xvi.

337 31 5
                                    

xvi.

"avery naman," pagsusuyo sa'kin ni axis, dalawang linggo ko na siyang hindi pinapansin.

patuloy lang akong naglalakad, wala akong intensyong pansinin siya, manigas siya diyan.

"averyw, bakit ba hin—" naputol ang sinasabi niya nang may umakbay sa'king damuho.

damuho kasi tangina sino nagbigay sakaniya ng permisyon para akbayan ang napakaganda kong balikat?! tiyaka damuho rin siya kasi nakashades ang puta, wow kuya taas ng araw sa loob ng cafeteria ah.

"sino 'to?" kunot-noong tanong ni axis.

"fiancée niya, bakit?" ako naman ngayon ang napakunot ng noo at napatingin sa katabi ko.

"anong—" naputol ang sinasabi ko nang maglakad siya, dahil nakaakbay siya sa'kin, nadala ako.

nabigla ako sa paghawak ni axis sa braso ko kaya napatigil at napalingon ako.

nakita kong bumuka na ang bibig niya at magsasalita na sana nang tawagin siya ni samantha kaya napalingon siya.

"may sasabihin ka ba? kung wala aalis na'ko," inis kong sabi at winasiwas ang kamay niya sa braso ko.

sa muli, umasa kong susundundan niya 'ko, pero syempre nando'n si samantha, asa pa.

at dahil nasa cafeteria kami, hinigit ko 'tong damuhong 'to paupo.

"sino ka bang damuho ka?" bungad ko sakaniya.

ngumisi lang siya at tinanggal ang shades niya.

putangina.

"hi baby girl," sabi niya sabay kindat.

putangina talaga. baby girl is so two years ago.

"missed me baby girl?" sabi niya pa ulit.

"tangina mo, anong ginagawa mo dito?!" bungad ko sakaniya.

"aren't you happy to see me, baby girl?" aniya.

"tigil-tigilan mo nga ako baby girl na 'yan! punyeta," sabi ko.

"still the same avery like two years ago," sabi niya at ngumiti.

"stop bringing back the past, dumbass."

"ang bitter mo naman sa'kin, you're my fiancée, you should be happy to see me," ngumisi na naman siya.

"anong fiancée ka diyan? my parents already called of the marriage!" sabi ko.

"and will you please lower down your voice? walang ibang nakakaalam ng financial status ko," sabi ko pa.

"why would they call off the marriage?" tanong niya, nakangisi parin.

"they called it off because— because..." hindi ko matuloy kasi—

"because i'm dead, right? no, no, they thought i'm dead, am I right?" todo ngisi siya.

"hehe," sabi ko nalang at nagpeace sign.

"punyeta ka talaga avery, kaya pala paggising ko one day, ang daming white flowers na galing sa pamilya mo, they sent them as condolences kasi binalita mo palang nadulas ako at nabagok," aniya.

oo nga pala hehehehe.

"I already told tita and tito lahat ng pinagagagawa mo and they settled to push through the marriage. next next week na ang engagement natin, pero ang kasal pagkagraduate pa. pero baka excited ka, pwede naman padaliin natin 'yung kasa— aw baby girl, para sa'n 'yon?" aniya matapos kong hampasin 'yung noo niya.

"ugh, putangina ka talaga, valiant xiris crawford!" sigaw ko.

"mahal na mahal mo talaga ako 'no, baby girl? tandang tanda mo pa full name ko e," sabi niya at kumindat sabay ngisi.

ugh putangina 'to hayop na'to, sana maging tilapia 'to paggising niya bukas.

---
» the fabness is REAAALL AND IT WILL
NEVER STOP AAAH wtf. hehe new character maahahwhaawahahahwbdkfoflxnabaoepddn sabog amputa.

Public Display of Kilig | Teen FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon