Ohh My Gosh:Chapter 9- The Kiss!?!?

584 11 3
                                    

Thanks sa mga silent readers,Thanks sa mga active na nagvote at comment sa Chapter 8,Salamat sa mga kinikilig at nagagandahan sa OMG ^_^

Dedicated to LeonnyHopeRafael thanks sa mga Vote^_^

*****Chapter 9*****

*Shen's Pov

Kakakilig talaga alalahanin yung araw na sinagot ko si Darwin.Mahilig talaga sya sa surprise.Kahit pinagod nya ako nung araw na yun,okie lang kinilig naman ako,hahaha ang landi ko lang.Hindi na ako nagpakipot ng araw na yun,agad ko syang sinagot, hindi na uso sa panahon ngayon ang masyadong pakipot hahaha.Matagal na rin naman syang nanligaw sa akin,5 months din syang nag tsyaga ligawan ako, kahit alam na naman nya siguro na nagpapakipot lang naman ako,ganun talaga noh babae ako kailangan suyuin masyado,arte ko lang at ang pinaka importanteng dahilan kung bakit ko sya sinagot ay dahil masaya ako na kasama sya at syempre MAHAL KO SYA.

Nandito kami ngayon ng aking boyfie sa school sa may garden kung saan ko sya sinagot.Sina Clouie at Stephen nasa canteen.Si Chris nasa gym,naghahanap yata ng mga pogi,kotang kota na naman si bakla sa mga pogi sa gym.

Nakaupo lang kami sa damuhan,feeling namin nasa park lang kami.Masarap kasing tumambay dito mahangin at saka special samin tong garden.Ang sweet lang namin parang lalanggamin na kami dito.Nakaupo kami habang nakayakap sya sakin,nasa likod ko sya nararamdaman kong hinahalikan at inaamoy nya ang buhok ko.

Biglang nilagay nya ang kanya mukha sa balikat ko sabay sabing "I love you" at sabay halik sa pisngi ko. 

OMG kinikilig ako,ang lakas ng tibok ng puso ko. 

"I love you too",sabi ko sabay halik din sa pisngi nya.

Pbb teens lang kami dito.Maya-maya lang bumalik na kami sa klase.Hinatid nya ako sa room namin ni Clouie.Nag good bye!kiss sya,nagblush ako hahaha,kala nyo 1st boy friend kung kiligin ako, ganun talaga wag ng kumontra,hahaha.

*Stephen's Pov*

Ang saya namin kanina ni Clouie kaming dalawa lang ang kumain sa canteen,wala yung tatlo,solong solo ko si Clouie kanina,hahaha.

Ang cute talaga ni Clouie lalo na pag nakangiti ang ganda ng dimple nya.Sweet na sweet kaming kumain kanina,nagsusubuan pa kami ng pagkain feeling ko kami na,feeling lang naman.Masaya na akong ganito kami kahit hindi pa nya ako sinasagot atleast hindi na sya mataray sa akin.

Papunta kami ni Clouie ngayon sa bahay namin, ipapakilala ko sya kay Mamhu.Ayaw pa nga nyang pumayag kanina,nahihiya daw sya buti nalang napilit ko sya,makulit ako eh.Alam na din nya na gay si Mamhu baka kasi magulat sya.Sana magustuhan sya ni Mamhu.Mabait naman si Mamhu,kinikilatis lang talaga nyang mabuti lahat ng mga naging girl friends ko kung karapat dapat daw sa akin,madami daw kasing mang gagamit at manloloko sa panahon ngayon.

*Mansion nila Stephen*

"Tara na Clouie,pasok na tayo sa loob",yaya ni Stephen.

"Kinakabahan ako,pwede bang sa ibang araw nalang,pati baka magulat yun hindi pa naman tayo",sabi ni Clouie.

"Alam na ni Mamhu na pupunta ka.Gusto ka nga nyang makilala.Wag kang kabahan akong bahala sayo",sabi ni Stephen sabay hawak sa kamay ni Clouie.

Pumasok na sina Stephen at Clouie sa loob,habang magkaholding hands.

"Mamhu sya si Clouie",sabi ni Stephen.

"Hi",bati ng Mamhu ni Stephen kay Clouie,sabay beso-beso.

"Hello po",bati ni Clouie.

Ohh My Gosh!!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon