intro.
nakaupo ako sa may bleachers ng court, dito ako tumatambay kapag hinihintay ko ang sundo ko, nandito kasi crush ko ayie ayie landi wutdafuq.
kasalukuyan akong nagcecellphone nang may kumulbit sa'kkn.
"ate, crush mo raw ako," nakangising sabi ng lakaking nasa harapan ko. si axis, ang crush ko.
ayie ayie.
"luh what the fuck no," pagtatanggi ko.
"weh, ay, ay, nahaba ang ilong!" sabi niya at marahang pinisil ang ilong ko sabay tawa.
"hayop ka, 'wag ka ngang feeler, 'di tayo close!" sabi ko at hinampas ang kamay niyang nakapisik sa ilong ko.
"wag ka na kasing magdeny, huling huli ka na, e! umamin ka nalang, dali. aamin din ako," sabi niya sabay kindat ngiting makakalaglag napkin, hindi panty kasi laos na 'yun. tiyaka ano, matagal ng nahulog panty ko.
"aamin akong hindi kita gusto," sabi niya at tumawa ng tumawa.
sinamaan ko lang siya ng tingin, pa-fall amputa.
matapos ang ilang minuto ay finally, nakarecover na siya sa kaniyang pagtawa.
"hindi kita gusto... kasi mahal kita," sabi niya't kumindat muli, this time, may lipbite pa. matapos ay tumawa na naman siya, mas malakas na kaysa kanina.
"kinikilig ayie! ate 'wag pong pdk!" sabi niya habang tumatawa pa rin.
"pdk? anong katangahan 'yon?" tanong ko.
"public display of kilig. kilig na kilig ka sa'kin, e!" at siyempre matapos niyang sabihin iyon ay tumawa na naman siya ng tumawa.
tss, public display of kilig, neknek niya.
hindi kaya ako kinikilig!
medyo lang. ahihihi.
---
» okaE OKAE BAGO NIYO SABIHING 'MAY BAGONG STORY NA NAMAN SI TINKEO E DINISCONTINUE NA NGA NIYA YUNG THE BRO CODE, HINDI NIYA PA INUUPDATE YUNG MULTIFLY TAPOS ANG BAGAL NG UPDATES NG #TEAMCHARISMA?'Lemme explain ehehehe. so discontinued na ang the bro code, so wala ng update-an and I might delete that soon. as for multifly, ehehe 'di ko na 'rin po itutuloy pft.
Etong bagong story na'to, 'di ko alam kung mapapanindigan ko ba pero please give it a try HAHAHA okae.
BINABASA MO ANG
Public Display of Kilig | Teen Fiction
ChickLit↻ where two individuals show 'pdk' // teen fiction.⟩ "ate 'wag pong pdk!" "pdk? anong katangahan 'yun?" "public display of kilig. kilig na kilig ka sa'kin e!"