v.
"ave---"
"putangina mo tigilan mo'ko," sabi ko kay axis bago niya ako malapitan.
tangina paasa naman 'tong hayop na'to e.
"gusto---"
"kitang patayin," sabi ko at lumakad palayo, nakasunod pa rin siya sa'kin.
"mahal---"
"ang bigas, kaya tantanan mo na'ko, batuhin kita ng rice cooker e!"
"putang---"
"ina mo hayop ka layuan mo'ko!"
"aver---"
"hayop---" hindi ko natuloy ang pagputol sa sinasabi niya nang halikan niya 'ko.
PUTANGINA.
joke lang 'yun, tinakpan niya lang ang bibig ko gamit kamay niya.
#sadlyf
matapos niyang takpan ang bibig ko, inikot niya 'ko kaya nakatalikod ako ngayon sa kaniya habang hawak niya pa rin ang bibig ko.
"kidnap 'to, akin na puso mo," sabi niya at nagtutok ng eraser sa tagiliran ko.
kakagatin ko na dapat ang kamay niya nang bitawan niya ko at hawaka ang dalawa kong kamag sa likod ko, tinalian niya ito ng sinulid na galing sa bulsa niya.
"pulis 'to, you're underarrest, ninakaw mo puso ko."
oh lord, pa'no ba hindi kiligin?
---
» iniimagine ko HAHAHAHA kaso nasa korea amp---

BINABASA MO ANG
Public Display of Kilig | Teen Fiction
Chick-Lit↻ where two individuals show 'pdk' // teen fiction.⟩ "ate 'wag pong pdk!" "pdk? anong katangahan 'yun?" "public display of kilig. kilig na kilig ka sa'kin e!"