PILIT na iwinaksi ni Zero ang mga ala-ala ng nakaraan na nanumbalik sa kanya. Sumilip siya sa bintana ng kanyang bachelor's pad. Malakas ang ulan sa labas. Napabuntung-hininga siya. Kapag ganito talagang umuulan hindi niya mapigilang alalahanin ang mga pangyayari sa nakaraan niya na kung maaari ay ayaw na niyang balikan.
Pagkatapos niyang malaman na pinaglaruan lang siya ni C.C, he was really devastated. He was on the brink of losing himself. Noon lang niya naranasan na makaramdam ng gano'ng klaseng sakit. It was intolerable. Ang gusto na lang niyang gawin no'n ay takasan ang lahat. Then like some heaven's blessing, kinabukasan ay may isang matandang Amerikano ang dumalaw sa bahay niya. Madami itong kasamang bodyguards.
Nagpakilala ang matanda bilang si Charles Rampel. Ayon dito ay ito ang lolo niya, ang ama ng tatay niya na nang-iwan sa kanyang ina. Matagal na daw siya nitong hinahanap. Mag-isa na lang daw kasi ito sa buhay dahil ang ama niya na nag-iisa nitong anak ay ilang taon na ring pumanaw. Siya na lang daw ang natitirang kamag-anak ng matanda.
Noong umpisa ay ayaw niya talagang maniwala. Pero nang ipakita nito ang larawan ng tatay niya ay wala na siyang nagawa kundi maniwala. Paano ba naman, para silang pinagbiyak na bunga ng ama. Hindi maitatanggi na anak siya nito.
Hiniling ng lolo niya na sumama na siya dito pabalik sa Amerika. Mabilis naman siyang napapayag nito. Dahil una, wala na rin naman siyang maiiwan dito sa Pilipinas at isa pa, gusto rin naman niyang makasama ang matanda. Ito na lang kasi ang tangi niyang kamag-anak. Pero alam niyang nakatulong ng malaki sa desisyon niyang pag-alis ang nangyari sa kanila ni C.C.
Pagdating sa Amerika ay saka lang niya nalaman na napakayaman pala ng pamilya ng tatay niya. Nagmamay-ari ang mga ito ng napakaraming negosyo. Sabi ng lolo niya pagdating ng araw ay siya na ang mamamahala ng lahat ng 'yon.
Doon na niya tinapos ang kanyang pag-aaral. Nang makapagtapos siya ay sinimulan na niya ang kanyang training bilang susunod na CEO ng Rampel Corporation. Pagkalipas lamang ng dalawang taon ay ibinigay na sa kanya ng lolo niya ang pamamahala sa isa sa mga kumpanya na hawak nila. Dahil sa taglay niyang natural business sense ay matagumpay niyang napamahalaan ang nasabing kumpanya.
Masasabi na nga sigurong perpekto ang buhay niya. Kung hindi lang dahil sa masaklap na katotohanan na kahit walong taon na ang lumipas ay hindi pa rin niya magawang alisin sa sistema niya ang babaeng nagbigay sa kanya ng matinding pasakit. Kahit na anong gawin niya hindi niya ito magawang kalimutan. Iniisip na lang niya na dahil 'yon sa tindi ng nararamdaman niyang galit para dito. But he really doubted it was that. Pero mas nanaisin pa niya na 'yon ang dahilan kesa sa isipin na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ito.
In eight years, madami nang dumaang babae sa buhay niya. But all of those women were just for fun. Wala siyang sineryoso ni isa man sa mga ito. Hindi dahil sa ayaw na niyang magmahal muli but because of the simple reason that none of those wemen were able to move his heart.
He hated himself dahil hindi niya magawang buksan ang puso niya sa mga babaeng nakilala. But when he saw C.C earlier in the restaurant, he instantly knew the answer why.
Two months ago ay pinabalik siya dito ng lolo niya para sa expansion ng Rampel Corporation dito sa bansa. Malaki ang ginawa niyang pagtutol nung umpisa. Kung maaari lang kasi ay ayaw na talaga niyang bumalik sa Pilipinas. Pero sa bandang huli ay wala na siyang nagawa kundi pumayag.
Unang araw pa lang niya sa opisina ay pinagtuunan na agad niya ng pansin ang mga report na ginawa ng secretary niyang si Leo. At isa nga sa mga 'yon ang planong pagtake-over ng kumpanya nila sa Lim Textile Mills. Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na 'yon ang kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya nina C.C.
Ayon sa report ay ilang taon na ring nalulugi ang kumpanya. Isang buwan na rin ang nakakalipas ng pumanaw si Arnulfo Lim, ang CEO at presidente ng kumpanya. Pumalit dito ang nag-iisang anak nitong babae. Agad siyang nagtaka, ayon na rin kasi sa naririnig niyang mga balita ay isa nang matagumpay na pianista ngayon si C.C at hindi isang businesswoman.
BINABASA MO ANG
Betting Hearts: Memories in the Rain
Short StoryC.C was considered as one of the spoiled princesses in their university. Pero kahit minsan, hindi niya tinuring ang sarili niya na gano'n. She may be unreasonable and hard-headed pero kahit minsan hindi pa siya naghangad ng kahit na ano para sa sa...