HINDI malaman ni Zero kung ano ang pumasok sa utak niya at naisipan niyang dalhin sa infirmary si C.C. Hindi naman kasi niya maatim na pabayaan ito. Nang makita niya ito kanina na nakaluhod, buong akala niya ay umaarte lang ito para mapigilan siya sa pag-alis. Pero nang makita niya ang sugat sa tuhod nito ay hindi na siya nagdalawang-isip pa na lapitan ito.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan kasi ay bigla siyang nakaramdam ng pag-aalala para dito. Lalo na nang paika-ika itong naglakad palayo sa kanya. Naisip niya na sobrang sakit siguro talaga ng sugat nito. And before he knew it, buhat-buhat na niya ang dalaga at papunta na sila ng infirmary.
Napatingin siya sa dalaga, tahimik lang itong nakatungo. Akala pa naman niya ay magpoprotesta ito ng sobra dahil sa ginawa niyang pagbuhat dito. Pero mukhang sobrang nasaktan talaga ito sa pagkakadapa.
Kahit na medyo malayo sa kinaroroonan nila ang infirmary, hindi naman siya nahirapan na dalhin do'n si C.C. Sobrang gaan kasi nito. Ngayon lang siya may nabuhat na babae sa tanang-buhay niya pero nasisiguro niya na hindi ganito kagaan ang ibang mga babae. Hindi naman ito gano'n kapayat. In fact, all he could feel while holding her was the softness of her body. At aminin man niya o hindi, he really liked the feel of her body against his.
Agad niyang pinalis ang isiping 'yon. Ano bang nangyayari sa kanya?
Pagdating nila sa infirmary, agad na nagtaka ang school nurse nang makita sila.
"What happened?" tanong nito.
"Nadapa po siya Ma'am." Sagot niya dito. Ini-upo niya si C.C sa kama na nando'n.
"Dapat kasi nag-iingat kayo sa paglalakad." Wika ng nurse na kinuha na ang first-aid kit. Lalapitan na sana nito si C.C nang biglang tumunog ang cellphone nito. "Excuse, sasagutin ko lang 'to. Mabilis na mabilis lang." lumabas ito at pansamantala silang iniwan.
Ibinalik niya ang tingin sa dalaga. Nakatungo pa rin ito hanggang ngayon. "Ayos ka lang ba?"
Nagulat na lang siya nang bigla na lang itong umiyak. Dali-dali siyang lumapit dito. "T-teka- ba't ka umiiyak?"
Hindi ito sumagot bagkus ay nagpatuloy lang sa pag-iyak. Then naisip niya na nadapa nga pala ito sa harapan ng napakaraming estudyante. Tiyak na iniisip nito ngayon na sobra itong napahiya dahil sa nangyari. Napakaimportante pa naman ng image para sa mga kagaya nito. "'Wag mo na lang isipin yung mga nakakita sa 'yo kanina. Tiyak na sa makalawa o sa susunod na linggo makakalimutan na rin nila ang nangyari."
"The hell with them! Wala akong pakialam sa kanila."
"Then bakit ka naiyak?"
"Because it hurts, damn it!" wika nito na patuloy pa rin sa pag-iyak.
Napatanga naman siya dito. At hindi na niya napigilan ang sarili niya na magpakawala ng isang malakas na tawa.
HINDI naman makapaniwala si C.C sa malakas na pagtawa na ginawa ni Zero. Hindi na niya namalayan na tumigil na pala siya sa pag-iyak at nakatitig na lang siya sa mukha ng lalaki. Simula kaninang umaga nang kausapin niya ito, wala na itong ibang ginawa kundi simangutan siya. Kaya naman nagulat talaga siya sa ginawa nitong pagtawa.
The simple laugh brought wonders to his face. Nagliwanag ang mukha nito at parang mas lalo pa itong gumwapo. Then naisip niya na baka siya ang pinagtatawanan nito. Sigurado siyang mukha siyang tanga ngayon. Basang-basa ng luha ang mukha niya, baka nga kumalat na rin ang mascara niya eh. But to her surprise, wala man lang siyang pakialam sa kung anumang itsura niya ngayon.
Ang imporatante ay napatawa niya ito. Kahit siguro ilang beses siyang magmukhang tanga ay ayos lang basta makita lang niya ang nakatawa nitong mukha. Ang problema, ni wala siyang ideya kung bakit gano'n ang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
Betting Hearts: Memories in the Rain
Short StoryC.C was considered as one of the spoiled princesses in their university. Pero kahit minsan, hindi niya tinuring ang sarili niya na gano'n. She may be unreasonable and hard-headed pero kahit minsan hindi pa siya naghangad ng kahit na ano para sa sa...