Please join our group
Sisterakaz KimXi
Thanks^_^
Dedicated to AronBeatriz
Thanks sa vote and comment^_^
*****Chapter 6*****
*Darwin's Pov*
Ang saya ng date namin ni Shen ko.Kahit simpleng date lang yun,masaya parin kasi kasama ko sya.
Nanuod kami ng sine horror movie pinanuod namin,para kung matakot man sya mapapayakap sya sakin,hahaha.Kaso mahilig pala ang babaeng yun sa horror ni hindi man lang nagulat at natakot,sira ang plano ko.
Habang bc sya sa panunuod kunwaring inaantok ako,humikab ako sabay uminat inat at saka ko sya pasimpleng inakbayan,hindi naman sya nagreklamo.
Pagkatapos namin manuod ng movie,niyaya ko syang kumain.Tinanung nya ako kung pwedeng sya na mamili ng restaurant,pinagbigyan ko naman sya.
Nang makarating kami sa restaurant agad kaming omorder ng pagkain,sya na pinapili ko kung anu-anu ang kakainin namin.Laking gulat ko na umorder sya ng pagkaing kahit sa panaginip ko hindi ko kaya kainin.Umorder lang naman sya ng ampalaya at dinuguan,omg daming pwedeng orderin bakit yan pa?sabi ko sa sarili ko,bibitayin yata ako ng babaeng to.
Maya-maya lang dumating na ang inorder nya,ang lamig ng pawis ko,parang nawala ang gutom ko.
"Bakit ayaw mo pang kumain?"tanung nya.
"Ah,eh,busog ako,"sagot ko.
Bigla nalang nya akong sinubuan ng dinuguan,kinain ko nalang,baka magalit sya.Halos masuka ako.Grabe sya lang nakagawa nito sakin.
"Masarap diba?" tanung nya.
"Oo,"sagot ko nalang sabay ngiti.
"Kain kana masarap naman pala",sabi nya.
"Wala akong nagawa kundi kumain",tiklop talaga ako kay Shen.
Masarap naman pala ang dinuguan,kadiri lang tingnan,ang ampalaya masarap din kahit mapait,habang tumatagal sumarap na hindi gaya kanina,halos masuka na ako.Bilib na ko sakanya,napakain nya ko nun.Pasalamat sya mahal ko sya.
Pagkatapos naming kumain hinatid ko na sya,gabi na din kasi.Nang makarating kami sakanila hindi nya na akong niyayang bumaba at tumuloy sa bahay nila baka daw magulat ang parents nya alam daw kasi nila na wala syang boyfriend.
Bago sya bumaba,hinawakan ko ang kamay nya,sabay nakaw ng halik sa pisngi nya,na ikinagulat nya.
Nakahawak lang sya sa pisngi nya,sabay sabing "ewwwww!,kadiri ka kumain ka kaya ng dinuguan,yuck,ngayon kapa nagnakaw ng halik,dapat noon pa,sabay tawa,natawa nalang din ako at bumaba na sya ng kotse.Bye!pogi "paalam nya,
"Bye!Shen" sabi ko.
Nang makapasok na sya ng gate saka ako umalis.Sabi ko naman sainyo masaya ang date namin kahit simple lang.
*Bahay nila Clouie*
"Anak buti umuwi kana,ohh,bakit sambakul mukha mo?"tanung ni Aling Mirna.
"Pagod lang po,Ma,"sagot ni Clouie.
"May nagpadala nga pala sayo ng bulaklak,sabi ni Aling Mirna",sabay bigay ng bouquet of roses.
"Kaninu po yan galing?"tanung ni Clouie.
"Walang sinabi yung delivery boy,may card yan basahin mo nalang",sagot ni Aling Mirna.

BINABASA MO ANG
Ohh My Gosh!!!!
Teen FictionPrologue.............. May babae talagang sadyang man hater BAKIT?hindi ko din alam siguro sadyang may pinaghuhugutan lang at may lalakeng gagawin ang lahat mapa-inlove lang ang pinakamamahal, Dyan magsisimula ang nakakaloka at nakakainlove na kwe...