Chapter Five

3.5K 95 1
                                    

NAGMAMADALI sa pagbaba ng kanyang kwarto si C.C. Araw ng Linggo, may usapan sila ni Zero na magkikita ngayon. Kagabi pa siya excited. Sabi kasi ni Zero ay meron daw itong importanteng taong ipapakilala sa kanya. Napangiti siya nang maalala ang binata. Pagkatapos nung insidente sa may music room, dalawang linggo na ang nakakaraan, mas lalo pa silang naging malapit nito. Mas naging sweet ito sa kanya at mas maasikaso.

Hanggang ngayon hindi pa rin niya mapigilang mamula kapag naaalala niya ang ginawa nitong paghalik sa kanya. Gusto niyang itanong dito kung meron bang ibang ibig-sabihin ang halik na 'yon. Pero hindi niya magawang magtanong dito. Natatakot kasi siya sa posibleng maging sagot nito. What if he did it just for the heck of it? Hindi yata niya matatanggap kung 'yon nga ang dahilan nito.

Lalo na ngayon na siguradong-sigurado na siya na mahal niya ito. Para ngang mas lumalalim pa ang nararamdaman niya dito sa paglipas ng mga araw.

Kahit na hindi magsalita si Zero alam niyang meron din itong espesyal na nararamdaman para sa kanya. Nakikita niya 'yon sa mga mata nito at sa paraan ng pakikitungo nito sa kanya. Even though their not officially together, parang magkasintahan na rin sila because of how they acted towards each other.

Masaya na siya sa kung anumang relasyon meron sila ngayon. Pero alam niyang darating rin ang araw na hindi na sasapat 'yon at hihiling siya ng mas higit pa sa kung anumang meron sila.

Pagkababa niya ng hagdanan ay eksakto namang pagbukas ng pintuan ng study at iniluwal no'n ang kanyang ama.

Napakunot ang noo nito nang makita siyang nakabihis. "Saan ka pupunta?"

"Ah... may lakad po kami nina Alice at Nia." Pagsisinungaling niya.

"Masyado yatang dumadalas ang paglabas-labas niyong magkakaibigan ah. Hindi ka na tumitigil dito sa bahay."

"Hon, hayaan mo na 'yang anak mo. Hindi naman gagawa ng kalokohan 'yan and besides, kilala naman natin yung mga kasama niya." Wika ng ina na kalalabas lang ng kusina.

Lumapit siya sa ina at hinalikan ito sa pisngi. "Thanks Ma," hinalikan niya rin sa pisngi ang ama. "Sige po, mauuna na ako."

Lumabas na siya ng bahay. Nagu-guilty man siya dahil kailangan niyang magsinungaling sa mga magulang, hindi naman niya pwedeng sabihin sa mga ito kung sino talaga ang kasama niya. Tiyak niyang hindi siya papayagang umalis ng mga ito. At sigurado siyang magagalit ng sobra ang Papa niya.

Pumapayag lang naman ang Papa niya na makipag-date siya kung ang ka-date niya ay isang purong Chinese. Katunayan nga, yung dalawang past boyfriends niya ay parehong Chinese na inireto lang sa kanya ng Papa niya. Kaya siguro hindi nagtagal ang relasyon niya sa mga 'yon.

Kung sakali man na malaman ng ama niya ang tungkol kay Zero, gagawin niya ang lahat para ipaglaban ang lalaki. That she was sure of.

SAKAY ng taxi ay nagtungo na siya sa tagpuan nila ni Zero. Hindi siya makapagdala ng sariling sasakyan dahil hindi naman siya marunong magmaneho. Hindi naman siya pwedeng magpahatid sa driver nila dahil baka makita pa nito si Zero at isumbong lang siya sa tatay niya.

Malayo pa lang ang sasakyan ay nakita na niya si Zero na nakatayo sa labas ng coffee shop kung saan sila magkikita. Pinatigil niya ang sasakyan sa tapat nito.

"Hi!" bati niya dito pagkababa niya ng taxi.

Agad itong ngumiti nang makita siya. "You're late."

"No, I'm not. Masyado ka lang maaga. Anyway, saan mo ba ako balak dalhin ngayon at sino ba itong gusto mong ipakilala sa 'kin?"

"I'll tell you later. But first, samahan mo muna ako sa flower shop." Inilahad nito ang kamay sa kanya, "So, shall we?"

Bagaman naiintriga pa rin siya sa kung anong binabalak nito ay tinanggap pa rin niya ng walang tanong ang kamay nitong nakalahad sa kanya. Kahit ilang beses na silang nag-holding hands, hindi pa rin niya mapigilang makaramdam ng kilig sa tuwing hahawakan nito ang kamay niya. Alam niyang she was acting like a lovestruck teenager but she couldn't care less.

Betting Hearts: Memories in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon