Dedicated to math_mba2005
Thanks sa Vote and Comment^_^
*****Chapter 13*****
*Stephen's Pov*
Masaya at naaasar ako ngayong araw na ito.Nandito na ako sa amin.Masaya ako dahil nakasama ko si Clouie kanina,ang sweet lang namin,sana lageng ganun nalang kami,walang asungot.Naaasar ako dahil napapalapit na naman si Jayson kay Clouie.
Aaminin kong nagselos ako kanina ng makita ko sina Clouie at Jayson na nag-uusap,lalo na ng yakapin ni Jayson si Clouie,normal lang naman sa nag mamahal ang magselos.
Ayokong mapalapit si Clouie kay Jayson.Ayokong saktan nya ulit si Clouie.
*School/Class Room*
"Clouie may nagpapabigay sayo,"sabi ni Mary Clarette,sabay abot ng bulaklak kay Clouie.
"Kaninu galing?"tanung ni Clouie.
"Kay Jayson,"sagot ni Mary Clarette.
"Anu yan teh,nanliligaw?"tanung ni Shen.
"Ewan ko",sagot ni Clouie.
Lumipas ang ilang oras break time na nila.
"Hay,sa wakas makakakain na din tayo,kanina pa kumukulo ang tyan ko sa gutom,"sabi ni Shen,nakahawak ito sakanyang tyan.
*Canteen*
"Hi babhie,"bati ni Darwin kay Shen,sabay halik sa pisngi ni Shen.
"Hello,"ganting bati ni Shen.
"Hello Clouie,"bati ni Stephen.Inalalayan nyang umupo si Clouie saka sya umupo sa pwesto nya.
Maya-maya lang dumating si Jayson na may dalang pagkain.
"Pwede bang makishare sainyo?wala na kasing pwesto,"tanung at sabi ni Jayson.
"Sure,"sabi ni Clouie.
Umupo na si Jayson.Nakatitig ng masama sakanya si Stephen.
Sweet na sweet na kumakain sina Darwin at Shen.
"Ito nga pala ang burger mo",sabi ni Stephen.
"Salamat,"sabi ni Clouie.
"Clouie,para sayo,diba favorite mo yan,"sabi ni Jayson,binigay nito ang dala-dala nyang macaroni salad.
"Salamat,"sabi ni Clouie.
Halatang may tensyon sa pagitan nila Stephen at Jayson.Nagsusukatan sila ng tingin.Enjoy na enjoy lang sa pag kain si Clouie.
Susubuan sana ni Jayson si Clouie ng pag kain pero naunahan sya ni Stephen.Kinain naman ni Clouie ang sinubo sakanyang pancit ni Stephen.Ang sama ng tingin ni Jayson,habang nag ngingitian lang sina Clouie at Stephen na para bang silang dalawa lang ng mga oras na iyon.
*School/Garden*
Hinihintay ni Stephen si Clouie dahil uwian na nila.Ihahatid ni Stephen si Clouie sa bahay ng dalaga.Bigla namang sumulpot si Jayson.
"Pwede ba lubayan mo si Clouie, "maangas na sabi ni Jayson.
"Bakit ko naman sya lulubayan?ang pag kakaalam ko hindi na kayo kaya wala kanang karapatan sakanya Pare,"mahinahon ngunit madiing sabi ni Stephen.
"Nagkakamali ka yata ng pagkakaalam hindi kami nag break,kaya inuutos ko sayong lubayan sya,"sabi ni Jayson.
"Yun ba ang pinanghahawakan mo pare,matagal na yun.Ikaw ang lumayo kay Clouie kung ayaw mong sabihin ko sakanyang nagpapanggap kalang na ikaw ang secret admirer nya,"sabi ni Stephen.
"Hindi maniniwala sa iyo yun,dahil hanggang ngayon tangang nagmamahal parin sa akin yun,"mayabang na sabi ni Jayson.
Sa inis ni Stephen sinuntok nya si Jayson,gumanti naman si Jayson.Madami narin nanunuod sakanila na para bang may taping.
"Stephen,Jayson tama na,"awat ni Clouie.Tumigil naman agad ang dalawa.
"Sorry Clouie,"sabay na sabi ng dalawa.
"Umalis kana Jayson.Hanggang ngayon wala ka paring ginawang matino,"taas kilay na sabi ni Clouie.
"Sya ang unang nanugod,yang lalaking yan pa ang kinakampihan mo,"sabi ni Jayson.
"Tama na Jayson.Tigilan mo na ako,narinig kong lahat ng pinag-usapan nyo,"sabi ni Clouie.
Sa asar ni Jayson umalis na sya,pero bago sya umalis tiningnan nya muna ng maangas na tingin si Stephen na para bang manunugod.Dahil dumadami narin ang tao umalis na rin sina Clouie at Stephen.
Nakasakay na sila ngayon sa kotse ni Stephen.
"May dugo ang labi mo,"nag-aalalang sabi ni Clouie.
Mabuti nalang may panglinis ng sugat sa kotse ni Stephen.Kinuha agad ito ni Clouie at agad nilinis ang dumudugo at putok na labi ni Stephen.Nakatitig kay Clouie si Stephen,konti lang ang pagitan ng layo nilang dalawa.Aakalain nyong mag hahalikan sila dahil sa sobrang lapit nila sa isa't-isa.
"Thank you,"sabi ni Stephen,habang hawak-hawak nya ang kamay ni Clouie na hanggang ngayon ginagamot parin ang duguang labi ni Stephen.
"Your Welcome,"sabi ni Clouie.
Nagkasalubong ng tingin ang dalawa,ilang segundo din silang nagkatitigan ng mailang si Clouie,sya na ang umiwas ng tingin.
"Paano mo nalaman na hindi si Jayson ang secret admirer ko?"tanung ni Clouie.
"Wag kang magalit Clouie.Ako talaga ang secret admirer mo,"paliwanag ni Stephen.
Lihim na napangiti si Clouie.
"Sorry kung hindi ko agad sinabi sayo,sobrang special mo sa akin kaya ko ginawa yun, "sabi ni Stephen.
Niyakap ni Clouie si Stephen,na ikinagulat ni Stephen.
0_0
"Sorry talaga,"sabi ni Stephen,hinihimas nito ang likod ni Clouie.
Bumitaw na si Clouie sa pagkakayakap nila ni Stephen.
"Ssssshhhhh..........hindi mo kailangan mag sorry.Salamat dahil ngayon sigurado na ako sa nararamdaman ko,"sweet na sabi ni Clouie,nakahawak ang kanyang dalawang kamay sa mukha ni Stephen.
0_0
*Kung sinu man ang may pinaka maganda at mahabang comment sa Chapter na ito,sakanya namin idededicate ang next Chapter*
Vote And
Comment
Thanks^_^
Please Join Our Group
for the Update Thanks^_^
Sisterakaz KimXi
BINABASA MO ANG
Ohh My Gosh!!!!
TeenfikcePrologue.............. May babae talagang sadyang man hater BAKIT?hindi ko din alam siguro sadyang may pinaghuhugutan lang at may lalakeng gagawin ang lahat mapa-inlove lang ang pinakamamahal, Dyan magsisimula ang nakakaloka at nakakainlove na kwe...