Chapter Six

3.6K 93 3
                                    

ILANG sandali pa ay nasa tapat na sila ng bahay ni Zero. Parang nadoble pa ang nararamdamang excitement ni C.C. Hindi gano'n kalaki ang bahay, pero hindi naman siya nag-e-expect ng magarbo at sobrang gandang bahay. Alam naman niya na mula lang sa isang simpleng pamilya si Zero. At simula nang mamatay ang nanay nito ay mag-isa na lang ito sa buhay.

"Pasok ka." Wika ng binata na pumasok na sa loob.

Dagli naman siyang sumunod dito. Pagpasok sa loob ay inilibot niya ang paningin sa paligid. Maayos ang loob ng bahay. Malinis at nasa ayos ang lahat. Napangiti siya. Karamihan kasi ng mga lalaking kilala niya ay burara pero base sa nakikita niya nagyon, sigurado siyang hindi kabilang si Zero sa mga lalaking 'yon.

"C.C," tawag sa kanya ng binata. Nilingon niya ito at nakita niya ang hawak nitong damit. "Para sa 'yo. Ito na lang muna ang gamitin mo. Kay Nanay 'to. Wala naman kasi akong ibang damit na pambabae dito."

Hindi man lang niya napansin na nakakuha na pala ito ng damit para sa kanya. Kinuha niya ang hawak nitong damit. "Salamat."

"Nando'n yung banyo sa may kusina, do'n ka na lang magpalit."

Agad na siyang pumunta sa banyo. Habang nagpapalit ay biglang pumasok sa isip niya na silang dalawa lamang ang tao sa bahay na 'yon. Bigla siyang pinamulahan. Dali-dali niyang pinalis ang iniisip at nagpalit na lamang ng damit. Hindi porke't silang dalawa lang ang nando'n ay may kung ano nang mangyayari. Lihim na lamang niyang pinagalitan ang sarili.

Pagkatapos niyang magpalit ng damit ay hindi niya mapigilang mapangiti. Isang floral duster kasi ang damit na binigay sa kanya ni Zero. Kung makikita siya ngayon ng mga kaibigan niya, tiyak na pagtatawanan siya ng mga 'yon.

Lumabas na siya ng banyo. Hinanap niya agad si Zero pero hindi niya ito makita. Naisip niyang hanapin ito sa itaas kaya nagdesisyon siyang umakyat ng hagdanan. Nasa huling baitang na siya nang bigla na lang bumukas ang pintuan sa may kaliwa niya. Laking gulat niya nang bigla na lang lumabas do'n si Zero.

Dahil hindi niya inaasahan ang biglang paglitaw nito ay labis talaga siyang nagulat dahilan para mawalan siya ng balanse. Tuluyan na siguro siyang mahuhulog sa hagdanan kung hindi lang mabilis na nakakilos si Zero. Agad siya nitong hinigit. Pero dahil sa sobrang lakas ng paghigit nito sa kanya ay pareho silang nawalan ng balanse at kapwa sila napahiga sa sahig. Pumaimbabaw siya dito.

"Ayos ka lang ba? Pasensiya ka na. Ikaw naman kasi eh, bigla ka na lang sumusulpot d'yan."

"At talagang ako pa ang may kasalanan sa nangyari?"

"Kasalanan mo naman talaga eh."

Nang maramdaman niya ang pagpulupot ng braso nito sa beywang niya ay saka lang siya naging aware sa posisyon nila. She was on top of him, magkadikit ang mga katawan at gadali lang ang layo ng mga mukha sa isa't-isa. Bigla ang pag-iinit ng pisngi niya.

"You're blushing, sweetheart."

Lalo naman siyang namula dahil sa endearment na ginamit nito. "Stop teasing me."

"Then, can I just kiss you?"

"Kailangan ba talagang humingi ka pa ng permiso?" nakangiti na niyang wika dito.

"Nope."

Binagtas nito ang pagitan nila at tuluyan nang naghinang ang kanilang mga labi. Kagaya nung unang beses na hinalikan siya nito ay parang milyun-milyong boltahe ng kuryente na naman ang dumadaloy sa katawan niya. Nang mas lumalim pa ang ginagawad nitong halik sa kanya ay parang nagising ang lahat ng nerves niya sa katawan.

She touched the dampness of his hair and pulled him closer, giving him more access to her mouth. Habang ang mga kamay naman nito ay abala sa paglalakbay sa kanyang katawan. Every part of her body was tingling with sensations unknown to her. Parang sinindihan ng naglalagablab na apoy ang buong katawan niya.

Betting Hearts: Memories in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon