xi.

331 39 14
                                    

xi.

"ugh!" inis kong sabi sabay hampas ng kamay sa lamesa.

"ugh ugh ugh isa pa---" binatukan ko na si axis bago pa niya matuloy 'yung kabalastugan niya.

"putangina nagrereview ako, bumalik ka nalang at mamaya mo akong kulitin please?" pagmamakaawa ko dahil quarterly exams na namin bukas, at wala pa akong naaral.

"shet pinapabalik mo'ko mamaya, sabi na nga ba gusto mo rin ako, e. sige, babalikan nalang kita, mwah mwah chup chup," nakangiting sabi niya.

napangiwi naman ako, "tangina naman. 'di ba may iba ka namang gusto? sino 'yun? si ano, 'yung samantha ata. bakit 'di ka sakaniya pumunta? bakit ako kinukuli---" napatigil ako nang awatin mo'ko.

"wag ka ngang ganiyan, babe. anong gusto ko siya? saan mo naman nakuha 'yun? sino ba lagi kong kinukulit para lang makasama siya? sino ba 'yung nasa harapan ko ngayon? ngayon, sino ba 'yung gusto ko? ikaw. ikaw, at ikaw lang," ngumiti siya.

napatigil ako, hindi ko alam kung anong irereacy ko. normally, dapat tinatadyakan ko na siya ngayon, pero ewan, iba 'yung nararamdaman ko.

nagulat ako ng bigla siyang tumayo.

"joke lang. sige balik nalang ako mamaya, kukulitin ko pa si samantha, shet ang ganda niya talaga! ge goodluck nalang," sabi niya sabay takbo palayo.

may breast cancer ata ako, bakit masakit 'yung bandang kaliwa ng dibdib ko.

---
» LONG TIME NO UPDATE ULI EHEHEHEHE K.

Public Display of Kilig | Teen FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon