Chapter One

4.8K 117 3
                                    

NAKASUBSOB ang mukha ni C.C sa sandamakmak na papeles na nasa harapan niya. Hindi na niya malaman kung ano ang uunahing basahin. Kung ang financial report ba o yung report tungkol sa mga nagkakaproblema nilang makina o yung tungkol sa mga nagpi-piket nilang trabahador. Hindi na rin niya matiis na pakinggan ang boses ng assistant niya na wala nang ibang ginawa kundi ipaalala sa kanya ang kanyang schedule para sa araw na 'yon.

"Could you please shut up?" hindi na niya natiis na bulyaw sa assistant, "Kanina pa 'ko natotorete sa boses mo! Paulit-ulit ka na lang. I already heard you earlier kaya bakit kailangan mo pang ulit-ulitin sa 'kin 'yang bwisit na schedule na 'yan?"

"S-sorry Ma'am, akala ko lang po kasi hindi niyo ako narinig." halos magkanda-bulol-bulol na wika nito.

"Anong tingin mo sa 'kin? Bingi? Pwede ba, lumabas ka na nga lang. Lalo lang sumasakit ang ulo ko sa 'yo eh."

"Y-yes Ma'am."

Nang makalabas ito ay pasalampak siyang sumandal sa swivel chair. Ayaw naman talaga niyang sigawan ang assistant, alam niyang ginagawa lamang nito ang trabaho nito pero mas lalo lang kasi itong dumadagdag sa sakit ng ulo niya. Napatingin siya sa mga papeles na nasa harapan. Ngali-ngali na niya yung itapon sa shredder. Pero kahit magkapunit-punit pa ang mga papeles na 'yon, hindi pa rin mawawala ang mga problemang kinakaharap ng kumpanya.

Nahaharap sa isang matinding suliranin ang textile company na pagmamay-ari ng pamilya nila. Wala man lang siyang ideya na ilang taon na rin pala itong nalulugi. A year ago ay kumuha ng isang malaking loan sa bangko ang Daddy niya, hoping that maaari pa nitong maisalba ang kumpanya. Pero wala ding nangyari, nagpatuloy pa rin sa pagkalugi ang kumpanya.

Dahil sa sobrang abala ang Daddy niya sa pag-aayos ng mga problema ng kumpanya, hindi na nito napansin ang unti-unting pag-deteriorate ng kalusugan nito. Hanggang sa isang araw ay bigla na lang itong inatake sa puso. It was a fatal stroke and it instantly killed him. Sa kanya nito iniwan ang pangangalaga ng kumpanya. Kaya siya tuloy ngayon ang tumatayong CEO at acting president.

Isang marahas na buntung-hininga ang pinakawalan niya.

Damn it, Dad! I'm a pianist not some damn businesswoman. Anong alam ko sa pagpapatakbo ng kumpanya?

Bigla na naman siyang nakaramdam ng lungkot nang maalala ang ama. Tatlong buwan na ang nakakalipas simula noong namatay ito pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Nasa rehearsal siya noon para sa kanyang grand concert na gaganapin sa PICC nang matanggap niya ang tawag tungkol sa nangyari sa tatay niya. Dali-dali siyang pumunta sa ospital pero huli na ang lahat. Pagdating niya doon ay wala na ito.

She and her father were never close. Wala na kasi itong ibang inatupag kundi ang pagtatrabaho. Iniisip nga niya lagi noon kung paano nakakatagal dito ang nanay niya. But nevertheless, msasabi niyang naging maayos naman ang relasyon niya sa ama. Sinusuway lang niya ito kapag meron itong pinapagawa sa kanya na hindi niya gusto o kapag meron itong ipinipilit na ayaw niya.

Madalas silang nag-aaway kapag meron siyang Chinese tradition na hindi sinusunod. Purong Chinese kasi ang tatay niya kaya mahigpit ito pagdating sa mga tradisyon. Kaya sobrang nagalit ito sa kanya nang bigla na lang siyang mabuntis eight years ago. She was only eighteen back then. Kung hindi lang siguro dahil sa pagmamaka-awa ng nanay niya ay baka tuluyan na siyang itinakwil ng ama.

Nagkaayos lang sila ng kanyang ama nang makapanganak siya. Lalaki ang naging anak niya kaya sobrang natuwa ang tatay niya. Para kasi sa mga Chinese, importante ang unang anak na lalaki. Kung nagkataon siguro na naging babae ang anak niya, malabong magkaayos pa sila ng ama.

Napangiti siya nang maalala ang anak. Mikel will soon turn eight. Napakatalino ng anak niya at napakabibo. Sobrang ipinagmamalaki niya talaga ito. Nang dumating ito sa buhay niya ay dito na umikot ang kanyang mundo. Unti-unti ay nabawasan ang pagiging immature niya. Hindi na siya gumagawa ng mga makasariling desisyon. Pinag-iisipan na niyang mabuti ang lahat ng bagay na ginagawa niya. Dahil hindi na lang siya ang maapektuhan sa mga ginagawa niya, pati ito ay maapektuhan rin.

Betting Hearts: Memories in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon