xviii.

296 34 15
                                    

xviii.

"teka nga pucha, bitawan niyo muna ko!" sigaw ko sa dalawa.

"ganito nalang, ang unang makakarating sa mcdo, 9am sa saturday, tatadyakan ko siya at magda-date kami," sabi ko.

"niloloko mo ikaw? ako nalang i-date mo tapos siya tadyakan mo baby girl," sabi ni xiris. dumali na naman 'tong putanginang 'to.

inirapan ko nalang silang dalawa at umalis na.

*

ang tagal naman no'ng mga hinayupak na 'yon. 11 na, wala pa rin sila jusko.

kumain nalang muna ulit ako habang naghihintay.

"avery! avery!" napalingon ako sa sumigaw sa tapat ng front entrance, si axis.

"avery! nandito na rin ako!" napalingon naman ako sa sumigaw sa may back entrance, si xiris.

sabay silang tumakbo papunta sa'kin.

"ang aga ng 9am niyo ah, mga gagong 'to," ismid ko. nakailang order na ata ako, tiyaka lang sila dumating.

"sorry, nastuck ako sa elevator ng dalawang oras, nasira kasi, leche," sabi ni axis.

"eh ano pa 'ko? mahigit dalawang oras akong nakatayo!" sambit naman ni xiris.

"bakit? sa mrt?" tanong ni axis.

"gago hindi, nastuck din ako! mahigit dalawang oras akong nakatayo kasi nasira 'yung escalator."


» five more chapters to go? idk.

Public Display of Kilig | Teen FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon