xix.
dismissal na kaya lumabas na ako ng room para ilagay ang mga gamit ko.
kasalukuyan akong nag-aayos nang may nakabangga sa'king mga babae na nagtitilian at tumatakbo.
"putangina salamat sa sorry!" ismid ko bago pulutin ang mga libro kong nagkalat sa sahig.
napasigaw naman ako nang may mga nakaaapak sa kamay ko, gaya ng mga babae ay natakbo rin sila.
"punyatero ano bang meron?!" sigaw ko ngunit walang pumapansin sakin.
kaya basta nalang ko lang pinasok sa locker ko ang mga libro ko at sumabay sa mga nagtatakbuhan.
ilang sandali ay nakarating na ako sa field.
napatigil ako nang madatnan ako ang isang pamilyar na eksena.
bumagyo ng rose petals, at may lalaki sa dulo na may hawak na cartolina.
parang dati lang.
pero ngayon, hindi na ako 'yung babaeng nakatayo sa harapan niya, at hindi na pangalan ko ang isinisigaw niya.
SAMANTHA, MAHAL NA MAHAL KITA!
nagtilian ang lahat, habang si samantha naman ay nakangiti.
hinintay ko ang pagbaliktad ng cartolina, ngunit nang ibaliktad ni axis, hindi joke ang nakasulat, kundi,
AKIN KA NALANG?
—
» averis or averis— i mean averis (avery&axis) or averis (avery&xiris)? ako kasi averis e, WTF
BINABASA MO ANG
Public Display of Kilig | Teen Fiction
ChickLit↻ where two individuals show 'pdk' // teen fiction.⟩ "ate 'wag pong pdk!" "pdk? anong katangahan 'yun?" "public display of kilig. kilig na kilig ka sa'kin e!"