*****Chapter 10*****
*Clouie's Pov*
Grabe nakakahiya talaga yung nangyari kanina.Bakit kasi ang lampa ko,nahulog tuloy ako sa bus,grrrrr kainis.Kung pwede lang sa isang pitik ko lang mawala ako sa kinatatayuan ko kanina,ginawa ko na,nakakahiya kay Stephen pati sa lahat ng nakakita,hays.
Bakit?ganun ramdam ko parin ang labi ni Stephen,hindi naman ganito ang naramdaman ko dati nung nagkiss kami ng ex boyfriend ko.Sobrang lakas ng kabog ng puso ko kanina.
Andito ako ngayon sa room namin nila Shen pati ng iba kong classmate,nag-aayos kami ng mga gamit namin, parang ayoko ng lumabas at magkulong nalang ako dito.Lakas talaga mang-asar ni Shen kanina pa ako inaasar.
"Grabe teh,nagkiss na kayo ni Stephen,nauna talaga ang kiss,kaysa sa sagutan",pang-asar sakin ni Shen.
"Hindi naman sadya yun,nahulog lang talaga ako",sabi ko.
1:52pm
"Kahit na,kiss parin yun,5second,ayieee,tagal din nun huh,inunahan nyo pa kami ng babhie ko",sabi ni Shen habang tumatawa ng nakakaloko.
"Magtigil ka nga,puro ka biro",sabi ko.
"Bakit kasi ayaw mo pa syang sagutin?",tanung nya.
"Darating din tayo dyan",sabi ko.
"Aba kailan naman yun?baka parehas na kayong chonda saka mo lang sya sagutin",sabi ni Shen.
Nagpaalam nalang ako kay Shen na mag cr lang ako para tumigil na sya sa pang-aasar sa akin.Nakatingin ako ngayon sa salamin hawak-hawak ko ang labi ko.Kinikilig ako pag naaalala ko yung nangyari kanina.OMG,may gayuma ba ang halik ni Stephen,bakit hinahanap hanap ko?kanina lang yun nangyari adik agad ako sa kiss nya,hahaha.Anu ba Clouie ang landi mo na,sabi ko sa sarili ko,habang tinatapik-tapik ko ang mukha ko,para magising naman ako sa katotohanang aksidente lang yung nangyari kanina.
*Stephen's Pov*
Tulala ako ngayon,habang ang mga kasama ko dito sa room kanya-kanyang ayos ng mga gamit nila.Bigla nalang may kumalabit sa akin,pero hindi ko pinansin,iniisip ko si Clouie ang lambot ng mga labi nya.Maya-maya lang may nambato sa akin ng unan.Sinu paba edi ang loko-loko kong best friend.
"Hoy,pare tulala ka dyan,hawak-hawak mo pa yang labi mo,para kang naingkanto dyan",sabi ni Darwin.
Nagulat ako sa sinabi nya,nakahawak nga ako sa labi ko,buti nalang si Darwin lang ang nakakita.Inayos ko ang sarili ko.Tawa ng tawa si Darwin.
"Pare magtigil ka nga,nakakaloko ka",sabi ko.
"Ikaw naman hindi na mabiro,nainggit lang ako sa inyo ni Clouie",sabi ni Darwin.
"Aksidente lang yun,kayo nga ang nakakainggit ni Shen",sabi ko.
"Hindi pa naman kami nagkiss sa lips pero kayo kanina sapul na sapul ang pagkakadikit ng mga labi nyo",sabi ni Darwin.
Hindi nalang ako nagsalita,kunwari hindi ko narinig ang mga sinabi ni Darwin,nag-ayos nalang ako ng mga gamit ko,pero sa totoo lang kinikilig talaga ako sa mga nangyari kanina.
"Pare tara na sunduin na natin sina Shen sa room nila",sabi ni Darwin.
"Nahihiya ako kay Clouie,baka mailang na yun sa akin",sabi ko.

BINABASA MO ANG
Ohh My Gosh!!!!
Teen FictionPrologue.............. May babae talagang sadyang man hater BAKIT?hindi ko din alam siguro sadyang may pinaghuhugutan lang at may lalakeng gagawin ang lahat mapa-inlove lang ang pinakamamahal, Dyan magsisimula ang nakakaloka at nakakainlove na kwe...