ix.

407 43 9
                                    

ix.

nakasakay ako sa kotse namin, papunta akong school at hinahatid ako ng driver namin.

nakatunganga lang ako sa may bintana,

isa... dalawa... tatlo...

binibilang ko ang pagpatak ng ulan sa bintana ng kotse, kasabay ng mga ito ang pagpatak ng luha sa mga mata ko---

ew no, juk onli.

nakasakay ako sa trycicle at nakakain ko na ang buhok ko sa sobrang hangin. hindi rin naulan, napakainit nga, pwede na'kong magkaheatstroke.

"putangina ang init!" reklamo ko.

"sorry ineng, masyado kasi akong hot," biglang sabi ng driver ng trycicle na mukhang humihithit ng rugby't permanent marker.

"oh talaga 'tol? kaya pala nasunog ka," ala-bumbay ang peg ng balat ni kuya, itabi mo sa black na cartolina hindi mo na siya makikita.

bumamaba ako at nang magbabayad na sana ako, narealize kong wala akong dalang wallet, tanging limang piso lang ang nasa bulsa ko at isang ballpen at isang pirasong papel kais hindi ako nagdadala ng bag.

saglit akong tumalikod kay kuya at nagdrawing ng fifty pesos sa papel at ginusot ito.

"kuya, keep the change," sabi ko at binigay kay kuya ang papel sabay takbo.

hindi naman na ako nahabol ni kuya dahil napakabilis ko. sabi ni mama pinaglihi raw ako sa butiki.

tangina.

pagdating ko sa school ay nakita ko na agad si axis mylabsosweet na ang sarap ingudngod sa pader dahil isa siyang paasa.

"axis! sabay tayo maglunch ah? bye!" sabi ko at nagflying kiss pa bago muling kumaripas ng takbo papuntang room.

*

"magkopyahan nalang kayo sa exam para pumasa kayo, sige goodluck," sabi ni ms. pantita na guro namin sa math bago lumayas ng room.

nag-aayos ako ng gamit nang makaramdam ako ng akbay.

"babe, tara na?" nakangising sabi ng poging demonyong naggangalang axis sa'kin.

hindi na'ko magpapaapekto sa mga ganyan mo, masakit umasa #patayinangmgapaasa

"sure, bebe couhxzx, let's eat," sabi ko at hinawakan ang kamay niya at hinigit siya sa cafetera.

pagdating namin sa cafeteria ay namumula siya.

"HAHAHAHA TANGINA AXIS AMPULA MO!" pinagtawanan ko siya.

halatang kinikilig ang gago.

"nakakakilig ka kasi puta," seryosong sabi niya.

napalunok naman ako, syet ba't parang seryoso nga siya.

"l-lul, ha ha ha, tara na nga kain na tayo!" sabi ko nalang at muli siyang hinigit paupo sa lamesa, este sa upuan.

"oy, pa'no tayo kakain? e hindi ka naman bumili," sabi niya.

"sus, easy," sabi ko at tumingin sa mga taong nadaan.

nang may dumaan sa harap namin ang dalawang babaeng may dalang pizza, inagaw ko ito, kasabay nito ang pag-agaw ko sa dalawang softdrinks ng dalawang lalaking kadadaan lang rin.

"kain na, babe," natatawang sabi ko.

"avery, mag-usap tayo," seryoso na muling sabi.

tumango nalang ako habang lumalantak ng pizza.

"crush mo ba 'ko? realtalk," tanong niya.

aamin ba 'ko? sige na nga, pag pinagtawanan niya 'ko, sasabihin ko nalang na nakikisakay lang ako sa trip niya.

"yasssss!" sabi ko.

napangiti naman siya, "crush din kita, e!" sabi niya.

napangiti rin ako, kaso nawala iyon nang mapalitan ng ngisi ang kaniyang ngiti.

bigla siyang tumayo sa upuan, "omg mga vhe crush daw ako ni avery oh shet!" sigaw niya kaya nagtilian at tawanan ang lahat ng nasa cafeteria.

hindi na'ko naakpektuhan bui, belat belat.

"wag mo namang ipagkalat axis! secret lang dapat natin 'yon, e!" sigaw ko at ngumisi.

bigla siyang napatingin sa'kin.

hah, boom peyns ka ngayon.

"ayie namumula si axis!" sigaw ng isa mga mga tao sa cafeteria.

i'm so great, shet.

---
» tagal kong di nag-ud huhuhu busy ehehehe.

Public Display of Kilig | Teen FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon