xiv.

287 37 7
                                    

xiv.

"avery my sugarbabes, saltbabes, pepper—" bulaga sa'kin ng hinayupak na'to.

"ay peymus si ate snob," sabi niya pa dahil nilagpasan ko lang siya at nagtungo sa locker ko para kumuha ng gamit bago magsimula ang first period.

"avery my honey, my honey syrup, maple syrup," pagkukulit niya pa.

"avery my baby, my ate, my mommy, my lola— hoy avery aba why you no pansin me?" patuloy parin akong nag-aayos ng locker.

"avery naman," sabi niya.

"ano bang kailangan mo, axis? deretsuhin mo nalang ako," kalmado kong sabi habang ginugulo ang locker ko para ayusin ko ulit. parang ayoko pa kasing umalis e.

"ikaw," sabi niya at nakita ko sa peripherial vision ko ang pagkindat niya, pero kasunod nito ang pagsimangot.

"avery, may problema ba? ay wait!" biglang lumiwanag ang mukha niya.

"avery pili ka, ano mas maganda?" tanong niya sa'kin kaya napatingin ako sa kaniya, may hawak siyang red and white rose, pareho kong paborito.

pero dahil may bagay na dapat akong kalimutan sa mga puting rosas,

"red," sabi ko at bumalik sa pagjombag ng locker ko.

"sige, salamat avery! baka sakali kasing parehas kayo ng taste ni samantha—" napatigil siya sa biglang pagsara ko ng locker ng malakas.

tarantado.

agad ko nalang siyang nilagpasan at nagtungo sa classroom ko.

pagkaupo ko sa upuan ko, naalala kong hindi pala ako nakakuha ng gamit dahil sa inis.

paglabas ko ng classroom, umasa akong hinabol niya 'ko para magsorry, pero nakiga ko nalang siya sa malayo na kausap si samantha.

ge tangina magsama kayo. magbbreak din kayo sa 23 mga tarantado.

bumalik ako sa locker ko para kumuha ng gamit, nabigla ako sa sticky note na nakadikit sa locker ko at isang red rose na nakatape.

kung may nagawa man ako, i'm sorry.

si axis kaya 'to? imposible, kay samantha niya nga ibibigay 'yung red rose di ba?

---
» long time no fabness hays #SAdAcquohBh3

Public Display of Kilig | Teen FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon