be here for two days, honey. May kinailangan lang ako asikasuhin para sa div----business namin ng daddy mo".

Bigla namang nabura ang ngiti sa mukha ko.

Ano bang bago?

Kelan ba sila nagkaoras sakin?

Hay. I shouldn't have asked. But I smell something more fishy, napapadalas kasi ang uwi ni Mommy dito ng hindi kasama si Dad.

I suddenly asked "Ma, about daddy.."

"He can't make it, he's busy" Mom hurriedly said this as she cut my words.

"Thought so." I said to myself.

"I guess I'll have to go upstairs and fix myself, I still have school, you know"

"I know. Take care of your self, honey." Mom said as she stood up to kiss my forehead.

While walking upstairs, I paused after I saw our old family picture.

"What was I thinking? Tsk."

Napailing naman ako.

Alam ko naman na imposible kami mabuo, last time kaming nag samasama eh nung 7th birthday ko pa. mag sasampung taon na ang nakalipas. I left a sigh and walked again towards my room.

Ako nga pala si Leonelle Grey Castro. Leo for short. 16 na ko, Grade 9 na, nag aaral ako sa St. John the Beloved Academy may K-12 kasi sa pinapasukan ko, bali parang 3rd year HS na din. Next year, Junior High na ko.

Bestfriends ko sina Panch Anthony Banyes, isang kabogerang bakla at si Pol Dreyan Reyes, gwapo. Since grade 4 kami na ang magkakasama. I am not the so-nice-type ng isang babae. Di rin ako ganon ka aloof sa mga tao, mapili lang talaga ako sa mga kaibigan.

Kasi sa panahon ngayon, madaming sinungaling.

Madaming manloloko.

Madaming manggagancho.

Madaming rapist.

Madaming opurtunista.

Madaming budulbudol.

Madaming jejemon.

Madaming mandurugas.

Madaming walang hiya.

Madaming nang iiwan sa ere.

Madaming ipagpapalit ka sa iba. Madaming...

Teka. May pinanghuhugutan?! Tss. Haha.

Basta ayun. Mapili lang talaga ako sa tao na pakikisamahan ko. I prefer boys. Why? Because most of them, MOST, won't turn their backs against you.

Sa mundo ng mga lalaki di uso ang plastikan.

That's what I like about them. They are straight forward, oo kung oo, hindi kung hindi. Di tulad ng mga babae na madaming segway.

Isa pa, masaya lang talaga magkaron ng LOYAL GUY BESTFRIENDS.Oops. Don't ge me wrong okay?

HINDI AKO LESBIAN.

First of all, kaya ganyan ang pangalan ko eh dahil sa parents ko. May kaya kami, pero ayaw nilang gawin akong spoiled.

Ayaw nilang maging bratinella ako kaya bata palng ako siniksik na nila sa utak ko na wag mag asta prinsesa, na wag maging maarte.

Lagi din kasi sila wala, kaya kelangan ko maging malakas. Maging matibay. At matuto tumayo sa sarili kong mga paa.

Sige na, baka saan pa mapunta tong usapan na to. Maliligo na ko at malelate na ko...

_________

After 1234457483735 minutes, natapos ma rin ako maligo. Sarap sa feeling! Hayyyy!

Nagbihis muna ako ng uniform, at humarap sa salamin.

Hindi naman ako yung tipo ng babae na madaming keme sa katawan, pero hindi din ako dugyutin. Simple lang talaga ako.

Konting powder.

Konting lotion.

Perfume.

Tapos nagsuklay na ko ng buhok.

Hindi naman ako nahihirapan mag patuyo kasi hanggang baba ng balikat lang ang buhok ko, di ko nakaugaliang magpahaba ng buhok hanggang pwet oh bewang gaya ng iba. Psh.

Kukunin ko na yung bag ko nang..

*HOOOOONK! HOOONK!*

Sumilip ako sa bintana. At di ako nagkamali..

Andyan na yung dalawang kumag.

Yung mga bestfriends ko, sinusundo na ko. Sabay sabay kasi kami pumapasok sa school eversince. Ü

" Bakla ang kupad mo! Late na tayo! " narinig kong sigaw ni Panch. Pinakamagandang bakla sa ilalim----este sa balat ng lupa. Haha!

Hindi na ko sumagot. Ayokong masira ang vocal chords ko dahil sa baklitang yon.

Di ko pala nabanggit kanina, I can sing. Hell yeah! I have a very good voice, pero konti lang ang nakakaalam nun. ^___^

Binuksan ko na yung gate. Bumungad sakin ang isang bago, pero simpleng kotse.

" Wow Chevrolet! Lupet mo Drey! " sabi ko.

" Syempre, malakas ata ako sa tatay ko. Hop in. " ani ng bestfriend kong gwapo..pero wala akong gusto sakanya no. Baka siya meron! Charot. Haha.

Mga kotse kasi ang business ng family nila, kaya maluwag sakanya pag datig sa mga kotse.

Saka 17 na siya kaya mayroon na siyang student license.

Binuksan ko na yung pintuan ng backseat. Si Dreyan kasi ang nagddrive, tapos katabi niya si Bakla.

Buti nga hindi siya naiirita eh..

Kasi naman, you know na. Yung ibang lalaki allergic sa mga bading. Pero si Drey hindi. Lalo na pag dating kay Panch. Para na kasing mag kakapatid ang turingan namin.

* to be continued *

My Past, My Present, My FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon